Nagdiscuss si Sir. Nakikinig ako, I mean, nagkukunyari akong nakikinig sa mga pinagsasabi n'ya. Focus ulit, focus. Ang ganda pala ng lips ni Sir. Pansin ko lang habang nagdi-discuss s'ya. Pero nakikinig naman ako ah. Ano nga ulit yung dini-discuss n'ya? Tsk. Nakaka-distract kasi yung lips eh. Teka, na-kiss ko na ba talaga yun? Eeeee. Nahi-hypnotized yata ako sa pagsasalita ni Sir. Ang sarap lang n'yang pagmasdan magsalita.
Habang iniisip ko yun, hindi ko napansing napapangiti na pala ko. Nakatingin sa'kin si Sir. Naka-smile din s'ya. Alam na naman kaya n'yang iniisip ko? Napahiya ako sa sarili ko at sa kanya kaya yumuko ako. Pinipilit kong wag mamula kase siguradong kapag namula ako, malalaman na naman n'ya yung laman ng utak ko. What's wrong with my mind these days? Parang dumudumi yata nang dumudumi habang tumatagal ah?
"So, is there any questions regarding the subject for today?" tanong n'ya. Ayy, wala. Wala. Ang galing mong mag-discuss kaya. You deserved a standing ovation.
"Wala po," sagot nung mga classmates ko. Nakatingin na ulit ako sa kanya.
"Good! So, nandito ba kayo bukas? Or are you going to support our basketball team tomorrow?" tanong n'ya. Alam ko namang sagot ko lang talaga ang gusto n'yang malaman eh.
"Manonood po kami Sir," sabi ni Jen. Hindi ako sumasagot. Pasimple lang yan si Sir eh. Gusto lang talaga n'yang malaman kung manonood ako bukas. Haha. Ako lang talaga eh noh.
"So, kung manonood kayo bukas, okay lang. Basta I'll come here, nandito man kayo o wala," sabi n'yang nakatingin sa'kin. Wag kang masyadong umasa na ikaw ang pupuntahan ko dito bukas at hindi yung laro ni Ejay. Kasi madi-disappoint ka lang for sure.
"Okay Sir," sabi ko. Nababagot na ko. Gusto ko nang mag-uwian para maibigay ko na sa kanya yung damit n'ya.
"Okay, kung wala na kayong tanong, you may go," sabi n'ya. Finally nag-dismiss din.
Pinauna ko na si Jen. Alam naman n'ya yung balak ko eh.
Binagalan ko yung kilos ko para mahuli ako. Pagkalabas ng mga classmates ko lumapit ako sa table ni Sir tapos nilapag ko yung paper bag na naglalaman nung damit n'ya para wala na s'yang palag.
"Sir, thank you dito," sabi ko. Maglalakad na ko palabas nung magsalita s'ya.
"I told you, hindi ko toh tatanggapin kung - " pinutol ko na yung sasabihin n'ya.
"Hindi na ko babalik. Hindi na," sabi ko nang hindi man lang lumilingon sa kanya. Sus, kanina lang wagas ako makatitig eh. Pero dahil yun sa huling titig ko na yun sa kanya na may pagnanasa, kasi hindi na yun mauulit. Sana. Tapos nun naglakad na ko palabas ng classroom.
Haaaay! What a relief!
----------------------------
Pagkauwi ko sa bahay may natanggap akong text galing kay Sir.
"You can't avoid me like this," sabi sa text n'ya. Mukhang may vengeance na kasama ah. Gagantihan n'ya ba ako?
Hindi ako nagreply. Hanggang sa tumawag na s'ya. Hindi ko sinasagot yung mga tawag n'ya. Kaso mukhang hindi s'ya titigil hangga't hindi ako sumasagot. Kaya singagot ko na din.
"What?" I asked.
"Let's meet tomorrow."
"Tomorrow? Opening ng Basketball League tomorrow, remember?" sabi ko sa kanya. At nandun ang boyfriend ko, Sir! Astig ka naman makapag-aya ng meet-up, parang tinatanong mo lang ako na magrecite at wala na akong ibang choice.
"And so? Let's meet," ulit n'ya. Ano ba? Para namang hindi n'ya alam na basketball player ang boyfriend ko!
"Hindi pwede. I need to be there for - " naputol yung sasabihin ko nung magsalita s'ya.
"Ejay? Again?"
"Yes!" sabi ko naman. "Wala naman na tayong dapat pag-usapan, Sir." sabi ko. Binigyan ko ng emphasis yung 'Sir.' "At boyfriend ko si Ejay kaya normal lang na pumunta ako dun para suportahan s'ya."
"I won't take no for an answer," sabi n'ya. Eh ba't tumawag ka pa? Hindi mo naman pala bibigyan ng paki yung isasagot ko.
"Pero wala na nga tayong dapat pag-usapan," sabi ko. Ang kulit.
"Pwede namang magtitigan lang tayo. Hindi ko naman sinabing mag-uusap tayo. Ako, kaya kong palipasin ang isang buong araw nang nakatitig lang sa mukha mo."
Ano ba? Si Sir talaga. Ang galing nito magpakilig eh noh?
"What do you want?" I asked.
"You," he answered, shortly.
"Bakit ba gusto mong makipagkita sa'kin Nagkikita naman tayo sa school?" tanong ko. Niliwanag ko yung tanong ko, pilosopo masyado eh.
"Basta, I just want to see you."
"No. May game si Ejay bukas. He needs me there. I need to support him." Kelangan kong suportahan ang boyfriend ko, kundi baka maghanap ng ibang supporter yun. Kagaya ko, nahanap kita.
"Sandali lang naman tayo eh."
"Kung gusto mo lang ding makipagtitigan sa'kin, manood ka na lang din ng game. Nandun lang naman ako. Makikita mo ko dun."
"No. I want you and me, just the two of us." He sounded so desperate but no matter what he say, hindi na n'ya ako mapapapunta sa lugar kung saan man n'ya gustong magkita kami.
Ang kulit. Maipilit talaga nito ni Sir.
------------------------------------
Natapos na yung usapan namin ni Sir pero hindi pa din ako nakakapag-decide.
Ito na ba yun? Yung kelangan kong mamili ng isa? Pero teka, ba't may pagpili? Malamang boyfriend ko na pipiliin ko noh! Pero pwede din si Sir. Pero hindi, hindi pala pwede si Sir.
Ayun ang laman ng utak ko hanggang sa makatulog ako. Hindi ko alam kung bakit ginugulo ako ni Sir. Bakit nga ba? Bakit ba?
Pero nakapag-decide na ako eh, kay Ejay ako pupunta at hindi sa kanya. Hindi na yon magbabago... Sana.
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-FictionIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...