"Ejay?" sabi ko na para kong nakakita ng multo.
"Mr. Roxas, we're still talking -" sabi ni Sir pero pinutol ko yung kung ano pang sasabihin n'ya. Wag ka munang magulo Sir, moment ko toh noh.
"Wait lang babe," sabi ko. Diniinan ko din yung pagkakasabi ko ng 'babe' para lalong sumakit yung ulo ni Sir. Yun nga, napahawak s'ya sa sentido n'ya. Wagi ako!
"Sir, sorry, hindi na po ako ulit magti-text sa classroom," sabi ko nang nakayuko. Medyo malakas para marinig ni Ejay. Nakasandal lang s'ya sa wall na katapat ng pinto ng classroom. Taray, parang boy-next-door lang.
"You can go now," sabi na lang ni Sir. Alam kong willing naman s'yang magpanggap na normal kami sa isa't-isa sa harap ng ibang tao eh. Nakahawak pa din s'ya sa sumasakit n'yang ulo.
Umalis na ko. Inaya ko na si Ejay.
"Ang tagal ko ba? Pinaiwan ako ni Sir. Nahuli n'ya kasi akong nagti-text kanina eh," sabi ko kahit hindi n'ya naman ako tinatanong.
"Oo nga, sabi nga ni Jen sa'kin," sabi naman n'ya. Mukha namang wala s'yang narinig at hindi pa din s'ya nakakahalata. O baka naman nagpapanggap lang din s'yang wala s'yang narinig? Baka naman magaling ding actor tong boyfriend ko, hindi ko lang alam. "Pero hindi na pala kita mahahatid."
"Bakit?" tanong ko. Noooo. :(
"May practice kami ngayon. Biglaan nga eh. Buti na lang may dala kong damit," sabi n'ya. "Sabi ko naman kay Jen hintayin ka para sabay kayo eh. Nasa lobby s'ya." Pababa kami ng hagdan, nauuna ako sa kanya. Mas okay na din tong sabihin n'ya sa'kin ng mas maaga kesa yung dati na naghihintay ako sa wala.
"Ahh. Sige, sabay na lang kami ni Jen," sabi ko sabay lingon sa kanya. Pero paglingon ko nasa likod pala namin si Sir. Hmm, nakikinig sa may usapan ng may usapan, ha. May pagka-tsismoso talaga toh.
Hindi ko pinansin si Sir. If I know, nagpapapansin lang yan sa'kin eh.
Hinatid ako ni Ejay hanggang sa lobby. Nandun nga si Jen, nakaupo at hinihintay ako. Sabay nga kaming umuwi ni Jen. Hindi naman na ko chinika ni Jen kasi kausap n'ya sa phone yung jowa n'ya.
Normal na buhay na naman pagkauwi ko sa bahay. Kain, tulog, gawa ng assignment, review, nood ng TV.
Sa isang araw na yung opening ng Basketball League. Tapos bukas isosoli ko na yung damit ni Sir pagkatapos nun, magtitino na ko. Promise!
--------------------------
Kinabukasan hindi ako sinundo ni Ejay, busy s'ya ngayon. Bukas na nga kasi yung Basketball League.
Dala-dala ko na yung damit ni Sir. Nasa loob ng bag ko, ng malaki kong bag.
Pagkapasok ko pa lang gusto ko na kaagad makita si Sir. Hindi dahil sa ibang bagay, okay? Siguro 30% dahil sa gusto ko s'yang makita dahil sa ibang bagay pero yung natitirang 70%, dahil yun gusto kong isoli yung damit n'ya. Gusto ko nang isoli yung damit n'ya para matapos nang koneksyon naming dalawa. Wehh? Yun ba talaga yun?
-------------------------
Calculus time...
ULIT...
"Good afternoon, Sir!" greet namin sa kanya. Yes, namin, kasama na ko dun. Magpapaka-good girl na ako from now on.
"Good afternoon," sabi n'ya. Hindi ko alam kung good mood na ba s'ya ngayon.
"Sir, bad mood ka pa ngayon?" tanong nung classmate ko. Nice! Magandang tanong yan.
Ngumiti si Sir, "Hindi na. Hindi na masyado," sabi n'ya. Sus! Landiiii.
"Okay, check muna tayo ng attendance tapos ibabalik ko yung activity n'yo kahapon."
Ayun, ganun na naman s'ya. Kapag nagtatawag ng pangalan ng mga classmates ko, itataas n'ya yung ulo n'ya tapos ako naman yung titignan.
Echuserong froglet toh si Sir. Pero infairness, bagay sa kanya yung medyo fit n'yang white polo na nakatupi hanggang sa siko n'ya. Kitang-kita ang biceps! Payakap nga :">
"Ms. Samson? Absent?" sabi ni Sir. Natauhan ako. Nakatingin s'ya sa'kin. Well, kanina pa naman eh. Kaso, nahuli n'yang nangangarap ako.
At dahil mind reader yata tong taong toh, malamang alam na naman n'ya yung tinatakbo ng utak ko.
"Present, Sir!" sabi ko. Sus, kunyari pa toh eh, kanina ka pa nga tingin ng tingin sa'kin tapos sasabihin mong absent ako? Joker ka? Gusto mo lang marinig boses ko eh.
"Okay!" sabi ni Sir pagkatapos n'yang magcheck ng attendance. "So, bagay ba sa'kin tong suot kong white polo?" tanong n'ya sa mga classmates ko pero alam ko namang ako talagang pinapatamaan n'ya eh. Hello! Sa'kin kaya s'ya nakatingin. Sabi ko na nga ba eh! Alam talaga netong iniisip ko. Nailing ako. Appropriate bang itanong ng mga professor sa mga estudyante nila kung bagay yung suot nila? What the heck, kalokohan toh.
"Yes sir!" sabi nung mga classmates kong babae. Ang ingay nila. Kaya nagsalita ako, mukha namang hindi nila maririnig yung sasabihin ko eh.
"Hindi naman masyado," sabi ko. Saktong-sakto pagkasabi ko nun biglang nanahimik yung mga classmates ko kaya nangibabaw yung boses ko. Tinginan sila sa'kin. Patay na naman ako neto!
Siniko ako ni Jen, "Hoy! Ano ka ba?" bulong n'ya sa'kin. Napatingin ako kay Jen with alam-ko-yari-na-naman-ako-nito look.
"Mas bagay sayo yung purple, Sir," sabi ko. Haaay, naku. Pero from the bottom of my heart naman yung pagkakasabi ko. Tumawa yung mga classmates ko. Sana hindi nila napansin yung pamumula ng face ko.
Nakangiti si Sir. Alam ko na namang binabalak nito. Wag mo sabihing ipapaiwan mo na naman ako.
"May kanya-kanya tayong opinion, you know," sabi n'ya. "Dow worry, I'll wear purple tomorrow," dugtong pa n'ya in a way na parang walang malisya. Ganun? Magpu-purple ka? Ganun mo ko ka-love?
"Okay, so the results of your activity yesterday is kinda... disappointing."
"Ang hirap kasi Sir eh," sabi ko sabay pout. Eh sa habit ko na nga.
"Well, ganun talaga pag bad mood ako, mahirap akong magpa-activity tsaka quiz," sabi n'ya. Pinapatamaan na naman ako. Ilag, Gwen. Ilag!
"Oo nga, Sir eh. Parang pang Midterm exam na yata yun," sabi ko ulit. Nakatingin lang s'ya. Wala namang reaction yung mga classmates ko. Alam kong sumasang-ayon sila sa'kin at alam kong humahanga sila sa katapangan kong sumagot-sagot kay Sir. Huh, close na kami ni Sir eh.
Nagsimula nang magpamigay ng papel si Sir. Oo nga pala, may note ako dun. Nagreply kaya s'ya? At hindi ako makapaniwala sa sarili kong mas excited akong makita kung ano yung isinagot n'ya sa note ko kesa sa score ng activity namin. Unbelievable.
Sa'kin yung papel na huling bumalik. Hinuli talaga ko. Nananadya ito. Aba, may reply. Alam kong nakatingin s'ya sa'kin para makita n'ya kung anong reaction ko.
"'That' ruined my day, yesterday. But that doesn't mean I accept defeat," sabi sa reply n'ya. Yung 'that' na tinutukoy n'ya, yung pag-akbay nga ni Ejay sa'kin.
Whatever. Eh, 'that' made my day eh. Nginitian ko s'ya tapos nag bleeeh :P ako sa kanya. Sus, inggit ka lang eh. Ang mga taong walang love life, naninira ng mga taong meron. Tsk, ang dami namang single, bakit of all people, akong pang in a relationship ang nagustuhan n'ya? Ganun talaga ako kaganda?
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-FictionIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...