Jaco POV
Nagising ako kasi nakaramdam ako na may umaalog alog sa kama ko.
Ano ba yan. Medyo masakit pa ang ulo ko e! >_<"
"ANO BA!!" sigaw ko.
Pag tinggin ko, parang mas naasar ako sa sarili ko.
Ang tanga mo Jaco!
"S-sor..ry." mahina at nakayukong sabi ni Kate.
"Sorry din. Medyo masakit pa kasi ang ulo ko eh. Bakit ka ba naglululundag sa kama ko?" Tanong ko.
"K-ka..si may binili akong pagkain eh. Yayain na sana kitang kumain para narin makainom ka ng gamot." Paliwanag niya naman.
Sa paliwanag niyang yun, hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napangiti.
"Ah ganon ba? Sige mag hihilamos lang ako tas kain na tayo." Sabi ko ng nakangiti ng wagas sabay tayo at deretsyo na sa cr.
Ewan ko pero napangiti ako sa sinabi niya eh.
Yung ngiting ear-to-ear
Ang babaw ko talaga.
Parang inaaya lang niya na kumain kami ng breakfast eh tuwang tuwa nako.
At pag tinggin ko sa salamin, shit bat namumula yung mukha ko?!
May lagnat narin ba ako?!
Eh kanina ulo lang masakit huh.
Ano ba yan masyado akong sakitin. >...<
Pero nung kinapa ko yung leeg ko, di naman mainit.
Ano ba nangyayare sakin?
Nagulat naman ako ng biglang may kumatok sa pinto ng cr.
"Jaco matagal ka pa jan?"
"A-ah h-hindi. Sige saglit nalang." Sagot ko.
Naghilamos nalang ako at nag toothbrush at lumabas na.
Nakita ko naman yung mga binili niya.
At bigla akong ginutom.
Agahan ba talaga to para kay Kate?
Ang dami niyang binili.
"Kate, sure kang tayo lang uubos nyan lahat?"
Natawa naman siya sa tanong ko.
Seriously? Anong nakakatawa sa tanong ko?
Tinignan ko siya ng maigi.
Tumahimik siya.
"Kung kaya nating ubusin yan, sige go lang. Pwede naman natin di ubusin eh."
"Pero sayang naman. Ang dami nyan e." Sabi ko ng may panghihinayang sa boses.
"Oo nga. Sige pilitin nating maubos. Ok? Masyado kasi akong masaya kaya di ko napansin na ang dami ko ng nabili." Sabi niya.
Masaya siya?
Bakit naman kaya?
"Bakit ka masaya?" Wala sa sariling tanong ko.
Sht Jaco!
Bat di mo kayang pigilan yang kadaldalan mo?
"Bakit ako masaya? Yung nangyari kasi kahapon."
Yung ngiti niya, yun ang ngiti niya kagabi dun sa Justin.
Di ko alam kung bakit, pero nawalan ako bigla ng gana kumain.
"Jaco alam mo ba ang saya saya talaga kahapon!" Sabi niya ng wagas makangiti.
Halata nga. -.-
"Kahapon lang kasi nangyare yun eh! Ang saya saya talaga!"
Oo na ikaw na masaya na kasama yung Justin na yun!
Siguro sinurprise siya ng date nun!
O kaya nag bar sila tapos...
Sht ano ba tong iniisip ko!
Hayaan mo siya Jaco kung masaya siya.
"Huy Jaco nakikinig ka ba sakin? Kanina ka pa walang imik jan!"
"A-ah e-eh o..o! Congrats sainyo huh!" Sabi ko nalang.
"Congrats samin? Nino?" Nagtatakang tanong ni Kate.
"Nung kasama mo kahapon." Sagot ko.
"Samin ni Justin? Bat kailangan mo kaming icongrats?"
Ano ba tong babaeng to!
Malamang kasi nga sila na!
Kaya CONGRATULATION!!
"Syempre masaya kayong magkasama kagabi eh." Sabi ko nalang.
"Di ka nga nakikinig. Psh. Kaya sobrang saya ko kasi ayos na sila mama at papa. At si Justin ang dahilan nun. At oo napasaya ako ni Justin dahil dun. Buti nalang talaga ayos na sila mama at papa." Mahabang litanya ni Kate.
Ay ganon ba?
Eh bat naman kasi di nagsasabi agad eh!
"Ganon ba? Hmm. Ok. Edi sobrang saya mo talaga?"
"Syempre naman! Nakita mo naman kung gano ko umiyak noon dahil sa kanila. Diba?"
Ay oo. Umiyak siya nun.
Nakakaawa nga siya nung time na yun eh.
"Oo naalala ko pa yun. Tara kain na tayo! Ang dami pa nating uubusin oh!" Sabi ko ng sobrang energetic.
Ewan ko. Bigla bumalik yung saya ko ng malaman ang dahilan ng kasiyahan ni Kate.
Tama ba tong nararamdaman ko?
Ayoko kasi ng ganito.
Baka layuan ako ni Kate.
Ayoko na mangyari yun.
Dapat pigilan ko tong nararamdaman ko.
Di to pwedeng lumalim.
Kasi alam ko, mawawala siya sakin.
Kahit bilang kaibigan nalang niya.
Ok lang sakin.
Ok na sakin kahit kaibigan niya lang ako.
Basta ayoko na lumayo siya sakin.
Kaya simula ngayon, kailangan ko ng kalimutan ang umuusbong na nararamdaman ko sakanya.
Kasi mali to.
At di dapat.
Kasi nga, pareho kaming babae.
At kahit di ko pa man sinusubukan na sabihin sa kanya alam ko na.
Alam ko na, na irereject niya lang ako.
Na di niya kayang ibalik kung anuman ang nararamdaman ko sa kanya.
Kaya alam ko na sa gagawin ko, eto ang tama.
At eto ang dapat.
BINABASA MO ANG
She's Inlove With A Lesbian
Novela JuvenilWhat if the one you hated the most is the one whom you'll love that much? What if the one whom you love is LESBIAN? Can you stand what other's think just for you to be happy? Will you fight just for your love for HER? This story is my Life. And it b...