chapter 20

424 6 0
                                    

Tanghali na ko nagising kinabukasan. 1:00 PM pa naman yung opening. So mga 12:30 pa kami aalis ni Jen.

Tinext ko si Ejay para i-good luck. Sakto naman may na-receive akong text galing kay Sir. Na naman. For the nth time, pinipilit n'ya pa din akong makipagkita sa kanya.

"I'll be waiting," sabi lang sa text n'ya. Sinabi n'ya na sa'kin kung anung oras at kung saan pero paninindigan kong hindi talaga ko pupunta.

---------------------------------

Nakaupo na kami ni Jen sa front row. Alam ko, habang nakaupo kaming dalawa ngayon, naghihintay sa'kin si Sir.

In-off ko yung phone ko. Sorry, pero hindi ko talaga kayang i-disappoint si Ejay.

Mag-i-start na yung game nung tinatawag ako ng kalikasan. Nice! Great timing naman talaga oh. Pero kaya ko pa namang tiisin eh. Magpapakita muna ko kay Ejay pagkatapos magsi-CR na ko.

Lumabas na yung basketball team ng school namin. Ayun si Ejay. Tsk. Kitang-kita ang biceps ng boyfriend ko sa suot n'yang jersey. Eeeee, why so pogi?

Tumingin s'ya sa direction namin ni Jen tapos nginitian n'ya ko. Haaay. Can I die now? Grabee, ampogi eh!

"Ang daming fans ng boyfriend mo, teh. Dami mong kaagaw," sabi ni Jen. Oo nga, nakakabingi naman talaga yung sigawan ng mga babae dun. Pero hindi ako nagseselos, proud girlfriend ako! At alam ko kahit madami akong kaagaw, hindi naman sila threat sa'kin. Samantalang si Ejay, isa lang ang kaagaw pero threat na. Ugh! Kainis, bakit kelangang sumasagi pa sa isip ko yung mga ganung bagay?

"Jen, CR lang ako," sabi ko kay Jen. Di ko na matiis eh.

"Gusto mo samahan kita?" tanong n'ya.

"Hindi. Wag na. Ako na lang." Tumayo na ako tapos naglakad na ako mag-isa papunta sa CR.

-----------------------------------

Sa gym ng isang school na kasali sa Basketball League ginanap yung Opening.

Habang naglalakad ako sa hallway ng building ng school na yun, kasi puno na yung mga CR na malapit sa gym, feeling ko may sumusunod sa'kin. Ano ba? Stalker?

Sa wakas, may natagpuan din akong CR. Walang tao, in short, solo ako.

Palabas na ko ng CR nung may humatak sa'kin. Oh my, kabado naman ako. Ayokong tignan kung sino o kung ano yung humatak sa kamay ko. Natatakot nga ako eh.

Hindi ako makatili kasi may nakatakip sa bibig ko. Hinawakan ko. Kamay? So most probably tao toh.

Lumingon ako.

Sir? Sir Alfred?

"Hush now," sabi n'ya. Tsaka lang n'ya tinanggal yung pagkakatakip ng kamay n'ya sa bibig ko. It's not funny, I mused, natakot ako.

"What are you doing here?" I asked.

"You're asking me what am I doing here? Isn't it you told me to go here if I wanna see you?" sabi n'ya. "I was waiting for you but you didn't came."

"Wala naman talaga akong balak pumunta," sabi ko. Lumilingon ako sa paligid, baka kasi may makakita sa'min. Nasa isang sulok kami ng hallway. Good thing, walang dumadaan.

"I sensed that kaya nga pumunta na ko dito," sabi n'ya. Na-corner n'ya ko. Nakasandal ako sa pader tapos s'ya nakaharap sa'kin. Yung isang kamay n'ya nakawak sa pader na kapantay ng ulo ko, yung isa naman nakahawak sa bewang n'ya.

Ayoko nang magtagal, baka lang kung ano nang mangyari sa'ming dalawa.

Akmang aalis ako nung hinawakan n'ya yung kamay ko para pigilan ako.

"Where do you think you're going?" he asked.

"Nagpunta ko dito para manood ng game, Alfred, hindi para makipagtitigan sayo."

Ngumiti s'ya, "Just stay a little bit longer."

"What? Don't tell me tototohanin mo yung sinabi mong makikipagtitigan ka sa'kin?" sabi ko. Iritado. Ayoko ng tinititigan yung mukha ko. Nakakailang.

"Buti na lang pinaalala mo." Tapos tumitig s'ya sa'kin nang sobrang nakakalusaw. Ayan na naman, nalulunod na naman ako sa mga tingin n'ya.

I'm tired of his teasing. Baka bumigay na ko nito.

Wait, siguradong nag-uumpisa na yung laban, hindi ko mapapanuod ang Ejay ko.

Inayos ni Alfred yung tayo n'ya. Umayos din ako. Umalis ako sa pagkakasandal ko sa pader tapos medyo lumayo ako sa kanya. So, may pagitan na sa'ming dalawa.

Siguro, kung may makakakita sa'ming dalawa iisipin nilang nag-uusap lang kami ng normal.

Mukha naman estudyante si Alfred eh. Infairness, nagpurple talaga s'ya ngayon. Ang lakas ko!

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya nung may parang makita akong anino na nagtago sa dulo ng hallway.

Sino yun? Hindi ko na lang pinansin. Malamang, namamalik-mata lang ako.

"I need to go back," I told Alfred.

"I'm going with you," sabi n'ya pagkatapos n'yang magsawang kakatitig sa mukha ko. Sa wakas, nagsawa din.

"Wala kang ticket."

"Professor ako. Hindi pwedeng hindi nila ko papasukin," sabi n'ya. Wow, batas!

----------------------------------

Pagbalik namin sa gym, pinauna na kong papasukin ni Alfred.

Tumabi na ko kay Jen, si Alfred naman nasa may bandang likod. Kasama yung mga ka-co-faculty n'ya.

"Ang tagal mo ah?" tanong ni Jen.

"Matagal ba? Hindi naman," sabi ko. "Naglaro si Ejay?" tanong ko pa.

"S'ya sana yung ipapasok ni coach eh. Pero secret weapon daw s'ya kaya mamaya pa s'ya papasok ulit. Ang yabang din nung boyfriend mo eh noh?" sabi n'ya.

"Magaling naman talagang maglaro yun, teh. Eh, nasaan na s'ya?" tanong ko.

"Hindi mo ba kasama? Kasi lumapit s'ya kanina dito pag-alis mo. Sabi ko nag-CR ka, sinundan ka n'ya. Iniisip ko nga na kaya siguro natagalan ka kasi nag-usap pa kayo. Baka kinundisyon mo pa s'ya ganun."

Pero hindi ko na inintindi yung mga pinag-sasabi n'ya. Hindi kaya si Ejay yung nararamdaman kong sumusunod sa'kin kanina? Baka sa kanyang anino yung nakita ko kanina? No. Nagpa-panic attack lang ako. Oh my gosh! Hindi naman sana n'ya kami nakita ni Alfred.

"Ayun na pala si Ejay eh," sabi ni Jen. Dun lang natapos yung pag-iisip ko.

He was there. Sitting on the bench. Nag-substitute. S'ya yung pinasok ni coach. Nakatingin s'ya sa'kin. What's that look? Ngayon ko lang yon nakita. Pero hindi ko na yun pinansin. Go baby!

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon