- Happy togetherHi Kathryn,
Hindi ko alam kong paano ko sisimulan ang sulat kong to. Ni hindi nga ako sigurado kong babasahin mo tong sulat ko.
SORRY, yun ang tamang salitang dapat sabihin ko.
Sa lahat nang naging kasalan ko sayo SORRY.
Naging mabuti kang kaibigan saakin. Ikaw lang ang tumanggap at nagpasensya sa ugali ko. Ikaw lang bukod tangin nakakaintindi sakin. Pero sinira ko ang lahat nang yun nang malaman kong may gusto sayo si Daniel.You see? Bata palang tayo sayo na talaga siya. Pinipilit ko lang ang sarili ko sa kanya.
Pinagpalit ko ang pagkakaibigan natin para lang sa pagmamahal ko kay Daniel.Sa maniwala kat sa hindi. Hindi ko ginusto ang nangyari saatin. Masyado lang akong nabulag sa pagmamahal.
Sana balang araw mapatawad mo ako. Sa lahat nang pagkakamali ko. Sa lahat nang nagawa ko.
Nakakatawa no? Kahit saang aspeto ikaw talaga ang panalo.
Nasayo na nga ang lahat. Talino, mabait, maganda, at pagmamahal ng isang lalaki na deserve mo din.
Siguro kong mababasa mo to?
Wala na ako. Sumulat ako dahil gusto ko kapag nawala ako magiging tahimik na ako.
Besty, si Julian. Gusto kong ikaw ang maging nanay niya. Dahil alam kong maaalagaan mo siya at ituturing na parang tunay na anak.
Si Daniel, nakuha ko siya. Nakasama ko siya. Pero kahit anong gawin ko hindi kita kayang palitan sa puso niya.
Sana ngayon, maging masaya na kayo.
Mahal na mahal ko kayo pareho.
- Julia B.
Ni minsan hindi ko nagawang magalit sa kanya.
Bakit? Kasi alam ko ang pinanggagalingan niya. Kaya nga mas pinili kong iwasan dati si Daniel dahil ayokong nag-aaway kami palagi.
Diko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko.
Hindi manlang kami nakapag-usap bago siya mawala. Sa dami nang masasakit na alaala namin Julia? Mas pinili kong e-treasure ang mga masasayang alaala namin.
Siya ang kauna-unahang tao na naging kaibigan ko. Nursery palang kami kaibigan ko na siya. Kasama ko siya kahit saan noon. Kaya nalungkot ako nang bigla nalang siyang nagbago at bigla nalang niya akong inaway. Diko alam na si Daniel pala ang tinutukoy niyang crush dati. Wala naman kasi siyang binabanggit na pangalan kapag nagkukwento siya. Ang alam ko lang ay kaklase namin ang crush niya.
Eh hindi nga nag-eexist dati sa paningin ko si Daniel. Kong dipa niya sinabi baka hindi ko malalaman na naging magkaklase kami nong elementary.
Hayy! Kong uulitin lang ang panahon? Mas pipiliin kong wag gantihan si Julia. Kong alam ko lang na may sakit siya? Buong puso kong ibibigay si Daniel sa kanya kahit pa masaktan ako nang sobra.
Mas pipiliin ko parin ang kasiyahan niya kesa ang kasiyahan ko.
Ganun talaga ang buhay no? Hindi mo alam kong hanggang kailan ka nalang.
But atleast masaya ako kahit papano dahil nakasama niya si Daniel at biniyayaan pa sila nang anak.
"Hon? Are you okey?" Pinahid ko ang luha ko.
Walang salitang gustong lumabas sa bibig ko.
Yinakap ko si Daniel. Nang sobrang higpit.
"Woahh! Sinabi ba diyan sa sulat na yakapin mo ako nang mahigpit?" Natatawa niyang sabi kaya naawa narin ako.