Title: Wag Mo Silang Isipin

43 2 1
                                    


part 1

May mga Taong Huhusgahan ka base sa mga Nakikita nila.
Iyong hindi muna nila inaalam ang buong istorya sa likod ng nakikita nila. Habaan mo ang pasensya mo dahil sisiraan ka rin nila dahil naiingit sila. Maging handa ka rin dahil aapak-apakan ka nila dahil Doon Lang sila Masaya. Gagawa ka ba ng paraan para itigil ang pang-aapi nila? O hahayaan mo na lang at iiwas sa mga panghuhusga nila? Kaya mo bang ibaba ang Lebel mo para lang patulan ang ka Lebel lang ng Aso? O magiging propesyunal ka at tatangaapin lahat ng sinasabi nila dahil Edukado ka??

Sa bawat desisyon na gagawin mo maaring magbunga ito ng maganda o hindi. Huwag kang mag paapekto sa sasabihin ng iba ang mahalaga kilala mo ang sarili mo at ito ang paniwalaan mo. Walang sinumang makakasira ng Buhay mo kung titibayan mo ang pundasyon nito. Maging malakas ka at handa dahil sa oras ng kasiyahan mo andiyan sila para Saktan ka...

Title : Mind your own Business,Pweee!!!
Part 2

Sa mundong iyong kinatatayuan may mga Taong manghihimasok at mangingialam sa takbo ng Buhay mo. Darating talaga ang time na Mayroong Maiinggit sa iyo. Maaaring sila ang lubusang Makaapekto at Makasira ng pinagkakaingatan mong Pagkatao.
. Hindi man natin alam kung ano ang eksaktong rason nila kung bakit sila ay nakikialalam sa iyo ,ang mahalaga ay maging handa ka sa mga taong gagawa ng ganiyang bagay sa iyo.

Maging Malakas ka dahil kapag nakikita nilang mahina ka, aapiapihin ka nila. Ipakita mo na kahit patuloy ka nilang sinasaktan ay nakakaya mo paring maging masaya. Huwag mong ipakitang naaapektuhan ka dahil kapag ginawa mo iyan ay lalo lang silang magpapatuloy sa kanilang ginagawa. Lagi ka lang NGUMITI para marealize nila na mali sila. MALI sila sa mga bagay na iniisip nila saiyo. At higit sa lahat IPAGDASAL mo na lang sila dahil hindi nila alam na nakakasakit na Pala sila. Huwag mo silang gawan ng masama dahil ang lahat ng maling bagay na ginagawa nila ay kanilang Susulitin sa Tamang Panahon. Habaan mo lagi ang pasensya mo dahil kaya lang nila ginagawa iyan dahil NAKAKALAMANG KA SA KANILA.

Sa ngayon, pagtuunan mo na lng ng Pansin ang Pag-aaral , magsumikap ka dahil ang tagumpay ang tunay na magandang ganti sa kanila. Hindi mo na man kailangan saktan sila Physically dahil ang sakit na dulot nito ay panandalian lamang ngunit ang Edukasyon ay Panghabang buhay na tagumpay na pwede mong tamasahin.

Sa Mata Ng MapaniraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon