chapter 11

489 7 2
                                    

Pagkagising ko sumilip ako sa bintana, madilim pa sa labas.

Tumingin ako sa orasan, 5:00 AM.

Nagpunta ko sa CR. Bongga, may sariling CR ang kwarto.

Pagkatapos nun, nagmuni-muni muna ko ng konti sa tapat ng bintana.

Nung magsawa ako, nag-decide akong lumabas ng kwarto. Tulog pa sa sofa si Alfred. Naramdaman kong umalis s'ya nung medyo nakakatulog na ko kagabi. Dumiretso ako sa kusina. Umupo ako. Nagugutom na ko. Hindi ako marunong magluto. Sad =(

Ayoko namang makialam sa kusina ni Alfred, baka makasunog pa ko. Haaaay. Yumuko ako sa lamesa. Nasa ganung ayos ako nung magsalita si Alfred sa pintuan ng kusina.

"Hindi ka mabubusog kung magmumukmok ka lang dyan."

Inangat ko yung ulo ko, naka-smile s'ya. Nagtooth brush ka na ba? Nakasandal s'ya sa pintuan ng kusina. Pa-cool.

Grabe oh, gaganahan akong gumising twing umaga kung ganito kagwapong nilalang ang bubungad sa'kin.

"Good morning!" sabi ko sa kanya. Gusto ko sanang idugtong na, "Kanin na lang lutuin mo. Ulam na ulam ka na eh!" Haha! Pero syempre nasa utak ko lang yon.

Ginulo-gulo n'ya ulit yung buhok ko na parang tuta pagkalapit n'ya sa kinauupuan ko, tsk, baka masanay ako n'yan.

Nakatitig ako sa kanya nung magsalita s'ya, "Alam ko kung anong iniisip mo. Pero, hindi ako ulam."

Eeee! Naman eh! Mind reader ka ba? Alam na alam n'ya talaga kung anong laman ng utak ko!

"Wala naman akong sinabing ulam ka. Mukha ka lang manok pero mukhang hindi ka naman masarap ulamin," pang-aasar ko sa kanya. Alam ko, inaasar lang din ako nito.

Tumawa s'ya. "You're learning fast, student. Marunong ka nang sumagot. But that's not what I want you to learn." Eh ano pala?

Naku. Nagsisimula na naman s'yang magsalita ng malalalim. Umi-english na naman ang propesor kong pogi.

"Gutom na ko," sabi ko na lang habang hinihimas ko yung tummy ko.

"Okay, you wait. I'll cook for you," sabi n'ya sabay kindat. Akala mo talaga marunong s'yang magluto eh. Tignan nga natin ang cooking skills mo. Tignan natin kung magaling ka din sa kusina Sir.

Pinagmamasadan ko s'ya habang nagluluto.

"Pwede na ba kong chef?" tanong n'ya. Lumingon s'ya sa'kin ng nakangiti.

"Hindi, sir. Pwede ka nang mag-asawa," sabi ko, sabay inom ng tubig sa basong nasa harap ko. Hindi ko alam kung malinis yung tubig na yon, basta ininom ko lang.

Tumawa ulit s'ya sabay sabing, "Maybe after a year or two, kapag naka-graduate ka na."

Muntik ko nang mabuga yung tubig na iniinom ko sa sinabi n'ya. Joker talaga toh si Sir. "Bakit mo naman hihintayin na maka-graduate ako?" pagmamaang-maangan ko.

"Hindi akong pwedeng magpakasal sa estudyante ko, remember?" sabi n'ya.

"Eh bakit kasi estudyante ang papakasalan mo?" tanong ko.

Hindi s'ya sumagot. Nakatingin lang s'ya sa'kin. Tapos nun nagpatuloy na s'ya sa pagluluto. Hmm, bagay naman pala sa kanya yung apron na suot n'ya eh.

Nailang ako kasi sobrang tahimik kaya kinausap ko s'ya.

"Bakit hindi ka na lang nag-culinary?" tanong ko.

"Bakit? Mukha bang magaling ako magluto?" balik-tanong n'ya.

"Hindi. Bagay kasi sayo may suot na apron," sabi ko. Natawa ko sa sinabi ko.

Tumawa din s'ya, "I love it when you laugh."

Ang chika mo, Sir.

Tumigil na ko sa pagtawa.

"Breakfast is ready," sabi n'ya habang nilalapag yung pinggan.

Pero busog na nga ako, seriously. Pero kumain pa din ako. Nakakahiya naman, pinagluto n'ya pa naman ako. Hindi ko nga maintindihan sarili ko eh, kanina lang gutom na gutom ako, ngayon naman busog na kaagad ako? Ang bilis naman ng mga pangyayari.

"Mukhang hindi pa kita mahahatid pauwi. Mataas pa din yung baha eh," sabi n'ya habang kumakain kami.

"Wag mo na kong ihatid, uuwi na lang akong mag-isa."

"No. You're my responsibility. Ihahatid na kita," pamimilit n'ya.

"Eh pano kung may makakita sa'tin?" tanong ko sa kanya. Concern din naman ako sa kanya, hello! Professor ko kaya s'ya. Baka matanggal s'ya sa trabaho ng dahil sa'kin.

"Don't mind them. Wala naman tayong ginagawang masama."

Wehh? Wala daw. Eh anung tawag mo dun sa ginawa mo sa'kin kagabi, aber? Kabuting asal ba yon? Tamang gawain ba yun ng professor? Kung hindi ka lang pogi, naku!

Pagkatapos naming kumain iniwan ko na s'ya sa kusina. Umupo ako sa sofa. S'ya naman maghuhugas pa daw ng pinggan. Tsk, house husband type. Umupo s'ya sa tabi ko pagkatapos n'yang maghugas ng pinggan.

"Tuyo na nga pala yung mga damit mo," sabi n'ya. "Naplantsa ko na din." Sabay turo sa may lamesa kung saan nakalagay yung bag ko. Nandun nga yung mga damit ko, katabi ng bag.

"Pinlantsa mo? Yung mga damit ko?" tanong ko sa kanya.

Tumango s'ya, "Yup! Nilabhan ko tapos pinlantsa ko," sabi n'ya ng nakangiti. Parang tuwang-tuwa s'ya sa ginawa n'ya habang hiyang-hiya naman ako.

Sinubsob ko na lang yung mukha ko sa kamay ko.

Oh my, buti na lang hindi ko hinubad ang undies ko. Kundi wala na. Wala na kong dangal! Hay naku, Sir! Kung hindi ka lang pogi kagabi pa kita kinagat! Rawr!

"Anung oras mo gustong umalis?" tanong n'ya.

"Ngayon na. Pwede ba?" Ayoko nang magtagal dun, baka mainlababo lang ako sa kanya. Teka, hindi pa ba?

"You're in a hurry, huh?" sabi n'ya. Umi-english.

Hindi ako sumagot. "Can you stay a little bit longer pa?" tanong n'ya. Haaay naku, nagsa-suggest pa. Sana hindi ka na lang nagtanong.

"Okay," sabi ko.  "Pero sandali na lang ah." Mukha namang wala s'yang gagawing masama sa'kin.

Seryoso kami sa panunuod ng TV nung mag-ring yung cellphone ko. It's Ejay. Oh my God, I miss my baby.

Nakatingin sa'kin si Alfred nung sinagot ko yung tawag.

"Hey! Good morning, babe," sabi n'ya in his deep baritone.

"Good morning din."

"I'll drop by at your friend's house to pick you up. I've made up my mind. Gimme the address," tuloy-tuloy na sabi n'ya.

"Ha?"

"You heard it right! I'm going to pick you up. Now, give me the address," utos n'ya.

Wala akong choice. Binigay ko yung address ni Jen. Doon na lang ako magpapahatid kay Alfred.

"Okay. I'll drop by after lunch. Take care, babe. I love you."

"I love you, too."

Aware akong nakikinig si Alfred sa usapan namin.  Pero nagulat pa din ako nung makita ko yung pagmumukha n'ya.  Oh why? Bat nakasimangot?

Ang poging mukha ni Sir... hindi maipinta sa.... Selos???

Bakit? Hindi pa ba sapat yung isang buong gabi na nga akong nag-stay sa bahay n'ya kahit wala akong balak na mag-stay dito ng ganito katagal? Anu pa bang gusto n'ya? Jeez. Tumayo ako sa sofa. I need to go back. I need to accept the fact na kalokohan lang tong mga pinaggagagawa n'ya at yung mga sinsabi n'ya sa'kin. Ejay's waiting for me. He's waiting for me.

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon