chapter 21

443 7 2
                                    

Seryosong-seryoso ako sa panunuod kay Ejay nung mag-vibrate yung phone ko. Yes, in-on ko na kasi yung phone ko pagkatapos kong mag-CR. The text comes from Alfred.

"He's really a good basketball player," sabi n'ya. "I guess we're going to win this thing." Sus, nakuha pang purihin si Ejay pagkatapos ng mga pinaggagawa n'ya sa'kin.

Nagtext-back ako, "I know right. Hindi ko naman bo-boyfriend-in yan kung hindi yan magaling mag-shoot eh." Oy, walang anumang kalakip na kahit ano yun ah.

"Really? Kung hindi mo alam, marunong din akong magbasketball," textback n'ya. Actually hindi ko talaga alam at wala naman din akong balak na alamin. Ano ba toh? Hindi na ko maka-concentrate sa game ah.

"Well, I hope you know na magkaibang-magkaiba yung magaling sa marunong," reply ko naman.

"I'm somewhere in the middle," sabi n'ya. Ano daw? Middle ng? Middle ng kayabangan? Ang yabang eh.

"What middle?" reply ko ulit.

"Ayoko namang magyabang, marunong ako, sabi din nila magaling ako. Modesty aside," textback n'ya ulit. Sus, yabang neto.

Hindi na ko nagreply. Wala namang patutunguhan ang pinag-uusapan namin eh. Sigurado kong gusto lang akong i-distract nito para hindi ako makapag-concentrate sa laro, but I'm sorry, you lose this time. Lumingon ako sa kanya tapos nag-bheeelat :P ako. Wala naman sigurong nakapansin.

Lumingon ako kay Ejay, nakatingin s'ya sa'kin.

Nakita n'ya kaya yung ginawa ko? Err, sana naman hindi. Wish ko lang.

---------------------------------------

Natapos yung laro. Well, as expected, panalo kami! Great! My boyfriend is so great! S'ya lang kasi wala namang ginawa yung mga bano n'yang teammates. Gwapo lang sila pero mas gwapo si Ejay.

Naglalakad ako papuntang parking lot, ako lang mag-isa kasi umuwi na si Jen, ihahatid ako ni Ejay sa bahay.

Nag-usap na kasi kami na ihahatid n'ya ko after ng game. Busy pa din s'ya after this kasi may mga susunod pa silang mga games.

Yun nga, naglalakad na ko papunta sa kotse ni Ejay, dun kami nag-usap na magkikita na lang, nung may humatak sa'kin papunta sa medyo madilim na part, sa ilalim ng puno.

Si Alfred. As always, ito lang naman ang lalaking laging sumusulpot eh! Ito lang naman ang lalaking mahilig manghatak sa madidilim at isolated na part.

"What again?" I asked. Wala talagang pinipiling lugar toh! Though hindi naman kami makikita kasi medyo madilim nga tsaka wala naman masyadong dumadaan.

"I'll send you home," sabi n'ya. Kahit hindi ko nakikita yung maganda n'yang mata, alam kong nakatitig yun sa maganda kong mukha.

"I appreciate your hospitality but no. If there's someone who's going to send me home tonight, it's Ejay," matigas na sabi ko with sarcasm. Ayoko munang sumama sa kanya. Not now. Not now? Maybe next time? Nooo!

"I will not let you go," sabi n'ya sabay hawak sa braso ko. Sa higpit ng pagkakahawak n'ya, mukhang wala nga s'yang balak na bitawan ako.

"What? Sir? Are you insane?" sabi ko naman. Hinahatak ko yung braso ko pero mukhang hindi na luluwag yung mahigpit n'yang pagkakahawak.

"I will be; if you will not go home with me," sabi n'ya. Aba, baliw na nga.

"Sisigaw ako!" pananakot ko sa kanya. "Sisigaw ako ng rape!" dugtong ko, alam ko, lumang tugtugin na yung pananakot ko, pero malay mo um-effect. Di ba?

"Yun ay kung makakasigaw ka," he said before he covered my lips with his. Sandaling-sandali lang yun kasi naitulak ko s'ya kaagad. Pa'no ba naman kasi? Padating na si Ejay. Nakikita ko na s'ya. Medyo malayo pa naman, pero baka makita pa din kami.

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon