chapter 15

451 7 0
                                    

Nako-konsensya ko kasi alam ko for a fact na kahit basketball player ang boyfriend ko, hindi s'ya kagaya nung iba na babaero. Nako-konsensya ko dahil ako pa yung nagtaksil sa kanya.

I'm so bad. My bad, kung bakit nangyari toh. =(

Napansin yata ni Ejay yung malalim na pag-iisip ko kaya hinawakan n'ya yung kamay ko, tapos pinisil n'ya. Pangalawang beses n'ya na tong ginawa ngayong araw na toh. I was moved by his small gestures. Small gestures that gave me tremendous happiness.

Ito, ito yung gustong-gusto kong ginagawa n'ya, yung hinahawakan yung kamay ko tapos pinipisil to assure me that everything's gonna be alright.

Nilingon ko s'ya tapos ngumiti ako. Burado na sa isip ko si Alfred. Sa totoo lang, nagtatampo ko kay Ejay pero kapag nandito na s'ya, kasama ko, nabubura nang lahat. Ganun talaga pag mahal mo, kahit pinagmumukha ka nang tanga at palagi kang sinasaktan, hindi mo s'ya magawang iwan kasi hindi naman yung mga maling bagay na nagagawa n'ya, consciously or unconsciously, yung nakikita mo eh. Kundi yung mga bagay na nagagawa n'ya para mapasaya ka.

"I missed that," sabi n'ya.

"Alin?" I asked.

"You're smile. I missed that. I love that."

"Wehh? Bolero."

"I'm not. I'm just saying the truth. I love your smile. That's the reason why I fell in love with you. Head over heels," sabi n'ya. Hindi ito yung unang beses na sinabi n'ya na na-in love s'ya sa smile ko. Pero everytime na sinasabi n'ya yun, it feels like the first time.

Tsk. Kinilig naman ako! Samantalang si Alfred, nain-love daw sa'kin dahil sa lovable, pretty at smart daw ako. Tsk, napaka-typical.

Teka lang, tama ba toh? Nagco-compare ako. Erase-erase, that's bad. Hindi ko sila dapat na ipag-compare kasi walang-wala naman si Alfred kung ikukumpara kay Ejay eh. Walang-wala.

"Hey! Kanina ka pa, parang ang lalim-lalim naman ng iniisip mo," sabi n'ya sa'kin nung hindi pa din ako nagsasalita. Hawak n'ya pa din yung kamay ko habang nagda-drive. Mabagal lang naman yung takbo ng sasakyan. So maliit yung tendency na babangga kami.

"Ha? Hindi naman," sabi ko. Pinilit kong ngumiti. Ano na bang nangyayari sa'kin? Bakit kelangang sumasagi sa isip ko si Alfred ngayong kasama ko na si Ejay? Bakit?

"What are you thinking?" tanong n'ya. "Iniisip mo na ba kung pano ka makikipaghiwalay sa'kin?" dugtong n'ya. Sumeryoso yung mukha n'ya.

"What are you saying? Hindi ako nag-iisip ng ganun," sabi ko. Hindi ko yata kayang gawin yun sa kanya.

"Then, anong iniisip mo nga?" tanong n'ya ulit.

"Wala. Wala akong iniisip," sabi ko. Ngumiti ulit ako for assurance. He smiled back. Binitawan n'ya na yung kamay ko.

"Opening na nga pala nang Basketball League sa Wednesday, I want you to come."

"Kahit naman hindi mo sabihin, pupunta ko eh," sabi ko. "Syempre susuportahan kong boyfriend ko, noh."

"How supportive," sabi n'ya sa'kin sabay kindat.

Pagkahatid n'ya sa'kin sa bahay umalis na din kaagad s'ya. Gusto ko na kasing magpahinga. Gusto kong mag-isip. Gusto kong maliwanagan ang isip ko.

Pero bago s'ya umalis, inaya n'ya kong magdate daw kami bukas. Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. But in the end pumayag na din ako. Natatakot lang ako na baka hindi na naman kasi s'ya sumipot. Sana lang matuloy na. Tama ba toh? Parang nawawalan na ako ng tiwala kay Ejay? Pero hindi, alam kong matutuloy na kami bukas. May assurance naman galing sa kanya. At kelangan ko ulit na magtiwala sa kanya. Hindi naman pwedeng nang dahil lang sa isang pagkakamali, mawawala na yung tiwala ko sa kanya. Teka, isang beses nga lang ba n'ya akong inindyan? Parang hindi yata. Parang maraming beses na yata.

Pinalabhan ko sa katulong yung damit ni Alfred. Binantayan ko talaga hanggang sa matuyo. Mahirap na, baka maiwala ko pa. At magkaron pa ako ng utang sa kanya. Baka ito pang long-sleeves na toh ang maging dahilan ng never-ending connection naming dalawa ni Alfred.

Magpapahinga muna ko. Matutulog ako.

Nagising ako at around 8PM nung mag-ring yung cellphone ko. Si Alfred...

"Hey! Howdy?" bungad ni Alfred. Masaya naman yung tono ng boses n'ya.

"I'm fine. Nalabhan ko na yung damit mo. Isosoli ko na by Monday."

"Hindi naman yun ang itinawag ko," sabi n'ya. "But since you mentioned that, hindi ko tatanggapin yan kung hindi ka personal na pupunta sa bahay."

"What???" tanong ko. Black-mail na naman. "Pwede namang sa school ko na lang iabot. Wala naman sigurong maghihinala. Siguro naman iisipin lang nila na suhol ko yung laman ng paper bag para taasan mo yung grades ko, di ba? No need to send that to your home."

"No. Gusto ko pumunta ka sa bahay." sabi n'ya, authoritatively. "I'm serious, dead serious."

Wala na kong magagawa. Kung ayaw n'ya talaga, kahit anong pilit sigurong gawin ko hindi din s'ya papayag. "Fine." Pahirap tong taong toh.

"Good," sabi n'ya. Natahimik kami sandali, kasi malamang naubusan s'ya ng sasabihin, tapos nagsalita ulit s'ya, "I missed you."

"Stop that."

"Stop what?" tanong n'ya.

"Stop missing me. Stop loving me. If you really do." I don't deserve his love. I don't deserve him. As far as I know, wala naman yata akong bagay na ginawa para ma-in love s'ya sa'kin. Why do I keep on getting the feeling that the love he has for me is more of a curse than a blessing? Hindi ko pa alam kung anung magiging consequences nito pero alam ko na hindi magiging magaan lang yung magiging kapalit.

"You can't tell me to do things I don't like," sabi n'ya. Eh bat ikaw? Inuutusan mo kong pumunta sa bahay mo kahit ayaw ko. Unfair! "If only I can stop this feeling, but I can't." Ang drama neto.

"This isn't right," sabi ko. "I love Ejay. I'm sure I do."

"You sure? Then why did you let me kiss you? Three times."

"I did not let you. You shocked me." Magnanakaw ka kasi ng halik. Porket pogi ka lang. Hmp!

"But you did not fight back," sabi n'ya. "Stop pretending you don't feel 'something' for me. Alam ko, may nararamdaman ka din." O sige, kumbinsihin mo yang sarili mo na gusto din kita. Gusto mo yan eh.

Pero ewan ko ba. Kapag nandyan si Alfred, kinikilig din ako. Kapag naman nandyan si Ejay, nakakalimutan ko si Alfred at sigurado kong si Ejay ang mahal ko. Magulo. Magulo pa.

"Now what?" tanong ni Alfred nung hindi ako nagsasalita. "May nararamdaman ka talaga para sa'kin? Silence means yes."

"Siguro, meron. Kapag nandyan ka. Naguguluhan ako," sabi ko. "But, Alfred, lust is different from love and a clouded mind has very little to do with the heart."

"You haven't discover your feelings, yet, lady. But in time you will. You'll know what you want, what you like, who you love, who you like. And I assure you, I'm always at your options."

----------------

Tapos na kaming mag-usap ni Alfred pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Ginugulo ako ng mga salitang binitawan n'ya. Err. Sana kasi hindi na lang ako nagising para hindi ko na lang sinagot yung tawag n'ya. Pero pwede ko naman kasing wag na lang sagutin kung ayaw ko. Pero sinagot ko. So ibig sabihin, gusto ko din.

Ugh, ano ba yan. =(

----------------

Pinilit kong matulog. May date kami ni Ejay bukas. Hindi pwedeng ma-cancel yon. Minsan na nga lang kaming mag-date eh. Hindi pwedeng kaya hindi matutuloy yung date namin bukas ay dahil naman sa'kin. We need to catch up with each other. Halos hindi na namin alam kung ano yung nangayayari sa buhay ng isa't-isa.

And if this no-time-for-each-other thing keeps on happening, baka magkasawaan na kami sa isa't-isa - which is the worst nightmare na mangyayari sa buong buhay ko, at that moment.

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon