CHAPTER III

18 3 0
                                    

Collin's POV

*unat unat* Tanghali na nung magising ako. Grabe ansakit pa rin ng ulo ko. Nung medyo nasa ulirat nako inikot ko yung mata ko sa paligid. Syempre alam ko namang hindi ko ito bahay. Kung ikukumpara sa bahay namin masyado itong maliit. Di lang to MALIIT, MAKALAT at TAHIMIK itong bahay nato.

Oo nga po pala bago tayo magkalimutan papakilala muna ako. The name is Collin Jacob Perez. 21years of age. Half Canadian po.

Nung patayo na sana ako may nakita akong note sa may table na pinapatungan nung gamot. And the note said:

"HOY! COLLIN JACOB PEREZ!! Pagkagising na pagkagising mo inumin mo itong gamot at umuwi kana sa inyo. Wag mo nang subukan pang magnakaw ng gamit diyan dahit pulis ang tatay ko ipapahuli kita. Uupakan ka nun hanggang sa di kana makilala sayang ang kagwapuhan dude kaya wag kang gumawa ng ikapapahamak mo. P.S. walang pagkain diyan kaya sa inyo kana kumain."

O__O Ano bang klaseng note to? Death threat? Baka siya ang ipapulis ko. Tsaka anu namang nanakawin ko eh baka nga lahat ng meron dito eh meron na kami sa bahay.

Dahil sa wala masyadong magawa. Sinubukan kong linisin muna itong bahay niya. Don't think me wrong pero way ko na rin ito ng pasasalamat para dun sa gamot.

----

It took me 3hours para maglinis. Di ako sanay dahil sa amin may mga maid para gumawa ng mga gawaing bahay. Nakapagluto na rin ako, di ako kumuha sa ref dahil nga sa sinabi niyang wala naman itong laman, napilitan pakong pumunta sa grocery store.

Nagpahinga ako ng saglit bago maisipang maligo, bumili na rin ako ng damit pamalit kanina. Medyo maliit kasi yung damit na ipinampalit sakin. Buti nga di ako na-rape eh, kundi ipapapulis ko talaga siya. At pagdating sa banyo walang bath tub, kaya naman no choice shower na lang.

5minutes... 10minutes... 15minutes... 20minutes... 25minutes... 30minutes... 35minutes... 40minutes.. 45minutes... natapos din ako sa pagligo. Nang bigalang bumukas ang pinto.

O___O <-- siya

O . O <-- ako

"Ahhh!! Anu ba naman yan!? Bakit andito kapa din tsaka bakit nakahubad ka?" sabi niya habang nakatalikod sakin

"Malamang naligo ako kaya ako nakahubad." Nakatwalya po ako kaya half-naked lang po.

"Bi-bilisan mo magbihis kana at umalis kana dito. BIlis!" tapos tumakbo siya palayo ng CR.

---

"Tapos kana ba? Hoy! Bakit di kapa naalis. Alis na!"

Nandito kami ngayon sa sofa ng bahay niya. Nanunuod ako ng TV.

"HOY!! BINGI KABA!?" sigaw niya sa tenga ko.

"Miss. Pwede ba wag ka ngang sumigaw ganyan kaba sa mga bisita mo? Nakikita mo namang nanunuod yung tao diba."

"Anung pinagsasabi mong bisita. Hindi kita bisita noh ni hindi nga kita kilala eh. Pag hindi kapa umalis dito tatawagan ko tatay ko para bugbugin ka." aba ang tapang nitong babaeng to ah.

"Hoy miss ang pulis nanghuhuli hindi nambubugbog at isa pa baka ikaw ang ipahuli ko dahil kinuha mo yung I.D. ko ng walang paalam." bigla naman siyang napakamot ng ulo.

"Ka-kaso ba yun? Makukulong bako dahil dun?" Anak ng tipaklong naman oh. Author TANGA ba tong babaeng to? Inis nako ah.

[ Chillax lang Collin ganyan lang talaga yan. Ahaha pagtyagaan mo na dapat nga masanay kana eh. ]

"Oo. Kaso yun kaya kung ayaw mong makulong tratuhin mo ako ng tama. Bisita mo ako eh." tapos bigla siyang sumimangot at nagkunot ng noo.

At nagsimula ang nakabibinging katahimikan. Walang nagsasalita saamin pinatay ko na rin kasi yung TV.

"Lalabas muna ako."

"Uuwi kana sa inyo? YES!!!"

"Hindi. Magpapahangin lang salit." tapos nawala yung saya sa mukha niya. Ahaha para siyang batang nalugi.

At yun nga lumabas muna ako dahil baka hindi ko kayanin ang katahmikan doon.

END OF CHAPTER III

Living with my FoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon