Chapter 5
Crush ka ata niya
Maaga akong pumunta sa napag-usapang lugar para makipagkita sakanya. Napili niya na magkita na lamang kami sa 7Eleven branch na malapit sa school. Wala akong kaide-ideya kung bakit dito niya napiling makipagkita saakin. Pwede naman kasing sa mall nalang o di kaya sa isang resto o fast food chain pero dito pa talaga sa 7Eleven malapit sa school. Pero naisip ko na pabor din pala sakin 'to. Wala pa kasing masyadong tao dito. Makikita ko agad siya kung sakali mang dumating na siya. Pero paano kung hindi siya dumating? Paano kung hindi siya sumipot dito? Ah! Ano ba! Think positive, Even! Siya ang nag-aya kaya siguradong dadating siya.
"Shit!" Pabulong akong napamura dahil sa naalala ko. Inimbitahan pala ako ni Haven sa birthday ng kapatid niya. Hindi naman siguro siya magagalit kung hindi ako pupunta. Pero mas mabuti na kung sasabihin ko ang dahilan. Masyadong rude kung hindi ko sasabihin.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Tatawagan ko nalang si Haven. Nasa ikatlong ring nang sinagot niya ito.
"Oh, dude. Bakit?" Panimula niya.
"Have, mukhang hindi ako makakapunta sa party ng kapatid mo."
"Bakit? May problema ba?" Nag-isip ako ng pwedeng isagot sa tanong niya.
"Kailangan ko kasing i-meet yung pinsan ko. Napag-utusan lang ni Mama." Napapikit ako habang sinasabi ko iyon. Pinsan? Utos ni Mama? San ko ba napulot yun?
"Ahh. Okay, okay. Pero kung sakali mang maka-abot ka pa, welcome ka parin naman dito. 6pm pa naman ang start."
"Sige, dude. Salamat." Binaba ko na ang tawag. Sinulyapan ko ang wristwatch ko at tinignan ko kung anong oras na. 5:30 pm na. Tatlumpung minuto nalang at darating na siya.
Inaliw ko muna ang sarili ko. Bumili muna ako ng makakain habang naghihintay sakanya. Nagmasid rin ako sa labas. Napagdesisyunan ko rin na lumipat ng pwesto. Lumipat ako sa table sa labas. Medyo dumarami na kasi ang tao dito sa loob. Baka hindi ko siya makita agad.
Sinulyapan kong muli ang wristwatch ko. 6:19 pm na. 6 pm ang usapan namin ngunit wala pa siya. Hindi na ba siya sisipot? Nagbago na ba ang isip niya? O baka naman na-traffic lang? Tama. Na-traffic lang siguro siya. Hihintayin ko siya hanggang sa mag-alas siyete ng gabi.
"Even.. Even?" Unti-unti akong nagising dahil sa tinig na narinig kong tumatawag saakin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata para malaman kung sino iyong tumatawag.
"Anong ginagawa mo dito, dude? Bat dito ka pa natulog?" Natatawang tanong ni Acid. Tama. Si Acid nga iyong tumawag at gumising saakin.
Sinulyapan kong muli ang aking relong pambisig. 7:10 pm na. Nakatulog na pala ako sa kakahinta sakanya. Isang oras at may sampung minuto na siyang late sa usapan namin. Wala na ba talaga siyang balak na pumunta? O baka naman nandito na siya kanina ngunit hindi niya ko nakita dahil sa nakayuko ako? O baka naman nakita niya ako ngunit hindi niya na ako ginising dahil nga sa nakatulog ako? Ang tanga tanga mo Even! Tsk.
"Hey, okay ka lang?" Tanong muli ni Acid nang mapansin ang pagkakatulala ko. Tumango lang ako bilang tugon.
Napansin ko ang babaeng kasama niya. Bigla siyang nag-iwas ng tingin nang magtama ang aming mga mata. Tinignan ko naman si Acid nang may nagtatanong na mga mata.
"Oh, sorry. Maze, si Even nga pala kaibigan namin ng kuya mo. Even, si Maze, kapatid ni Haven." Pagpapakilala ni Acid saakin sakanya at sakanya saakin.
Ngumiti ako at naglahad ng kamay para sana makipag-kamay ngunit tinitigan niya lang iyon. Ibinaba ko na lamang iyon nang mapagtanto na wala talaga siyang balak na tanggapin iyon. Ganunpaman ay binati ko parin siya ng "Happy birthday.". Tumango lamang siya at mahinang nagpasalamat. Hindi ako nagdalawang-isip na batiin siya dahil sigurado ako doon. Isa lang naman kasi ang kapatid ni Haven. At kung siya nga iyong kapatid ni Haven, edi siya rin iyong nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon.
"Bat nga pala kayo nandito?" Tanong ko nang bumaling ako kay Acid.
"Susunduin kasi dapat namin yung best friend daw niya. Kaso nung malapit na kami doon sa subdivision kung saan nakatira yung best friend niya, nagtext naman sakanya. Nandoon na daw sa bahay nila Maze. Nagkasalisihan. Kaya ayun, nung pabalik na kami, nakita kita." Mahabang pagpapaliwanag niya.
"May nakita ba kayong umupo dito kanina?" Tanong ko habang itinuturo iyong kaharap na upuan ng inupuan ko kanina.
"Merong naka-upo diyan kanina. Chicks nga eh. Kaso biglang umalis nang nakita kami. Sayang nga eh hindi ko nahingi yung number." Natatawang sagot naman ni Acid.
Pumunta pala talaga siya rito. Pero bakit hindi niya ko ginising?
"Bakit, dude? Date mo ba 'yon? Bagong girl?" Sunud-sunod na tanong ni Acid.
Umiling ako agad. "Pinsan ko 'yon." Pagsisinungaling ko. Narinig ko naman na tumikhim iyong si Maze at tumingin kay Acid na parang may sinasabi o binubulong.
"Uhh.. ano? Tara na? Sabay ka na samin Even. Hindi pa naman tapos yung party niya eh." Pag-aaya ni Acid.
"Salamat Acid pero dala ko naman yung bike ko." Tinutukoy ko iyong black motorbike ko.
"Sige. Kina Haven. Sunod ka nalang. Mauna na kami." Nakangiting sambit ni Acid. Nauna nang maglakad si Maze patungo sa kotse ni Acid. Nagpaiwan rin muna si Acid saglit at may ibinulong saakin.
"Crush ka ata niya."
BINABASA MO ANG
What Does It Take
Teen FictionWhat does it take to get the one you love if you haven't met her yet? - credits to @NicoletteLovesYou for the nice book cover. :))