Ako po ay isang college student (secret and course hulaan niyo)
Naniniwala ba kayo na noong high school, kahit matulog ka ng matulog papasa ka. Samantalang, sa college kahit hindi ka pa matulog HINDI KA MAKAPAPASA...?
Well, ako OO! Kasi naman, noong high school ako, hindi talaga ako ganon kasipag. Mag-aaral ako kapag exam na kinabukasan, pero matataas naman ang grades ko.
Eh ngayon? Nako! Nahiya ang mga may insomia sa tulog ko! Tapos daig ko pa ang mga nagddiet kasi imbes na ikakain ko yung time, irereview ko nalang.
Nakakainis yung mga professors na minamaliit yung mga estudyante niya. Yung feeling niya siya pinakamagaling kasi nga prof siya. Sus! Parang hindi naman siya naging estudyante. Ang mabuti pa sa kanila, wag na magturo kasi nakakababa sila ng moral ng mga estudyante. Mabulok sana sila sa ilalim ng poso negro.
BINABASA MO ANG
KWENTO KO SA PAGONG
ComédieWag mo sabihing siraulo ang mga nakikipag-usap sa sarili. Nasasaktan ako. Bakit ni-minsan ba sa buhay mo hindi mo kina-usap ang sarili mo? Bahala ka sa buhay mo. Ito ay mga titik, letra, salita, at pangungusap na pinagsama-sama upang makabuo ng kwen...