Epilogue

9.6K 144 35
                                    

Epilogue 


Kaisipan ni Rhine 


Nagpalakpakan ang mga bisita matapos kaming magsayaw ni Xavier. 


Bumalik na kami sa table namin. Andaming bumati samin. Ang saya ko ngayon, di ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko. 


Umupo na kami, magkahawak ang kamay, tiningnan ko siya; nakangiti lang siya kitang kita ko ang saya sa mukha niya. Tumingin siya sakin tapos ngumiti. 


"Saranghae." sabi niya bigla. 


"Ha?" tanong ko, di ko masyadong narinig kasi maingay dito. 


Lumapit siya sakin. 

"Sabi ko I love you." ulit niya. Napangiti lang ako. 


Lumapit samin sina Irene. 


"Rhineeeeee." tawag ni Genna habang papalapit samin. 


Nang makalapit na sila, niyakap nila ako habang nagtatalon. 


"Aray naman" reklamo ko. 


Inilayo nila ang sarili nila. 


"Ehh, masaya lang kami." sagot ni Myca. 


"Sa wakas kayo na talaga, sabi ko na nga ba eh." si Genna naman. 


"See, kayo talaga sa huli." sabi ni Irene. "Kailan ba kasal?" 


"Grabe naman to, agad agad talaga? Di pwedeng di magmadali?" tanong ko. 


"Bakit, ayaw mo?" biglang singit ni Xavier.  


Isa pa to eh, kahit maliit na bagay ginagawang problema. 


"To naman." sabi ko sabay hawak sa kamay niya, tinapik niya lang to. 


"Ayaw mo ata eh, okay lang naman kung ganun." malungkot na sabi niya. 


"Alam mo Xavier ang gulo mo, ewan ko sayo." sabi ko sabay tayo, nakakainis na eh.  


Sila Irene nanunood lang samin. 

Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko, ito na naman. 


"Oh bakit?" malamig na tanong ko sa kanya. 


Tumayo din siya tapos lumapit sakin. 


"Ano?" tanong ko ulit. 


Bigla niya na lang akong hinalikan. 


0_0 

>///<


"Wag ka ng umalis." sabi niya sakin. "Dito ka lang." ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. 





"O my G! Tama ba ang nakita ko?" tanong ni Genna kina Myca at Irene, sabay yugyog sa balikat ni Myca. 


"Bakit? Ano nangyari sayo?" wala sa sarili kong tanong. 


Lumingon naman si Genna, Myca at Irene sakin. 


"Seriously, di mo alam bakit naging ganyan si Genna?" tanong ni Myca. Umiling lang ako. 


"Ang slow mo Rhine." sabi ni Irene. Eh di wag na nilang sabihin. Makapanglait to. 

Hmmp -__- 


Even Though [Exo-K's Sehun] {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon