‘Hi’
Grabe, napakahaba. Pero sa dalawang letrang yan nagsimula ang You-and-I-against-the-World Love story namin. Third year ako nung nagkaroon ako ng sariling cellphone. Di ko na maalala kung pera ko ba yung pinambili dun o regalo saken ng mama ko. Natuwa pa nga ako kasi ang cute ng kulay, pink. Nung mga panahon na yun, uso yung ‘text clan’ at dahil mabait ako, sinubukan ko. Dahil dyan, marami akong nakilala. Kaibigan, nanay, tatay, crush, bestfriend. Sa isang cellphone, ang dami ko ng narating. Ang dami ko ng nalaman. Not mentioning na dapat ko ba talagang malaman yung mga bagay na yun o hindi. Pero kahit ano pa man yun, masaya ako na may nakapansin saken.
‘ Nakita na kita chie.’
Chie. Isa siya sa mga nakapalagayang loob ko sa clan. Nakita niya na raw ako. Pero nung sinubukan kong tingnan yung fb profile niya, wala akong nakita. E paano yung mukha niya natatakpan ng camera. Bakit kaya ganun yung mga tao ngayon. Yung totoo camera o mukha mo? But anyways, back to the story. Nakapigtail pala ko nun tapos suot ko yung ‘uniform’ ko. Sabi kasi nila lagi ko daw suot yung damit na yun. Run out of clothes naman katwiran ko. Eww.
Doon nagsimula ang lahat. Naalala ko pa yung sabi ni popxhie.
‘Tulungan mo akong magkabati kami.’ Nagtaka pa nga ako kung sino tinutukoy niya e. Si Chie pala yun.
At dun ko nagets na magkapitbahay pala sila and they are best of friends. Sa isip isip ko nga e, di dapat ako nangingialam sa mga ganyang bagay. Pero dahil kaibigan ko sila pareho, pinagbati ko sila.
‘Hayaan mo na lang kami ang makaayos nito.’
K. Sabi ko nga po. Ang taray naman ni Chie. Tama naman siya. Malaki na sila, kaya na nila yun. Until one day, everything was cleared to me.
‘Girlfriend ko siya.’ Pagtatapat saken ni Popxhie. Kaya pala ganun sila ka-affected sa isa’t isa. Well, nagulat lang naman ako. For the very first time in my life, nalaman kong may ganun pala. Akala ko kasi puro boyfriend-girlfriend relationship lang. Nothing so unusual. By that, mas naging close kaming tatlo. Nakakatuwa nga e, para nila akong witness sa kanilang bitter sweet love story.
‘May sasabihin ako chie.’
‘Ano po yun?’
‘Pero di ko pa sure ‘to.’
‘It’s okay. Ano ba kasi yun?’
‘Feeling ko. Crush na kita.’
OH-KAY. What was happening? Ishi, magreact ka. Crush lang naman e. Yung kapitbahay ko nga dati may crush sa Ate Jamaica ko, di naman sila nagkatuluyan kaya okay lang naman siguro yun.
‘Akala ko naman kung ano, :D’
Pagkatapos nun, di na siya nagtext. Back to my normal way of living, bahay school. School groupings. Groupings bahay. Same old routine. Aaminin kong nalulungkot ako kasi pareho silang nawala. Wala naman akong idea, basta ang alam ko wala akong ginagawang masama. Maghihintay na lang akong maalala nila ako.
‘Tigilan mo na girlfriend ko.’
CRAP. Wala po akong ginagawa sa kanya. We’re friends, just friends. Ni hindi ko nga siya nilandi. Wala naman sa lahi ko yung ahas.
‘Nag-aaway lang kami dahil sayo.’
Aww. Bakit ako? Medyo masakit yun ah. Para akong pinagbibintangan sa di ko naman ginawa. I was damn clueless.
‘Malandi ka. Mang-aagaw!’
Ano daw? ‘Malandi ka. Mang-aagaw!’ ‘Malandi ka. Mang-aagaw!’ ‘Malandi ka. Mang-aagaw!’ ‘Malandi ka. Mang-aagaw!’