" Bulilit!! Lapit ka muna dito!"
Napahinto ako sa pagsusulat nang kinopya kong assignment sa English. Tiningnan ko yung taong tumatawag sa akin. At dahil iisa lang naman sa mga tao dito ang tumatawag sa akin nun, napataas ang kilay ko habang nagtatakang pinagmasdan ang pinaka uno kong ayaw na tao sa balat nang lupa, si Balbon.
"Oh?? Bakit?" tanong ko sa kanya.
Nasa harapan lang naman ang upuan sa akin, kaya ang porma niya ngayon ay naka harap siya sa akin at para bang abot sa tengang siyang ngumingiti. Nakakaloko ngang tingnan kasi gwapo na sana eh kasi may lahing Italyano kaso para namang timang, ngumingiti nang walang dahilan. " Ilapit mo kasi yung ulo mo, may ibubulong ako!" paasik niyang sabi sa akin.
' adik rin to no? May ibubulong tapos sisigaw na nabubulong? Eh di nalaman ring bumulong siya? Tanga.' nasabi ko na lang sa sarili habang nakakunot ang noo.
Ano na namang paluko kayang naisip nito at pati ako dinadamay. "Bakit ba? 'ta mo, may ginagawa payung tao kung anong pumapasok sa utak mong gawin. Siguraduhin mong importanteyang sasabihin mo." inilapit ko ang ulo ko sa kanya nang dahan dahan.
Ngiti ngiti lang siya, " teka muna..." napahinto sa kalagitnaan nang sumigaw siya ng pagulat. "Hoy! Kent!! Huwag tumingin sa gawi namin! Look straight ahead! Huwag kang titingin kay Zy! Kanina ko pa napapansin ikaw!" dinuro pa niya si Kent.
Nagulat ako sa inasta niya at tumingin sa gawi ni Kent na nakaupo one sit apart sa akin na nakayuko na ngayon habang tinatabunan niya ang bibig nang panyo niya. ' Ano bang nakain nang balbon nato at grabe kung makapagsalita?"
Tinapik ko ang kamay niyang nakaduro kay Kent. "ARAY!!" Napahiyaw naman ito sa sakit. 'napalakas ata hehehe saree..'
"Ba't mo naman pinakialaman yang si Kent eh, nag aaral lang naman niyan diyan? Alam mo singhot ka pa. Ta mo yang nangyayari sayo, mukha kang adik. Naninigaw nalang basta basta.. Inaano ka ba?"
" Eh, kasi nakakairita yung titig niya sayo. Kanina ko pa yan napapansin. Nakakagago." galit na sabi naman nito.
'nakakagago?? Ang alin?ah baka na bakla??' dahil nga nalilito ako sa pinagsasabi niya napaclaro nalang ako nang lalamunan at nagsalita. Nakatitig narin kasi si Balbon sa akin na parang hindi kumukurap. " teka nga, mamaya nayang ginawa mo kay Kent. Ano bang gusto mong sabihin? Hindi ba yan makakaantay mamaya?? Kasi iilan nalang tayo naiwan sa klasroom. Yung iba pumunta na sa labas para sa program. Kailangan ko pang tapusin tong ginagawa ko-
Napahinto nalang ako sa pagsasalita nang hinapit niya ang mukha ko sa kinaroonan niya at naramdamang mga malalambot na parang moist na bagay ang dumampi sa pisngi ko at napatulala ako sa ginawa niya. Dahil rin sa ginawa niya , napabaling ako sa kanya.
'SHIT!! KAHIYA YUN!! H-HINALIKA-
Hindi ko na malayang nakatitig na pala ako sa malausok na bughaw na kulay niyang mga matang nakatunghay rin sa akin. Nakakanganga ako ngayon at magsasalita pa sana nang nagulat ako sa sunod niyang ginawa, inilapat niya ang noo niya sa noo ko. Ilang pulgada narin ang mukha niya at nararamdaman ko na ang mabango niyang hininga.
'shit!! ' ramdam ko rin na pinag titinginan narin kaminang mga klasmates namin. Biglang uminit ang mga pisngi ko pati likod nang mga taenga ko. Nagririgudon narin ang pagtibok nang puso ko na para bang nag eexercise lang at ang tiyan ko, parang gusto ko atang matae.
Di ko narin inasahan ang sumonod na nangyari nang sinabi niya ang mga katagang pinakaayaw kong marinig.
" I LOVE YOU."
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
DragosteThen I heard him chuckling. " Talaga? You really don't know me, do you? Haven't heard of Janiero Alejandrio Gustav? " Napaarko ang kilay ko at nagkibit balikat ako. " Mukha ba akong orbituary page o news feed ng dyaryo?? Panahon nga kung magbabagyo...