Chapter 1
[the past]
Subsob na naman kami sa practice for the Recognition Day. Kung minsan rin talaga, nakakatamad maging honor student kasi sobrang busy. Imbis na puro petiks na lang, heto kami, naghahabol para sa clearance at requirements.
Pero hindi ko naman pinagsisisihan na nakasama ako sa mga honor students. Sa totoo nga lang proud ako dahil pinaghirapan ko ang lahat ng to. Isa pa sa mga reason ay yung sinabi niya sa akin na inspiring naman talaga, ‘Hindi naman kailangan cute o maganda ka, ang mahalaga yung nilalaman ng utak.’
Nung natapos na yung practice namin, umuwi na rin ako. Binuksan ko kaagad yung pc para mag-online sa fb at baka online rin siya. Almost 1 week na kasi kaming hindi naguusap sa sobrang busy ng sched tapos sakto pang nasira yung phone niya. Nakakainis, miss na miss ko na siya.
Tinitignan ko lang naman yung mga nasa news feed ko, nung nakita ko bigla yung nakalagay sa status niya.
Jirou Villanueva is in a relationship.
10 minutes ago Like Comment
Napangiti agad ako nung nabasa ko yung status niya. Ipi-pm ko na dapat siya para sabihin na papalitan ko na rin yung status ko kaso nga lang hindi ko na siya naabutang online. Pumunta na lang ako sa profile niya para sana mag-post na lang sa wall niya, pero..
..may ibang pumukaw ng atensyon ko.
Ayun yung post ni Tish Rivera sa wall ni Jirou..
Tish Rivera
Happy 1st monthsary sa atin, Babe! Sana mas tumagal pa tayo. Ingat palagi. Take care. I love you. Mwahh hugs! Happy monthsary ulet. ♥ :">
Ilang beses kong pinaulit-ulit yung pagbasa ko ng post niya sa wall ni Jirou. Pero kahit ilang beses ko pang ulit- ulitin, kahit basahin ko pa yun hanggang maubos yung load nung broadband namin, isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Masakit, sobrang sakit.
Pinakiusapan ko yung isa sa mga kabarkada ni Jirou na sabihan siya na magusap kami bukas sa break nila. Gusto kong linawin ang lahat kasi sa totoo lang, wala akong maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit sa lahat.. Sa lahat-lahat, bakit ako pa yung napili nilang lokohin.
*Kinabukasan*
Nung malapit na ako sa classroom nila, gusto ko na lang umatras at magtago sa isang tabi para umiyak ng umiyak. Pero ano nga bang silbi ng mga luha ko? Hindi naman nito mapapalitan yung fact na niloko lang nila ako.
"Jirou."
Lumabas siya ng classroom nila at lumapit kaagad sa akin na walang reaksyon yung mukha. Kasunod naman niyang lumabas si Tish, kasabay nun ay ang pagkirot ng dibdib ko. Walang duda, totoo nga lahat ng nabasa ko.
"Hindi ko na papahabain pa to, gusto ko lang ng isang sagot sa itatanong ko. So please, sana magsabi ka ng totoo."
Tumango lang naman siya. Huminga ako ng malalalim saka ko tinuloy yung sasabihin ko.
"Jirou, lokohan lang ba lahat ng to?"
"Oo, obvious naman di ba?" Biglang sabi ni Tish, kaya uminit yung ulo ko.
"Pwede ba, Tish. Hindi ikaw ang kinakausap ko!"
"Bakit, ano bang gusto mong marinig sa kaniya? Parehas lang naman kami ng sasabihin sayo. In fact, favor pa nga tong ginagawa ko sayo. At least, hindi kasing sakit kapag si Jirou yung nagsabi ng totoo sayo!"
"Tama na, Tish." Sabi ni Jirou sabay hawak sa braso ni Tish.
Huminahon ako saglit saka tumingin sa mga mata ni Jirou. Parang guilt na may halong awa yung pinapakita ng mga yun.
"Jirou sabihin mo nga sakin yung totoo! Minahal mo naman talaga ako di ba? Di ba nagustuhan mo naman talaga ako kahit ganito ako? Sabi mo pa nga, di bale ng hindi maganda basta may utak? Di ba? Sabihin mong hindi totoo ang lahat ng to, Jirou! Baka naman.. *sobs*baka naman surprise mo lang lahat ng to? Baka.. *sobs*sa bandang huli sasabihin mo.. Joke lang, *sobs* Joke lang lahat ng to? Di ba! Huli na kita.. *sobs* Tama ako di ba? Kung ganun nga, please itigil mo na. *sobs* Hindi ko na kaya, sobrang sakit na." Sabi ko habang pinagpapalo yung chest niya.
Hindi ko namalayan, tumutulo na pala ang luha ko. Umiiyak na pala ako. Napansin ko rin na pinalilibutan na kami ng maraming tao. Oo nga naman, live show sa gitna ng corridor.
"You're so pathetic, girl. Ang kapal na ng mukha mo, assumera ka pa! As if naman magugustuhan ka ng heart throb sa school natin? Look at yourself, first. Saan mo ba nakukuha yang lakas ng loob mong sabihin ang lahat ng yan? At sa harap pa talaga ng madaming tao." Tumawa naman siya kasama na rin yung iba sa paligid namin.
"Pwede ba, Tish Rivera? Hindi ikaw ang kinakausap ko at lalong hindi ikaw si Jirou! So please, shut up!"
"At ang lakas ng loob mong–"
"Tama na! Abi, totoo lahat ng sinabi ni Tish. Oo, ginamit lang kita para makakuha ako ng mataas na grades. Oo, niloko lang kita! Kaya tumigil ka na sa kahibangan mo!"
Nung mga oras na yun, gusto kong lamunin na lang ako ng lupa. Masakit pala talaga kung sa taong mahal mo maririnig yung mga salitang yun. Masakit pala talaga.. kung siya na mismo ang nagsabi na tumigil ka na sa kalokohan mo.
Ilang beses kong kinurot-kurot yung sarili ko at baka sakaling masamang panaginip lang ang lahat ng to. Baka binabangungot lang ako at baka pagkagising ko, masaya na ulit kami.. Pero kahit magkapantal-pantal pa ako, sinasampal na ako ng katotohanan. Katotohanan na..
..ginagag* lang pala ako.