Ako na yata ang pinaka masayang babae sa balat ng lupa, earth at universe! Pano ba naman kasi pinapansin na ako ni CRUSH! Hindi katulad dati na casual lang yung pagpansin niya sakin, yung tipong magtatanong lang kung may test, assignment, at projects. Pero ngayon, pinapansin niya na ako at minsan nga kahit nonsense kinakausap niya parin ako. O to the M to the G talaga! KYYYYAAAAAAHHHH!
Like ngayong araw, nagpapractice kami ngayon para sa graduation namin lumapit si CRUSH sakin at nagtanong kung may tubig ba ako at sinabi ko namang meron at pinainon ko sakanya. Sa uhaw niya siguro dinampi niya yung lips niya sa tip ng bote at uminom. Whaaaaaaah! Diyan nga makainom mamaya para indirect kiss! WHOOOH! Hahahaha. After non bumalik na naman siya ulit sa puwesto niya after ng break, siyempre nag thank you siya at ako, tulaley sa smile niyang nekekemetey.
A week later ng graduation edi siyempre pirmahan ng clearance. And doon nagstart na parang palagi na siyang lumalapit sakin at ako lang palagi ang pinapansin niya. Minsan nga nagiging clingy pa siya sakin. Tinutukso na nga kami ng mga kaklase namin tapos may ilan pa sa kanilang nagsasabing bagay daw kami.
'Alam mo gurl, bagay talaga kayo. At diba sabi mo crush mo siya? O take the oppurtunity na! Kung ako sayo di ko na pakakawalan yan.'
'Hay ano ba namang pinagsasabi mo sa kaibigan natin! Mamaya mag assume yan sa kinikilos ng crush niya at masaktan lang siya sa huli. Ikaw babae, kahit na sweet-sweetan yang crush mo sa'yo, iwasan mo mag assume. Dahil sa huli kapag nahulog ka na, baka hindi ka niya saluhin ok?'
Yan ang payo sakin ng dalawa kong kaibigan. At tama nga yung sinabi ng isa, huwag akong maging masyadong assuming. Kaya medyo lumayo layo ako kay crush. Pero siya naman tong lapit nang lapit. Haaaaay! Mababaliw na ako!
Then nung mag May, nagpasya kaming lahat na mag outing. Last na nga naming outing to eh kasi magkakawalay-walay na kaming lahat. Habang kumakain na ang iba naming mga kaklase, lumapit na naman si crush sakin at sinabing mag MU na daw sila ng isa sa mga kaibigan ko. At ang malala pa dun, ang ka MU niya yun yung nag advice sakin na huwag maging assuming.
So ganun pala?! Para naring sinabi niya saking 'huwag kang assuming dahil sa huli, sakin parin mapupunta si crush kaya back off na'.
Ang sakit lang, okay lang sana na may ka MU siya eh pero sa kaibigan ko pa?!
Pinipigalan ko ang pagtulo ng luha ko at ngumiti sa kanya at nag congrats pa ako sa kanya. Pagtapos nun, tumakbo na ako sa malayo, hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko basta ang alam ko malayo na ako sa kanila at doon ko na binuhos lahat ng luha ko.
Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Basta, masakit eh. Masakit umasa. Oo, umasa ako. Dahil sa kahit ganong mga konting bagay, na fall ako.
At ngayong may iba na siya, hindi niya na ako masyadong papansinin, kakausapin at kukulitin.
Akala ko, espesyal ako sakanya. Akala ko, may nararamdaman din siya sakin. Akala ko, crush niya din ako. Lecheng akala to! Lahat nalang pala akala ko!
Tama pala yung sinabi sakin, na kapag na fall ako sakanya hindi niya ako sasaluhin. Ang sakit!
Nang mahimasmasan ako, bumalik na ako sa cottage namin at nag-ayos na para sa pag-uwi. Hindi ko na pinansin si crush pati yung kaibigan kong ka MU niya. Mag isa lang akong pumunta sa sasakyan namin at nagpasak nalang ng earphones sa tenga ko. Gusto ko lang mapag-isa.
At kung minamalas ka nga naman, bakit puro patama tong mga music ko?! Nanadya ba talaga ang tadhana? Hay nako! Pero hindi ko din naman nilipat kasi dinadamdam ko ang bawat lyrics na naririnig ko. Bumagsak naman ulit ang mga luha ko pero hindi ko pinahalata sa mga kaklase ko na umiiyak ako.
Pagdating sa bahay mabuti nalang at walang tao, nilapag ko ang gamit ko sa sahig at sumalampak na sa kama ko at doon ulit ako umiyak.
Pinapangako ko, sa susunod hindi na ulit ako magpapakabait sa mga lalaki. Kahit na sino pa yan.
Mga walanghiyang mga lalaki yan! Sa una kung maka lapit parang may something. So ganon?! Friendly gestures niyo lang pala yun?! Na walang meaning lahat nang pagka sweet niyo sa mga babae?! Eh mga p*t*ng ina niyo pala eh! Mga pa fall!
At binuro ko naman ulit ang ulo ko sa unan at humagulgol na ng todo. Leche siya pa naman ang first crush at love ko. Tapos siya din pala ang magiging first heartbreak ko.
Dahil sa lahat ng mga akala ko nahulog, nasaktan at nadurog amg puso ko.
-------------------------------------
First one shot at the end of the year! Yey!
MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR TO ALL!
BINABASA MO ANG
Akala Ko...
RandomA one-shot story about a girl's first love and her first heartbreak. When she thought na...akala niya lang pala ang lahat.