Third Person's Pov

"Tangina.. Hindi sya dapat mamatay ng ganun kadali!" Pinulot nito ang inhaler ni Coleen, tumakbo ito sa kwarto kung nasaan ang iba pa. Kumatok sya ng tatlong beses at iniwan ang inhaler sa labas. Tumakbo sya paalis.

Miracle

"Bubuksan ba natin?"

"Baka si Beth yan! Bilisan mo!" Dali-dali akong tumakbo at binuksan ang pinto.

Walang tao..

Yumuko ako at nakita yung inhaler.. Pinulot ko ito at isinarado muli ang pinto.

"A-Asan si Beth?" Hirap man sa pagsasalita ay naitanong ito sakin ni Coleen.

Sasagot sana ako ng magsalita si Chichi.. "D-Dugo..." Napatingin kami sa inhaler at nabitawan ito ni Coleen. Wala na silang nagawa kundi umiyak.

Anim na lamang kami..

Sino ba ang hayop na gumagawa nito?

"Hoy Miracle san ka pupunta?!"

Hahanapin ko si Beth, ililigtas ko sila.

Bereit, Impostato, Anwu.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon