TULA 24: Binalik-balikan, Inayaw-ayawan

43 5 3
                                    

"Kumusta?"

tanong niya.


"Mabuti naman,"

nakangiti kong turan.

"Ikaw?"


"Noong isang araw,

gusto ko sanang

puntahan ka.

Pero

nahihiya ako.

Pakiramdam ko,

wala akong mukhang

maihaharap sa iyo."


"Bakit naman?"


"Malaki ang kasalanan

ko sa iyo."


"Nakalimutan

ko na iyon."


"Kasama ba ako roon?"


"Bakit naman kita

kalilimutan?"


"Mahal mo pa rin ba ako?"


"Hindi ba

may mahal ka nang iba?"


"Wala na kami."


"Ano'ng nangyari?"


"Ikaw pa rin

ang isinisigaw ng aking

puso at damdamin."


"Hindi kita nakalimutan.

Pero hindi ibig sabihin

na mahal pa rin kita.

Ako sana ay iyong patawarin."


"Gumaganti ka ba

sa akin?"


Natawa ako

sa kanyang sinabi.

"Bakit naman ako gaganti?"


"Dahil iniwan kita noon."


"Ano ang mapapala ko

kung maghihiganti ako?

Gaya ng sabi ko,

nakalimutan ko na iyon.

Isa pa,

may kasalanan din naman ako.

Hinayaan kita

na iwan mo ako.

Sinira ko

ang pangako ko

na hindi ko hahayaang

maghihiwalay tayo."


"At sinira ko rin

ang pangako ko

na hindi ako bibitaw

sa iyong kamay."


"Alam mo ba

kung gaano ako

nasaktan noon?"


"Alam ko.

Dahil nasaktan din ako

noong iniwan kita."


"Noong nakita ko kayo

nang una kayong magkita,

naisip ko

na magiging kayo.

Na siya ang tadhana mo.

At hindi ako nagkamali.

Noong nakita ko uli kayo

na hawak ang kamay ng isa't isa,

masaya,

naisip ko

na hindi talaga tayo

ang para sa isa't isa.

Kaya minabuti kong

kalimutan na lang kita."


"Pero nagkamali ka.

Kami ngayon ay wala na."


"Alam kong

wala tayong

formal breakup.

Pero nang magkaroon ka

ng iba,

sapat nang dahilan iyon

para sabihing

hindi na tayo.

Wala na tayo.

Wala nang tayo.

Matagal na."


"Wala na bang pag-asa?"


"Uso pa ba ang umasa

sa pagmamahalan

nating dalawa?"


"Gusto ko sanang

magkabalikan tayo, Raffy."


"Patawarin mo ako.

Ayaw ko na, Rose Marie."


Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon