Qwerty's POV
Oh, I hate what I am seeing right now. Tignan niyo yung star couple ng BSA.
"Ang ganda nilang tignan! Bagay na bagay talaga silang dalawa!" sabi ng isang girl na dumaan sa side ko habang nakatingin sa kinaroroonan nina Kerk at sino na nga ba yung babaeng yun?
Fss. I don't even remember her name and wala akong balak na kilalanin siya. Never.
Well, kung ano man ang pangalan niya, ang pangit niya. Really.
And duh, girl. Hindi naman sila bagay ah! Mas bagay kaya kami ni Kerk!
"Well, well, well. Andito na yung star couple ng campus." salubong ko sa kanilang dalawa.
"Oh tapos?" sumbat ni Kerk.
"Wala naman. Hindi ko lang kasi masikmura na magkasama kayong dalawa tapos hindi pa kayo bagay." sabi ko ng naka cross arms pa.
Kalat na sa buong campus namin na magkasintahan sila. Drgh! Dapat kaming dalawa yun ni Kerk eh! Mas bagay kami!
"So kami pa ngayon ang hindi bagay?!" pagtataas ng boses ni Kerk.
Hinawakan naman ni girl yung kamay niya. Fss. Their relationship is so boring.
"Yup. Hindi nga kayo bagay." -ako.
"As if naman bagay kayong dalawa." sabi nung girl.
Aba! Lumalaban rin pala siya ah!
"Oo kaya! Mas bagay kami ni Kerk kesa sayo."
"Bagay daw? Tsh. Ni hindi nga bagay yung stilleto shoes mo sa damit mo tapos kami pa ngayon ang sasabihan mo na hindi bagay." sabi niya.
"What?! I thought bagay yung stilleto ko sa suot ko. Hay. Ano ba yan!" sabi ko sabay yuko at tinignan yung sapatos at yung suot kong damit. "Teka, bagay naman ah."
Pagkataas ko ng ulo ko, wala na sila. Asan na kaya yung dalawang yun? Bigla na lang nawala.
Oh well, makikita ko pa naman sila. This is a small world.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa Picture and Editing room. Nag-e-edit kasi ako ng mga kinukuha kong pictures. Dun naman ako magaling eh.
It's almost 7:36 na. Late na ako ng halos 6 minutes.
Hay. Nakakastress ng beauty ko.
[Author : As if naman may beauty ka.]
Shut up ugly author! Wala kang panama sa ganda ko.
[Author : Talaga lang hah? Pasalamat ka nga at isinama pa kita sa kwentong ito. And excuse me, hindi ako ugly. Ikaw lang. Huwag mo akong idamay!]
Yeah, yeah, whatever.
[Author : Whatever mo mukha mo.]
Shut up na author!
[Author : Inis ka na noh? Buti nga sayo.]
Drgh! Wala man lang ba akong kakampi sa istoryang ito?!
[Author : Sa tingin mo sa ugali mong yan ay magkakaroon ka ng kakampi? Tss.]
Kainis ka talaga author! Haaaay. Pumapangit tuloy ako.
[Author : And so? Wala akong pake kung pumangit ka man. Dati ka ng pangit eh.]
Huwag ka na ngang umeksena sa kwentong ito! Hindi ka naman kasali eh!
[Author : Eh kung ikaw na lang kaya ang hindi ko isali sa kwentong ito?]
Naman kasi eh! Please lang author, manahimik ka na lang diyan!
[Author : Oo na! Oo na!]
Fss. Pati yung author nakakastress. My morning is ruined!
Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa wakas, nakarating din ako sa room ko. Pagpasok ko...
"You're 10 minutes late Qwerty." sabi nung prof ko.
"Alam ko." sagot ko naman.
Uupo na sana ako ng bigla niya akong palabasin sa room.
"Get out." sabi niya sakin. Nagsipagtinginan naman sakin yung mga classmate ko.
"Bakit naman sir? Eh hindi naman isang oras yung l--"
"Kailangan ko pa bang ulitin yung sinabi ko?" He's getting on my nerves already.
Lumabas na lang ako. Baka ibagsak pa ako nun, mahirap na. Baka ipatapon ako nina mommy sa ibang bansa kapag nagkataon. Kakatransfer ko nga lang dito.
Oo, nagtransfer ako. Nagmula ako sa isang exclusive girls' school. Doon ko nakilala si Kerk at ang grupo nila. Nag-intermission kasi sila ng mga kaibigan niya sa campus namin. Nastruck ako sa galing niya sa pagsasayaw at syempre pati na rin sa looks niya. Dun kami naging friends at di nagtagal ay niligawan niya ako. Sweet di ba?
Kaso isang araw, nalaman niya na ginamit ko lang siya. Well, minahal ko siya pero isang araw, naramdaman ko na mas matimbang yung pagmamahal ko sa ex ko kaya ayun, nagbreak kami.
And after ng ilang months, namiss ko siya kaya nakipagbreak ako sa ex ko at heto ako ngayon, humahabol sa kanya.
[Author : Ikaw talaga naghahabol? Landi mo rin.]
Landi ka diyan! Hindi kaya! I'm just fighting for him para bumalik ulit siya sakin.
[Author : Talaga? Baka naman ipinaglalaban mo siya kasi wala ka ng mahanap na pampanakip butas?]
You're so irritating! Ipinaglalaban ko siya dahil mahal ko siya!
[Author : Teka nga lang, bat mo ba siya ipinaglalaban? May ayaw ba sa kanya o ano? Ang gulo mo kasi!]
Ayaw na kasi nina mommy na magka BF ako kaya ipinaglalaban ko si Kerk.
[Author : Bakit, boyprend mo ba si Kerk? Hindi naman di ba? Uso naman ang huwag mag-ilusyon. Atsaka, sundin mo na lang ang parents mo kung ayaw ka nilang magkajowa.]
Ayoko nga! My life will be boring kapag wala akong BF.
[Author : Tss. Arte mo. Sabagay, maboboring ka nga. Wala ka naman na kaibigan diyan sa bago mong school eh.]
Bakit ba inaaway mo ako?
[Author : Ayoko kasi sayo.]
Eh bakit ginawan mo pa ako ng POV?
[Author : Gusto ko kasing ipamukha sa readers na masama ka.]
Drgh! I hate you author!
[Author : Bakit, akala mo mahal kita? Huwag kang assuming!]
Hay nakuuu! Ewan ko nga sayo! Chupe na author! Baka ikaw na ang maging bida dito. Ang daldal mo eh!
[Author : Che! Isuksok ko yang stilleto mo sa bunganga mo eh!]
Fss. Ang iinit ng ulo ng mga tao ngayon. Anong meron? Warfreak kayo? Sorry, ako rin eh. Matagal na. Fair enough.
Lakad lang ako ng lakad.
Hindi ko alam kung saan ako mananatili buong morning period. Wala akong makita na magandang spot sa school na ito.
Bakit ba kasi nagkakaganito ang buhay ko? Wala man lang akong kaibigan dito. Yung mga magulang ko naman ay pinapakialaman lang ako kapag may nagagawa akong mali.
Ay. Ano ba yan? Nagdadrama na ako rito. Fss. Hindi bagay sa ganda ko.
Naglakad lang ako ng naglakad ng biglang,
OH MY G
Si Kerk at yung girlfriend niya ay...magkayakap.
:11.0pt;fDn
BINABASA MO ANG
He's a DANCER,She's a SINGER
RomanceALL RIGHTS RESERVED.Places,incidents,and the names of each of the characters in this story are products of the author's imagination.Any resemblance to the story is highly coincidental.I apologize if it did so. [author]