"Gwen, gumising ka na. Nandyan na si Ejay. Sabi n'ya may lakad daw kayo ngayon," sabi ni Mela, kasambahay namin. Niyuyugyog n'ya ako para magising ako from my deep slumber.
Oh my! Na-late ako ng gising! Kase naman eh, masyado akong pinag-isip ni Alfred sa mga pinagsasabi n'ya sa'kin kagabi.
At talagang nakuha ko pang i-blame si Alfred eh? Kasalanan ko din toh. Hindi ako mapupuyat ng ganun kung hindi ako apektado.
"Sige, sabihin mo sandali lang. Magbibihis lang ako," utos ko kay Mela tapos mabilis akong bumangon at nagmamadali akong pumasok sa bathroom.
Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako ng kwarto. Bumaba ako sa sala. Nandun si Ejay, nakaupo. Naghihintay sa'kin.
Tsk, ang pogi-pogi naman ng boyfriend ko :">
Pero hindi ko alam kung saan ako masaya eh - dahil ba sa naga-gwapuhan ako sa kanya o dahil ba sa wakas, may date na din kaming natuloy at hindi n'ya ako in-indyan?
Pero basta. Ang alam ko lang, masaya ako. Ayun yung importante dun.
"Hi! Sorry, na-late ako ng gising," bungad ko sa kanya pagkababa ko sa hagdan sabay kiss sa cheek. Talagang nilubos-lubos ko yung time ko sa pagbaba ng hagdan eh. Para naman malubos-lubos ko din yung titig n'ya habang bumababa ako.
"That's fine. It's worth the wait naman," sabi naman n'ya. "You're more beautiful in the morning." Parang sinabi na sa'kin ni Alfred yan. Aww. Here I go again, comparing.
"Ngee! Ang aga-aga mo naman mambola," sabi ko with paghampas sa ma-muscle na braso n'ya. Yes! May paghampas. "So, let's go?" aya ko sa kanya.
"Tara!" sagot naman n'ya.
Nanood kami ng Captain America, crush ko kasi yung bida dun eh, si Chris Evans. Tsk, hindi naman nalalayo yung itsura ni Evans sa boyfriend ko. Hahaha! Malaki lang ng konti yung katawan ni Evans kaysa kay Ejay, pero, pwede na din :P
Kumain kami sa KFC pagkatapos naming manood ng movie. Usap-usap. Bonding-bonding. May inabot s'ya sa'kin na something.
"Ano toh?" tanong ko without looking at it. Busy kasi, at that moment, yung mga mata ko sa pagro-roam sa gwapo n'yang mukha. Ganun talaga kapag miss mo yung tao, kaya mong palipasin yung araw na nakatingin lang sa mukha n'ya.
"Ticket para sa Basketball League sa Wednesday, para sa inyong dalawa ni Jen," sabi n'ya. How sweet, binilihan n'ya pa kami ng ticket ni Jen.
"Ahh. Thanks!" sabi ko naman with sweet smile.
"Front row yan ah. I want you to be there para makalaro ako ng maayos," sabi n'ya with kindat. Wehh? Eh baka ma-distract ka lang sa'kin eh. Inspiration ba ako o distraction?
"Wehh? Para daw makalaro ng maayos. Hmp, if I know gusto mo lang magpasikat sa'kin eh," sabi ko sa kanya. Syempre joke lang yon. Pero ganun naman ang mga lalaki eh, mahilig magpa-impress.
"Kelangan ko pa bang magpasikat sayo?" tanong naman n'ya. "Alam ko namang impress na impress ka na sa'kin eh."
"Hindi na. You know you're the best!" sabi ko.
"I know I am," sabi naman n'ya. Confident! Tapos bigla kong naisip na naman na pano kaya kung malaman n'ya yung nangyari sa'min ni Alfred, ganyan pa din kaya kataas yung confidence n'ya? O yung level of self-doubt yung tumaas, instead? I closed my eyes, really hard, to throw the idea out of my mind.
Ang corny. Ang corny na namin. Nililingon na nga kami nung mga taong nakakarinig sa'ming dalawa eh. Hahaha! Ganun talaga. People in love tend to be corny.
Pagkatapos namin kumain, stroll-stroll muna kami sa mall. Nung mapagod kami, nag-decide kaming lumabas ng mall and we end up sitting side by side in the park.
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-FictionIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...