SEAN
"Hoy Negrita! Ano na naman 'yang kinakain mo? Pahingi naman ako." ani Sean sabay hablot sa kinakaing ice cream ni Abby.
Na-shocked siya. Nakita pa niyang kinain na nito ang ice cream niya. Tinitigan niya ito ng masama. Kung pwede lang manakal ng lalaking ubod ng yabang ay ginawa na niya.
"Ice cream ko yan, Sean!" nanggigigil niyang bulyaw dito. Hinampas pa niya ito sa braso ng sunud-sunod.
"Ano ba! Aray!" hinimas nito ang braso bago siya pinigilan ng isang kamay. "Masakit na ha. Parang ice cream lang eh."
"Ang yabang yabang mo talaga! para kang bata! bakla ka! pumapatol ka sa babae!"
Nagkatawanan naman ang mga kaibigan ni Sean na hindi niya pansin na nasa likuran pala niya.
"Para kayong mag-asawa ah." natatawang kantyaw ng isa sa mga kaibigan ni Sean.
Nakangiting inakbayan siya ni Sean. "Ganito kami magmahalan."
Pumiksi siya sa hawak nito at bineletan niya ito. "In your dreams! hindi ka si Chris para mag-ilusyon ako na maging asawa ka!"
Nagsalubong ang kilay nito at masama siyang tiningnan na bagay na ikinatuwa niya dahil nakapuntos siya ng pang-aasar dito.
Hindi niya nga maintindihan kung bakit ang lakas mang-asar nito. Wala naman siyang ginawang masama rito. Tinulungan pa nga niya ito sa schedules nito dahil transferee ito sa school nila, pero pang-aalaska lang ang napala niya. Simula noon ay hindi na siya nito tinantanan. Lahat ng gawin niya ay kontra ito lagi.
"Hah! ipinagmamalaki mo yung bading na iyon?" umuusok ang ilong nito sa galit. "Yung mukhang bangus na iyon? Lamang lang iyon sa akin ng isang paligo, pero mas matalino ako don."
Nagkantiyawan na naman ang mga kaibigan nito. "Para talaga silang mag-asawa 'no?"
"Shut up!" sabay nilang bulyaw.
Bago napahalakhak si Sean. "Tsk, my angel, sa tingin mo ba papatulan ka ni Bangus?...Hindi. Dahil hindi pumapatol iyon sa negrita."
Muli sanang hahambalusin ito ni Abby ngunit nakatakbo na ito kasabay ng mga nagtatawang barkada nito.
"Sira ulo ka talaga!" pahabol sigaw niya.
May oras din sa kaniya si Sean. Makakaganti din siya. Masama ang loob na lumabas siya ng Campus.
ABBY
Nakita na naman ni Sean na kumakain si Abby ng ice cream. Ang hilig talaga kumain ng babae matapos mag-lunch. Tanaw niya ito buhat sa classroom niya habang ang una ay nakaupo sa may oval bench na katapat ng classroom nito.
Gusto na naman niyang asarin ito pero naudlot ang pagtayo niya buhat sa kinauupuang student chair nang makita si Bangus na papunta sa direksyon ni Abby.
Nangunot ang noo niya sa ginawang pag-ngiti ni Negrita. Napailing siya. Sa natatandaan niya, hindi man lang siya nginitian nito ng ganoon kahit minsan o kahit nung una silang magkakilala. Ano bang meron ang Bangus na iyon na wala siya?
Kung tutuusin mas gwapo siya at matalino kaysa sa mukhang bading na iyon!
Kinikilig na kumaway pa si Abby habang nakangiting papalayo si Bangus. Napapabuntong hiningang tinitigan si Negrita.
Magaganda ang mga mata nito at mapula ang labi kahit na morena ang kulay nito. Tama lamang ang pangangatawan nito, hindi ito nag-iilusyon na maging sexy bagay na ikinagusto niya lalo dito. Natigilan siya sa naisip bago bumuntung hininga. Gusto? Kailan ba niya inamin sa sarili na gusto niya si Negrita? Nang malaman niyang crush nito si Bangus.