Chapter 27 : Sweet Lies

317 11 0
                                    

Morgan's POV

Chavez Mansion...

We decided na humarap na kay Dad. And para malinaw at masagot na lahat ng issues. Matamaan at masagasaan na lahat ng dadaanan ng pagpapanggap naming to.

"Kinakabahan talaga ako" sabi ko nang pag-bukasan kami ng gate.

"Pamilya mo lang ang haharapin natin, anu bang kinakatakot mo? At diba nag-usap na tayo kagabi. Pinapaayus ko na yung mga papers and documents sa magiging fake wedding natin at sa magiging press-con natin" kalmadong sagot nya then sya ang unang bumaba at sumunod na ako.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan. Isang besis na akong napag-buhatan ng kamay ng Daddy ko. And ayokong maulit yun, at ayokong sa harap mo pa mismo yun gawin ni Dad" this time hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko.

"Isipin mong nasa deal natin ang protektahan kita. Hwag ka nang matakot, hindi ko hahayaang maulit man kung anu yung nangyari sayo dati" sagot nya then tinignan nya ako ng  masama.

"Tinatakot mo naman ako lalo ee" pabulong kung sagot then huminga sya ng malalim.

"Sa ginagawa mong yan at kinikilos mo, paano mo makokombensi ang pamilya mo? Paano mo sila mapapaniwala at mapapapayag sa pagpapakasal natin. Morgan, isipin mong tayo lang to',. Pero kung -----kung di mo kaya----umuwi na lang tayo" pagkasabing yun ni Kenzo, hinila nya ako pabalik sa kotse kaya naman naalarma ako.

"Sige na----- sige --na tara na please" Pagmamaka-awa ko then he took a deep breath.

"Kung hindi mo kayang panindigan ang pagpapanggap natin, hwag na lang tayong tumuloy Morgan. " seryoso nyang sagot then akmang maiiyak ako nang biglang bumukas ang pinto ng mansion.

"MORGAN?" pareho kaming natahimik ni Kenzo. Pero maagap sya, hinawakan nya ang kamay ko at hinila nya ako palapit sa kanya.

"Kuya LANDON?" Nakangiti kung pilit na bungad sa kanya then tumingin sya sa kamay namin ni Kenzo.

"Ahm...Arc Kenzo Martinez" pagpapakilala ni Kenzo then inilahad nya ang kamay nya sa harap ni Kuya saka tinignan sya ni Kuya.

"Landon, eldest brother ni Morgan. Kanina pa kyo hinihintay sa loob ni Dad" sagot nya then nakipag-shakehands sya kay Kenzo. Medyo cold ang pagtanggap ni Kuya at naiintindihan ko naman sya ee.

______________

Family Dinner...

Lalo ata akong napanghinaan ng loob at kinabahan ng makita ko ang preparation ng dinner namin.

My Dad is waiting to meet Kenzo. And I'm hoping na maging makatutuhanan at mapaniwala namin sila sa pagpapanggap namin.

Nakalapit na kami ni Kenzo sa kinaroroon ni Dad and I was really surprised nang kunin ni Kenzo ang kamay ng Ama ko at nag-mano eto. Pati nga si Dad nagulat sa ginawa ni Kenzo ee.

"Good Evening Mr. Chavez, I'm Arc Kenzo Martinez, it's a pleasure and honor to meet you in person " nakangiting bati ni Kenzo kay Dad. Laking pasalamat ko naman nang ngitian at yakapin sya ni Dad.

"Welcome to our family, Kenzo" masayang pagtanggap ni Dad kay Kenzo then tumingin sya sa akin but nakaiwas agad ako.

"Thank you po Mr. Chavez" nakangiting sagot ni Kenzo then lumapit sya sa akin then dahan-dahan nyang hinawakan ang pwetan ko kaya naman naalarma at natauhan ako. "Tatayo ka lang ba dyan? Magsalita ka Morgan" nakangiting pasimple nyang bulong sa akin then napatingin ako sa kamay nyang nandoon pa din sa may pwetan ko.

"Oo na, kaya tanggalin mo na yang kamay mo dyan" pasimple ko then bulong sa kanya then hinarap ko na si Dad.

Huminga ako nang malalim. Halos di ko makilala ang aking ama sa laki ng binagsak ng katawan nya at ang tamlay nang mukha nya kanina.

Unwanted Status (7RWIS-book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon