Princess

11 0 0
                                    

Agnesville, Masinag, Antipolo City

Year 2004


Umaga noon, naki-tsismis ako sa kapitbahay namin kasi balita nila tapos na daw yung bagong construct na apartment sa lugar namin. Actually malapit lang yun sa amin, isang bahay lang pagitan, at kung titignan mo sa taas ng bahay na tinutuluyan namin ay makikita mo ang mga bakod sa rooftop ng apartment. Malaking paupahan siya, maraming unit, dalawang palapag, hindi pa kasali roon ang rooftop.

Maraming bagong lipat, kasama na doon ang adviser namin. Medyo nakakainis nga eh kasi lagi siyang nakabantay sa akin, kung aabsent ba ako, kung male-late ako, o kung maglalaro lang ako kahit may klase. Pero meron din naman akong bagong nakilala, bagong kaibigan, bagong kalaro bukod sa dalawa kong bestfriend.



Si "Princess"...

Nakilala kita isang beses noong lumabas ka sa gate ng apartment niyo kasama mo noon ang yaya mo, at kasama mo rin ang salbahe mong kapatid na si Justin. Simula noong naglaro tayo, lagi ka nang lumalabas sa inyo para makipaglaro sa akin. Madali rin tayong naging close kasi masaya at magaan kang kasama. Lagi tayong nagkakasundo sa mga kalokohan, tinatakasan natin ang yaya at lola mong pinaglihi sa sama ng loob. Ayaw sa amin ng lola mo kasi madungis daw kami samantalang pareho lang naman ang itsura natin pagkatapos nating maglaro. Minsan pag wala ang lola mo nakakapasok ako sa apartment niyo, wala namang problema sa mga kuya mo kung anong mga kalokohan ginagawa natin.

Dahil nakahiligan ko ang paggawa ng beads necklace noon, nagpabili ka rin sa lola mo at sabay tayong gumagawa. Natutunan ko sayo ang larong DOMINO, ang hirap pala pero nakuha ko naman ang rules pagkatapos. Mahilig rin tayong maglaro ng cards lalo na yung pairing card.

Nakaakyat rin ako sa rooftop kasama ka, at first time kong makita kung anong nandoon. Sabi mo doon nakatira ang may-ari ng apartment, buti nalang walang tao kaya malaya tayong nagtatakbuhan at buti nalang din may harang sa gilid kaya hindi tayo natatakot mahulog sa baba. Nakikita ko pa nga ang bubong ng bahay namin mula itaas, at ang gaan sa pakiramdam ng hangin sa taas.

Ang ganda ng simula at daloy ng friendship natin, pero kagaya ng isang palabas laging may kontrabida. Kontrabida laban sayo, ang dalawang bestfriend ko. Ayaw nila sayo kasi maarte at malandi ka daw. Para namang alam nila nag ibig sabihin ng salitang "malandi", eh ang babata pa natin noon. Pag magkasama tayo laging masama ang tingin nila sayo. Minsan lumalayo ako sa sayo kasi naduduwag akong mawalan ng kaibigan, para bang hawak nila ako noon. Sunod-sunuran sa mga utos nila. Pag sinabi nilang lumayo, minsan lumalayo ako. Pero ikaw, wala lang sayo lagi kang nakangiti at masaya.

May panahon rin na naiinis ako sayo kasi ang lakas mong magmura, minumura mo ang yaya mo, pati ang lola mo. Minsan nga pinapagalitan ka ng kapitbahay natin kasi ang salbahe mo daw. Pero gumawa tayo ng paraan para mbawasan ang pagmumuramo. Naalala mo ba, lagi kong pinipitik bibig mo, pag magmumura ka, naging katatawanan nga natin yung parusa mo galling sakin. Minsan kapag wala ako tapos nakapag-mura ka sasabihin mo sakin tapos ipapapitik mo bibig mo sakin.

Ang saya natin noon, masyado kang mapagkumbaba na kung minsan kahit maiwanan ka ay okey lang sayo. Kapag inaaway kita, ikaw ang gumagawa ng paraan para makipag-ayos sakin. May picture pa nga tayo noong New Year kasama kita at ang kapatid natin, nagpapicture tayong apat sa dilim hawak ang sparkle na paputok.


Hanggang sa dumating sila...

Lumawak ang mga naging kaibigan natin. Minsan ayos lang na awayin ako ng dalawang bestfriend ko kasi nandyan naman kayo laging kasama ko.

At dumating yung panahon nayun. Sa panahong nauso ang celphone, 3210 pa nga model ng celphone noon. Lagi Siyang nag-te-text noon, kaya medyo ilang ako sa Kanya kaya nagtatago na ako kapag dumadating Siya.

Ikaw ang tinatanungan Niya kapag wala ako o di kaya pagtataguan ko Siya. Buti nalang wala pa tayong paki alam tungkol sa mga bagay na yun noon. Laro lang tayo ng laro. Ini-enjoy natin ang pagiging bata. Naglalaro tayo ng taguan kasama sila kahit hanggang gabi pa tayo abutin ay okey lang.

Minsan nasabi mo na pupunta kayong America, syempre hindi ako naniwala kasi ang layo non. Pero sabi kukunin kayo ng mommy mo. Medyo nalungkot ako noon kasi pwede kang mawala sa buhay ko. Hinihiling ko na sana hindi ka matuloy.



Kaya lang....




Mag-hihiwalay rin pala tayo, pero hindi ikaw ang umalis...












Dahil AKO ang biglang nawala.



Sudden MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon