Born for you,
?
Paano ba maging simple? gusto kong mamuhay ng ordinaryo tulad ng karamihan, upang talikuran ang rangya ng aking nakagisnan.Gagawin ko ang lahat para maranasan ang mga bagay na ninanais ko, tulad ng magmahal at mahalin ng tapat.
Nais kong takasan ang hirap at pasakit na sa akin ay pinapadama, pasakit na tuluyan kang inilalayo sa pamumuhay na nais ko at sa babaeng minamahal ko.
?
moshi moshi....
Nagmahal ako ng tapat kahit maraming pagsubok akong nalasap,
pagmamahal na aking hinangad na kukuhanin agad-agad..Binago ako ng pag-ibig na pinaramdam sakin kung paano mamuhay ng simple, makisalamuha ng tama sa taong nasaligid.
Natatakot akong mag-isa kung kukuhanin ang isang taong aking pinakamamahal, paano ba mabuhay kung ang pag-ibig mong hinangad ay panandalian lamang.
?
Tunay ba akong kaibigan?
Namuhay akong salat sa kahirapan ngunit andiyan ang kaibigan kong tunay na handang ialay ang buhay.Ibinigay ang lahat para makasabay sa pamumuhay na sa aking ay hindi inibinigay, Puso'y may kirot dahil sa trahedyang aking ibinaon sa limot.
Mahirap mamuhay kapag mayroon kang lihim na kinukubli, ito ba'y aking makikimkim? kung sa buhay ko'y may banta. Patawad aking kaibigan sa aking nagawa nais ko lamang protektahan ang aming buhay.
?
Saksi ako sa pagkawala ng aking kaibigan, durog na durog ang aking pagkatao habang ako'y nabubuhay, habag na habag ako sa kaibigang nawala ng tuluyan.
Kasalanan na ginawa dahil sa pangangailangan, karimarimarim na nakaraan na nais kung malimutan.
Ako'y namuhay sa rangya na nawala sa aking tuluyan kalakip siguro nito kasamaang aking ginawa. PATAWAD,
?
Kasalanan bang umibig?
Pag-ibig na bawal aking nadama, binulag at binago ako nito. Unti Unting tumigas ang aking puso dahil pinatibay ako ng aking mga karanasan.Aanhin ko ang kaalwanan ng pamumuhay kung hindi naman ako masaya. Pagiibigan aking hinadlangan hangang ako'y nabubuhay.
Pagsisisi na nawala sa aking isipan sa huli'y aking maramdaman, totoo bang nasa huli ang pagsisisi? kung sa una pa lang alam mo na ang kahihinatnan.
?
Naging mabuti o masama ba akong ama?
Iginapang ko ang aking pamilya mula sa hirap hanggang malasap namin ang karangyaan ng pamumuhay, buhay na aking hinangad nuong ako ay bata pa lamang.Ginawa ko ang lahat para sa ikabubuti ng aking anak ngunit iyon ay kulang dahil hindi ko sila nagabayan ng pangmatagalan.
Itinago ko ang nakaraan para matahimik ang lahat ngunit alam kong darating ang panahon na iyon ay hindi ko na makukubli.
?
Ako'y naging bulag at pipi sa katotohanan,
Dalawang henerasyon ang aking pinaglingkuran dahil sa utang na loob ako'y nanahimik.Naging bulag ako sa aking mga nasaksihan at naging pipi sa katotohanan.
Alam kong sa oras na may maghanap ng katotohanan, sa huli iyon ay aking sasang-ayunan.
In you,
I've found the life
And
my closest
truest
FRIEND.
You're the only one
for
ME.
-
---------------
Two souls looking looking for their mates,
A match made in heaven,
A Love that's been written in our heart,
How can you go on loving?
when your reason
to leaving is
GONE......
ABANGAN...........
022022
BINABASA MO ANG
Ako'y Sayo, Pwede Ba?
RomanceTwo souls looking for their mates, A match made in heaven; A love that's been written on our memory, How can you go on loving, when your reason to leaving is gone? A partner who wishes that the world to fall inlove, will be a best feelings ever. at ...