Chapter 10
May tiwala si Ayessa kay Leandro. Alam niya na kaya siya nitong protektahan laban kay Alfred na siyang nagtatangka sa kanya. Hindi siya sigurado pero kailangan niya pa rin na mag-ingat. Kaya ngayon ay nasa biyahe sila papunta sa Baguio. Naisip ni Leandro na magbakasyon muna silang dalawa.
"Leandro, ano na ba ang balita kay Alfred?" Pagkuway tanong ni Ayessa.
"Nasa kamay na ng mga pulis ang cell phone mo. Nagpa-blotter na rin ako sa kanila na ginugulo ka ng hayop na iyon. Binigay ko ang cell phone mo sa kanila para kapag tumawag ang Alfred na iyon ay ma-track nila siya."
Sa narinig na sinabi ni Leandro ay nakahinga ng maluwag si Ayessa. She rest her head on his shoulder. Saglit siyang nahiga at hindi na niya napansin ang oras, naalimpungatan na lamang siya dahil sa masuyong haplos sa kanyang pisngi.
"Wake up, Ayessa. We're here." Sabi ni Leandro sa kanya.
Saglit na nag-unat ng katawan si Ayessa pagkuway lumabas na rin siya. Halos ay manginig ang kalamnan niya dahil sa lamig ng hangin na dumapo sa kanyang balat. Kahit na may makapal na jacket na siyang suot ay hindi pa rin nakatulong iyon upang hindi manuot ang lamig sa kanyang katawan.
"Ang lamig naman..." Nasabi na lang niya.
"Talaga? Hayaan mo at paiinitin kita mamaya." Pilyong sabi nito pagkuway kinindatan pa siya at kung tatamaan nga naman ng pagkapilyo ay pinisil pa nito ang isang pisngi ng puwet niya.
Natatawang hinampas na lang niya ito sa balikat. "Naughty!" Kahit papaano ay mawala ng kaunti ang kaba niya dahil sa ginawa nito. Pero bakit ba niya kasi iniisip ang problema niyang iyon? As long as kasama niya si Leandro ay wala siyang dapat na alalahanin. Leandro can protect her.
"Let's go." Nakangiting inaya na siya ni Leandro upang makapasok sa loob ng resthouse.
Itong resthouse na tinutuluyan nila ay pagma-may-ari ni Leandro. Binili ito ng binata two years ago at nagbabalak pa sana ito upang ipa-renovate ang bahay at gawing restaurant dahil na rin madalang lang ito na dalawin ni Leandro. Sayang naman daw kung nakatengga lang kaya mas mabuti na gawing isang source of income nila since isa namang tourist spot ang Baguio na dinadaluhan ng mga foreigner at ng mga nag-a-out of town.
Sa ngayon ay balak pa lang iyon at kinuha ni Leandro ang payo ni Ayessa--- na ikinatuwa naman ng dalaga dahil ngayon pa lang ay nagiging mas feel na niya ang pagiging may-bahay ng binata. Tulad sa isang mag-asawa na hinihingi ang idea ng isa.
"What are you smiling at?" Untag sa kanya ni Leandro.
"Wala lang. Na-i-imagine ko lang kasi itong bahay na gagawin nating restaurant. Excited na ako."
"Me too. Ngayon pa nga lang ay may pangalan na ako sa future restaurant natin."
"Ano?" Na-e-excite na tanong ni Ayessa kahit ang totoo ay may idea na sa kanyang utak kung ano ang sasabihin nito.
"Ayessa's Restaurant."
Napangiti naman ang dalaga at kahit alam na niyang ito ang sasabihin ni Leandro ay talagang kinikilig pa rin siya.
"Maganda ba?"
"Oo naman. Pangalan ko 'yon e."
Napangiti na si Leandro pagkuway masuyong hinapit siya palapit.
"Para sa 'yo ang lahat ng ito. Lahat ng meron ako ay inaalay ko sa iyo at sa ating magiging anak." Sabi nito saka hinaplos ang puson ng dalaga.
"Thank you." Nasabi na lang ni Ayessa pagkuway masuyong hinalikan ang labi ng binata. "I love you."
BINABASA MO ANG
Seducing Leandro
RomanceLeandro and Ayessa Isang napakagandang babae ang nakita ni Leandro sa party ng kanyang kaibigan na si Apollo. At sumpa man ng binata, gustong-gusto niya na puntahan ang babaeng iyon at dalhin sa isang madilim na sulok upang doon ay kuyumusin ng hali...