Hating-gabi ka na ba kung umuwi?
kung ganun..mag-iingat ka..
maging malikot ang inyong mga mata..
sa bawat lugar na inyong makikita..
--------------------------------------------------------------
Si Jenny ay isang estudyante ng isang kilalang unibersidad sa Maynila. Mahirap lamang sila ngunit nagkaroon ng pagkakataon na makapag-aral.
Siya'y isang iskolar ng nasabing paaralan dahil sa angking talino.
Naging madali lang sa kanya ang makipaghalubilo sa kapwa estudyante kahit na magkaibang-magkaiba ang estado ng kanilang buhay.
"Oi..Jen..sama ka?"
--Monique
"Saan?"
"sa mall..shopping tayo?"
--Anica
"Sige..kayo na lang..may tatapusin pa kasi ako eh..
sorry.."
"ok lang..basta sa susunod sumama ka na ha??"
--Anica
"sige..ingat kayo.."
nakangiting sabi niya...
"bye..ingat sa pag-uwi"
--Monique and Anica
Agad na napawi ang ngiti sa kanyang labi ng makaalis na ang dalawang kaibigan. Gusto niya mang sumama ngunit marami pa siyang kailangang gawin. Treasurer siya ng isang organisasyon sa unibersidad. Marami pang kailangang tapusing mga reports.
"hay sa wakas natapos din" --sabay stretch ng kamay..
"9 na pala..hindi ko namalayan ang oras.."
--agad na niyang inayos ang mga gamit..
Nakalabas na siya ng campus at naghihintay ng bus na masasakyan. Ngunit kalahating oras na siya sa kinatatayuan niya pero wala pa siyang makitang bus papunta sa kanyang destinasyon.