Copyright 2013 © Yeppeun
Siguro | One Shot Story
FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie
•••
"Sana tumingin ka.. Sana tumingin ka.. Sana tumingin ka.. Sana tumingin ka.. Sana tumingin ka.. Sana tumingin ka..." kanina ko pa binibigkas ang salitang 'yan. Sabi kasi ng classmate ko kapag binigkas mo ang isang daan na gusto mong mangyari magkakatotoo raw kaya ginawa ko naman... Pero pang isang daan ko ng binigkas ang salitang 'yan hindi pa rin sya tumitingin kahit isang sulyap lang hindi naman nangyari. Masyado na ba akong desperada? Siguro... Wala naman na kasing ibang paraan para mapansin nya ako.
"Hoy Lenca!" bahagya akong nagulat sa pag upo ni Shamma sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya at nginitian ko na lang sya sabay balik ng tingin kay Craig. "May bago akong nalaman, mag bilang ka ng nine stars sa siyam na araw tapos matutupad ang hiling mo, tska 'yung 11:11 wish din---"
"Nagawa ko na 'yan." sabi ko sa kanya habang naka-tingin pa rin sa kinaroroonan ni Craig, hinigop ko ang juice na nasa harap ko, narinig ko naman na binuksan ni Shamma ang hawak-hawak nyang piattos inalok nya ako pero tinanggihan ko. "Siguro kung lalapitan mo sya at aamin ka sa nararamdaman mo.. Siguro mapapansin ka nya, siguro may chance kahit konting-konti, siguro hindi ka aasa sa wala, siguro----"
"At siguro hindi ako magiging tanga." tinuloy ko na ang sasabihin nya, tumingin ako sa kanya habang naka-ngiti napa-buntong hininga naman sya.
"Alam mo Lenca aminin mo sa kanya 'yang nararamdaman mo, hindi habang buhay aasa ka sa wala, hindi habang buhay magiging tanga ka, hindi habang buhay titignan mo na lang sya sa malayo."
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya at tinignan ko ulit si Craig, sa bawat pag buka ng bibig nya lumalabas ang dimple sa kaliwang pisngi nya, sa bawat pag ngiti nya nawawalan sya ng mata dahil sa sobrang singkit nya. Kung titignan mo sya halos perpekto na ang muka nya, halos lahat ng gusto ng isang babae nasa kanya nya.
Kaya nga nagkagusto ako sa kanya---kaya minahal ko sya. Tatlong taon, ganito lang ang ginagawa ko umaasa sa mga hula, sa mga wish, at sa imagination. Hindi ko naman kasi inaasahan na ang pag hanga ko sa kanya ay mapupunta sa pagmamahal. Alam nyo 'yun? 'Yung tipong excited akong pumasok sa school namin para makita sya, kahit ngiti lang nya buo na araw ko, 'yung tipong sa mga galaw lang nya kinikilig ako. Hindi ko inaasahan na hahantong ito sa salitang 'mahal' ganun naman siguro 'no? Hindi mo mapipigilan 'yung nararamdaman ng puso mo. Ang drama ko ba? Ganito talaga siguro pag nag-mamahal ng taong hindi ka naman mahal.
"Alam mo sabi nila kapag nag-mamahal daw hindi humihingi ng kapalit, pero nakaka-tanga naman kapag nag-mamahal ka ng taong hindi ka mahal o kahit pansinin ka 'man hindi nya magawa. Napaka-komplikado ng mundo, iba-iba ang opinyon, iba-iba ang paniniwala, iba-iba ang mga haka-haka. Pero alam mo Lenca, iisa lang talaga ang tama... 'Yung idinidikta ng puso mo, 'yung gusto nyan gawin. Pero minsan dapat din sundin ang sinasabi ng isip, dahil minsan sila ang mas tama kesa sa puso. Haha! Teka ang drama ko yata." huminto sya sa pag-sasalita at nilagok ang hawak-hawak nya na tubig sabay ngumiti ito sa akin. "Pero Lenca, sa kalagayan mo tama na ang pagiging tanga, tama na ang pagiging masokista, umamin ka na sa kanya. Sa kalagayan mo kasi siguro dapat sundin ang puso mo." tumayo sya sa pagkaka-upo nya sa tabi ko habang hawak-hawak ang piattos nya sa kanang kamay nya at ang tubig naman sa kaliwang kamay nya. "Mauuna 'na ako, alam ko namang tititigan mo pa rin sya dyan. Haha." nginitian ko na lang sya at sinabing itext na lang ako kapag may teacher ng darating sa amin.
BINABASA MO ANG
Siguro (ONESHOT)
Teen FictionSiguro hanggang dito na lang tayo, siguro hanggang dito na lang ako... Umaasa sa pag-mamahal mo... Siguro lang naman, siguro...