probinsya to eh kaya madaming tao na pangkaraniwan lang ang dating sakin.
Bakit kami lumipat?
Dahil masyado nang madami ang nang gugulo sa buhay namin sa Manila, yung ex ko na halos di na umaalis sa bahay balikan ko lang daw sya. Obsess na sya!
Tapos kay Mommy, madaming naninira sa kanya sa trabaho nya kaya nagdecide sya na umalis nalang kami don.
Yung tatay ko? Wala eh, nasa ibang bansa at may ibang pamilya na. Tsk!
At napunta nga kami dito, napakatahimik ng lugar na 'to halata mong masarap tumira dito 😌
Since bago palang kami dito, wala pa kong kilala kahit sino.
"Anak! Nakaluto na ko ng breakfast, kumain ka na dito." tawag ni Mama mula sa kusina.
"Sige po, Mommy. Nandyan na!" sagot ko.
Nakaready na nga ang mga pagkain, ako nalang ang kulang.
"Amp, anak aalis ako ngayon ah. Hahanap ako ng mapapasukang trabaho."
"Saan naman, Mommy? Anong oras po kayong makakauwi?"
"Doon sa company sa bayan. Eh baka gabihin na ko anak."
"Sige po, Mommy. Ingat! Goodluck ☺️" kiniss ako ni Mommy pagkasabi ko non at tumayo na para umalis.
Pero bigla syang huminto at sinabing...
"Kung mainip ka anak, makipagkaibigan ka muna sa mga tao dito huh? Pero mag-iingat ka!"
"Sige po :)" at umalis na nga si Mommy.
Niligpit ko na yung pinagkainan ko at naligo, makalabas ng bahay para naman may makilala ko.
Pag labas ko palang ng pinto ay bumungad na sakin ang mga tao na ang sasayang nagtatrabaho, mga batang masayang naglalaro.
Ang sarap tumira dito! Goodvibes lang lagi ang mga tao. ☺️
Nakaupo lang ako dito sa labas namin nang bigla akong lapitan nung dalawa beki na 'to. Hahahaha
"Hi Ganda!" bati nila sakin ng nakangiti.
"Hello" nginitian ko din sila.
"Bago ka lang dito?" tanong sakin ni Bakla 1.
"Ahm, oo eh. Kanina lang kami lumipat dito" sagot ko tapos umupo silang dalawa sa tabi.
Ang dami nilang kalokohan at halos malaman na nila yung talambuhay ko. Hahahaha, pero ang gaan na ng pakiramdam ko sa kanila.
Napalingon kami sa mga naglalarong bata at may isang batang nakakuha talaga ng atensyon ko, kasi umiiyak sya at mag-isa.
"Oy, tara nga don sa bata na yon" sabi ko sa dalawa at tinuro ko yung bata. Pumayag naman sila.
"Bata, bat ka umiiyak?" tanong ni Bakla 2 pero ayaw sumagot ng bata. Nakayuko lang sya.
"Saan ba ang bahay nyo? Gusto mo ihatid ka namin?" sabi ko at bigla bigla nalang tumayo ang bata at hinila yung kamay ko.
Nakakatakot. Sumunod yung dalawang bakla, at dinala kami nung bata sa liblib na lugar na 'to. Dito siguro ang bahay nila.
"Dito naba ang bahay nyo?" sa halip sa sagutin ako ng bata ay humarap lang sya at ngumiti. May iba sa ngiti nya.
Niyaya kami nung bata sa loob ng bahay nila pero di muna ako pumasok, yung dalawang bakla lang.
Para bang may iba sa lugar na 'to, pati mga tao dito. Nakakapangilabot!
Narinig kong tumatawa yung dalawang kasama ko kaya pumasok ako sa loob.
Nakita ko sila hubo't hubad at mga tawa ng tawa pero parang wala naman silang pinagtatawanan. Leche sinimulan na kong kabahan! 😭
Lumabas ako ulit at hinanap ang bata. Nakita ko syang nagpipiko, lumapit ako sa kanya.
"A-asan ang mga magulang mo?" tanong ko sa kanya, di ko pinahalatang kinakabahan ako.
"Yung nanay ko nasa loob kasama yung dalawang bakla, yung tatay ko nangangahoy sa gubat" sagot nya, ibig sabihin yung nanay nya ang may gawa non.
Kinakabahan na talaga ko leche.
Pumasok ang bata at nakita kong lumapit sya sa nanay nya. Tapos nakita kong nakangiti ng kakaiba yung mag-ina sakin. Kunwari nalang ay di ko yon nakita.
Di ko na alam ang gagawin ko kasi kumpirmado, may kakaiba sa kanila.
Pumunta ako sa harap ng bahay nila, nang may makita kong dalawang batang babae na umiiyak din. Nakita din nila ako at bigla akong kinilabutan.
May iba sa mukha nila, parang may ginawa sa kanilang hindi maganda. Nakakaawa na nakakatakot! 😭😞
Sumigaw bigla yung dalawa...
"Ate! Ate! Tara na, umalis na tayo dito. Delikado dito!"Di na ko nagdalawang isip pa at tumakbo sa dalawang bata. At inaya na sila, nagwawala na yung dibdib ko sa sobrang kaba.
Lumingon ako saglit sa bahay at nakita kong nakatingin samin yung mag-ina, tingin na parang dimonyo. Nakakatakot sila! Pero hindi sila tuminag para habulin kami.
Halos maiyak ako sa nakita kong nilabas nila sa bahay nila, YUNG DALAWA KONG KASAMA PATAY NA! YUNG ISA AY PURO SAKSAK SA TYAN AT DIBDIB AT YUNG ISA NAMAN AY NAKABIGTI AT BUMUBULA YUNG BIBIG.
Di ko na kaya, tumakbo na ako kasama yung dalawang bata. Mabilis na mabilis ang bawat paghinga namin dahil sa layo ng natakbo namin na yon. Bigla nalang tumulo ang luha ko sa mga nangyari.
Mas madami palang mang gugulo sa buhay namin dito. Hindi lang basta guguluhin kami, papatayin din kami. Ayoko na sa lugar na 'to, Ayoko naaaa!!!
AT BIGLA AKONG NAGISING SA KATOTOHANAN. BASANG BASA AKO NG LUHA KO AT SOBRANG BILIS NG TIBOK NG PUSO KO.
BANGUNGOT LANG PALA!
The end.