"Lika ka nga dito pahug ako sa future wife ko" abot hanggang tenga ang ngiti ng lalaking aking kaharap habang sinasabi ang mga katagang iyon kaya't agad akong lumapit upang siya'y yakapin at niyakap niya rin ako ng mahigpit.
"Sarap talaga ihug ng wifey ko oh!" pambobola pa niya.
"Asus! nambola ka pa, ikaw talaga napakabolero mo" sabay pisil ko sa kanyang matangos na ilong.
"Di ako nambobola wifey, totoo ang sinasabi ko" sabi pa ng lalaking aking kayakap habang nilalaro ang aking mahabang buhok.
Siya ang aking kasintahan 2 taon na ang nakakalipas sa aming pagsasama bilang mag nobyo at mag nobya, siya nga pala si Joshua Lorenzo Ocampo isa sa mga young bachelors na sikat sa business field kaya't di na ko nagtataka kung bakit kaliwa't kanan ang nagkakandarapa para mapansin ng aking kasintahan.
At ako naman si Liandra Ruine Samson anak din ako ng isang sikat na business man pero hindi tulad ng iba hindi nila ako kilala dahil itinatago ako ng aking ama dahil sa banta sa aking buhay nung ako'y bata pa, tanging si Joshua lng ang nakakaalam dahil ipinakilala ko siya sa aking mga magulang.
"Wifey, magpakasal na kaya tayo?" bumalik ako sa aking diwa ng marinig ang mga salitang iyon.
"A-no?" gusto kong marinig ulit ang kanyang sinabi.
"Sabi ko magpakasal na kaya tayo?" sabi ng lalaking aking kausap.
"S-seryoso ka ba jan?" kinakabahan ako, di ko mawari ang aking nararamdaman magkahalong tuwa at galak
"Oo naman, bat naman hindi? mahal kita at syempre gusto kitang maging asawa" at idinampi niya ang kanyang mga labi sa aking noo.
Lubos akong nagagalak sa kanyang mga sinabi, siya ang aking lalaking pinapangarap. Ang lalaking ninanais kong maging tatay ng aking mga anak at ang lalaking aking pagsisilbihan sa buong buhay ko. Ang lalaking kukumpleto sa buhay ko.
"Gusto mo ba akong pakasalan Ms. Liandra Ruine Samson?" at siya'y lumuhod sa aking harapan habang inilalabas ang maliit na box mula sa kanyang bulsa.
Eto na ang pinakahihintay kong mangyari sa aming relasyon kaya't abot langit ang aking ngiti at pasasalamat sa Panginoon.
"Will you marry me?" at ipinakita niya sa akin ang isang napaka gandang tiffany ring kaya't agad akong sumagot.
"Oo! Yes! I will marry you!" isinuot niya sa aking ang singsing at niyakap ko siya dahil sa sobrang tuwa na aking nadarama.
"I love you Wifey!" maging siya man ay tuwang tuwa habang yakap namin ang isa't isa.
"I love you too Hubby!" lalong humigpit ang kanyang pagkakayakap sa akin na labis kong ikinatuwa.

BINABASA MO ANG
My First Heartbreak
RomanceAkala mo sya na si THE ONE Akala mo siya na yung SOULMATE MO Akala mo siya na yung NAKALAAN SAYO Akala mo siya na yung MAKAKASAMA MO PAGTANDA Akala mo siya na yung SAGOT SA MGA DASAL MO at higit sa lahat.. Akala mo siya na yung FOREVER MO.. oo tama...