"Oh apat pa apat pa apat pa!"
Tumakbo na si Baekhyun kamamadali, 7am ang class pero eto siya, 8am na on the way palang. "Malapit na ko!" Sigaw niya sa kaibigan niyang tumawag.
Paandar na ang jeep tapos pinara pa ni Baekhyun yun dahil wala na siyang choice.
"Haaay salamat." Bulong niya sa sarili at huminga ng malalim. Kinuha niya yung eyeliner niya tapos mag-aapply na sana sha nang may narinig siyang chuckle sa tabi niya. Sino ba naman kasi ang nag-a-eyeliner sa tumatakbong jeep? Nag-hmp! siya at tinabi nalang ang eyeliner.
Kumuha siya ng barya sa wallet niya pambayad. "Bayad pooooo." Boom walang pumapansin. Isa pa. "Ehem. BAYAD PO." Wala pa rin. Isa nalang. "BAYAD POOOOOOO~" Birit niya at nag-una-unahan na sa pagkuha sa kamay niya nung barya. Nag-glare siya sa lahat pero mas nagtagal ang glare niya sa katabi niyang—. Yung katabi niya.
Ang bilis ng tibok ng puso ni Baekhyun at sigurado siyang hindi lang yun dahil sa nabubuhay siya kundi dahil, THIS IS LOVE! Naniniwala siya sa love at first sight eh bakit ba.
Kyungsoo, di ka maniniwala dito.
Text niya sa best friend niya na sana magreply kahit may klase sila.
From: Kyungsupot <3
Bakit
To: Kyungsupot <3
Ang pogi ng katabi kooooooooo!!!!! !!!!
From: Kyungsupot <3
K
Inirapan nalang ni Baekhyun ang phone niya kasi di na siya nagulat sa reaksyon ng kaibigan niya.
To: Lulubeyb <3
Luluuuuuuuuu!
From: Lulubeyb <3
Yes?
To: Lulubeyb <3
Di ka maniniwala ditto!!
From: Lulubeyb <3
Papasok ka ba?
In-ignore niya yun at nag-proceed sa kalandian niya.
To: Lulubeyb <3
ANG POGI NG KATABI KO WAAAAAH
From: Lulubeyb <3
Malandi ka PUMASOK KA NA
To: Lulubeyb <3
K
Kunyari nalang di siya nagtext.
Malayu-layo pa biyahe ni Baekhyun so may excuse siya para kunyari matulog siya. Nag-lean siya nang maayos sa jeep kaya nakuha niya ang atensyon nung poging katabi niya at nag-wink siya with lipbite. Pinigilan niyang tumawa sa reaksyon na nakuha niya kasi nagulat si koyang pogi.
Natigilan siya.
So si koyang to ang tumawa sakanya kanina.
Lumaki butas ng ilong ni Baekhyun sa inis. Pasalamat ka pogi ka.
Ni-plug niya earphones niya at nagpatugtog ng kanta.
Sumakay ako sa jeepney
Ikaw ang nakatabi
Hindi 'to galing sa phone niya kasi siya mismo ang kumakanta.
Di makapaniwala
Tiningnan niya si koya habang kumakanta. Nagulat si koya at siyempre lahat ng pasahero. Bumirit na nga siya kanina tapos ngayon...
BINABASA MO ANG
Jeepney Love Story
FanfictionSumakay ako sa jeepney~ Nag-hair flip si Baekhyun at napanganga sa katabi niya. Pogi.