e l e v e n

36 3 2
                                    

Brieanne's POV


Ugh. Monday nanaman. Makikita ko nanaman ang tatlong kaibigan ko. Argh. -.-

Bumaba na ako't nagpa-alam na hindi mag-aalmusal, hindi pa ako gutom.

"Bye Ma." paalam ko. Si Kuya? Hayaan nyo na muna yung bading na yun. Tsk.


Sakto naman sanang palabas ako e biglang nag-ring ang door bell. Sino naman ang pupunta dito ng ganitong oras? Wait, don't tell me----


"SURPRISE!" sabay-sabay nilang sambit pagkabukas ng pinto namin. What the hell?!

"Anong ginagawa nyo dito?" nakasimangot kong tanong sa kanila. Narinig ko ang pagtawa ni mama. Nagulat siguro sya kaya't napapunta sya dito.

"Sabay-sabay tayong pumunta ng school! Dalian mo!" hysterical na sigaw ni Jia't sinamaan ko sya ng tingin.

"Ayoko." mataray na sagot ko sa kanila.

"Bakit naman?" nagpapa-cute na tanong ni derp sa akin. Inirapan ko silang tatlo't lumabas ako sa bahay namin.

"Hoy Brie! Sagot-sagot naman dyan!" reklamo ni Jia sa akin at hinarap ko sila.

"Unang-una, 1 week nyo na akong ginugulo. Jusko! Akala ko pag nag-weekend tatahimik yung buhay ko. Tapos ni-raid nyo bahay namin. Bigla nalang kayong sumusugod dito. Tapos nung Sunday, akala ko tatahimik na. Hindi pa rin pala." reklamo ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako. Bwisit.


Naramdaman kong inakbayan ako ni derp.


"Ganyan talaga ang mga magka-kaibigan. Hindi ba guys?" tanong nya na sinang-ayunan naman ng dalawa. Mga bwisit. Tinignan ko sya ng masama pero nginitian nya ako. I smirked. Kinuha ko ang braso nya na naka-akbay sa akin at pinalipit ang kamay nya.

"BAKIT. MO. AKO. INAKBAYAN." nanggigigil na tanong ko sa kanya. Naririnig ko na uma-aray sya pero tinatawanan lang kami nina Jacque.

"Hoy tama na yan! Aray!" reklamo nya kaya naman binitawan ko na sya. Tinignan ko sila ng masama't umatras ng konti saka ko sila tinakbuhan. Yes!


"HOY BRIE! BUMALIK KA DITONG GAGA KA!" rinig kong sigaw ni Jia pero di ko sya pinansin. Naririnig ko parin ang mga boses nila kahit medyo malayo na ako. Ganun ba talaga sila kaingay?


Nang maka-sigurado na akong malayo na ako sa kanila. Binagalan ko na ang takbo ko't naglakad nalang. Umagang-umaga pagod na ako. Mga bwisit kasi e.

Hindi naman kasi kalayuan yung school sa bahay namin. Kaya ewan ko sa Kuya ko't nagko-kotse pa talaga kami kapag sinusundo o hinahatid nya ako. Well, sya naman may gastos sa gas kaya ayos lang.

Habang naglalakad ako, may napansin ako. Isang pamilyar na tao ang nakatalikod sa akin pero naglalakad din sya papuntang school. Huminto ako para pagmasdan yung taong yun.

Tumigil sya doon sa may posteng di kalayuan sa gate at may biglang dumating na babae. Hindi ko maaninag yung mukha nung babae kasi sobrang haba ng buhok nya. Yung lalaki naman naka-mask at parang may inaabangan sila. I just shrugged it off. It's none of my business.


Patuloy akong naglalad ng may matapakan akong isang bagay. Isang keychain. Ang cute naman. Napatingin uli ako dun sa dalawang tao kanina't mukhang nagpa-panic yung babae. Lumapit ako ng kaunti sa kanila.


"Sht. Yung keychain ko, asan na yun?" nag-aalalang sambit nya kaya kinalabit ko sya't nginitian.

"Miss, sayo ba to? Napulot ko kasi kanina doon e. Mukhang may hinahanap ka." sabi ko sa kanya't nginitian ko sya. Mukha silang nagulat nung kasama nya. Napatingin ako sa kasama nya't medyo nagulat ako pero I remained my composure. I also smiled at him na ikinagulat nanaman nya.

"Ahm. Thank you. Sorry sa abala." mahinghin tugon nung babae. 

"No worries. Sige una na ako ha? Ingat." magalang na tugon ko sa kanila't nginitian ko sila.


Habang papasok ako ng gate, may mga katanungan ang naglalaro sa aking isipan.


Sya ba yon? Imposible. I thought he will be staying there for good? Nah, paranoid lang siguro ako. Hindi lang naman sya ang may matang ganun diba?


**


Chann's POV


Bwisit na sungit yun! Ang sakit ng pagkaka-palipit nya sa braso ko. Imba talaga sya. Ang bilis din nyang tumakbo ha.


"Hoy Chann! Saan mo galing yung akbay mo na yun ha?" tanong sa akin ni Jia't nagkibit-balikat ako. Ako din mismo hindi ko alam kung bakit ko sya inakbayan e.

"Damoves." singit naman ni Jacque at nginisian ako.

"Ewan ko sa inyo."


Pagkadating namin ng school, nakita namin na nakatingin sa bintana si sungit at naka-kunot ang noo nya. Problema nito?


"HOY BRIE!" sambit ni Jia't pinitik nya ang noo nito. Ang brutal talaga nilang dalawa.

"What?"

"Bat ka nakatunganga dyan?" tanong ko sa kanya pero inirapan nya ako.

"Guys.." seryosong sambit nya't natahimik kaming tatlo.

"Parang nakita ko si Jay kanina dito sa labas ng school." sambit nya ikinagulat ng dalawa't ikinainis ko naman.


Hindi pwede. Kung nandito man sya, hindi sya pwedeng lumapit kay Brieanne. Ngayon pa't alam ko na ang lahat ng nangyari kung bakit nagka-ganun sya.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Very short update hahaha!

Keep safe everyone! :)


The Derp and I (Chanyeol FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon