³ºÐαγ§ αβσνε τμε ∫εα 1:

4 0 0
                                    


Once upon a time, there was a Princess who called Selena. And was a Daughter of King Arthur and Queen Elisa. And has a two Sister, the older one is named Lisa, and her twin named Selene. They lived under the sea, because they we're a Mermaid.

One of the mermaid hasn't seen the lives above the sea, no one. Except the older sister of King Arthur named Leyla.

At eto na sisimulan natin ang istorya kay Selena.....

"Ama! Ama! Ama! " lumalangoy ng mabilis si Selena at ang kakambal niyang si Selene papunta sa kinaroroonan ng kanilang Ama.

"Oh bakit aking mga Prinsesa? " tanong ng kanyang Ama kay Selena at Selene.

"Ama, aalis na po kami!" sagot ni Selena sa Ama.

"Bakit saan kayo pupunta? " tanong ulit nito sa dalawa.

"Mamamasyal lang po kami Ama! " sagot naman ni Selene.

"O sige, mag iingat kayo ah? Wag kayo lalayo sa Aristail hah? " payo ng Hari sa kanyang dalawang anak.

"Opo! " sabay na sabi ng dalawang kambal habang nakangiti.

Ang dalawang kambal na ito ay halos magkakamukha, malalamam mo lang na si Selena ang isa dahil sa kanyang peklat sa braso. Si Selene naman ay wala ni isang peklat sa katawan.

Siya ay sanggol pa lamang noon. At isang Witch ang nagtangkang kunin siya sa mag asawa, dahil sa kanyang natatanging ganda. Ibinuwis ni Reyna Elisa ang kanyang buhay para mailigtas niya ang kanyang anak na si Selena.

At sila ay lumabas na sa kanilang palasyo.

"Ngayon, aking kapatid saan natin sisimulang mamasyal? " tanong ni Selena kay Selene.

"Hindi ko alam, Selena."

Tahimik silang nag isip.

"Kung doon nalang kaya? " tumuro si Selene sa taas.

"Ano? Hindi pwedi! Sabi ni Ama, hindi tayo pweding pumunta sa ibabaw'ng dagat!" sabi naman ni Selena.

"Kapatid, alam ko rin naman na gusto mo rin makita kung ano yung nasa itaas diba? Kaya sige na. " pakiusap nito kay Selena.

"Oo alam ko yun pero... Ano ka ba naman Selene, lahat ng sirena dito sa Aristail wala pang nagtangkang gawin yun! Dahil natatakot sila!" paliwanag ni Selena sa kakambal.

"Saan sila natatakot? May mga halimaw ba doon na malalaki at nakakatakot na isda?"

"Hindi! Basta hindi pwedi!"

"Sige bahala ka. Ako nalang ang pupunta doon." saka lumangoy ito pataas.

"Hoy Selene!"

Dahil matigas ang ulo ni Selene, at gustong-gusto makita kung ano ba talaga ang nasa itaas, siya ay lumangoy pataas.

Dahil natatakot si Selena na baka may mangyaring masama kay Selene. Kanya itong sinundan.

Hanggang sa sila ay may nakikita ng liwanag. Sila ay pansamantalang tumigil.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

30 Days Above The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon