[EXTRA CHAPTER]

6 0 0
                                    

-Author-nim's POV-

Isang buwan matapos ang dapat sana ay kasal ni Angelou, Suho decided to go to America with Krystal. Nagdesisyon siyang dito na manirahan nang permanente kasama ang bago niyang pamilya, si Krystal at magiging anak nila.

Naging masaya naman kahit paano ang pagtira ni Suho kasama si Krystal sa America. Pero hindi pa rin maalis sa isip niya si Angelou, the girl who really captured his heart, the girl he truly loves.

Ilang buwan na silang naka-stay sa America, minsan na rin nilang napag-usapan ang tungkol sa pagpapakasal para sa anak nila.

"Suho, are you still planning to marry me?" tanong ni Krystal habang nasa living room sila ni Suho.

"Uhmm… of course. I promised you that, right?"

"You can't marry someone just because you'll be having child." mahinang sabi nito.

"Krystal, mahal naman kita." sagot ni Suho.

"Suho, I know you still love her."

"Krystal…" ito lang ang tanging nasambit ni Suho.

"I already accepted na hindi ko siya kayang palitan sa buhay mo. Masaya na ako na minahal mo ako dati, I think hanggang doon na lang yun." she paused for a while, "I'm sorry for ruining your life. I didn't mean to do it. Hindi ko gustong sirain kayong dalawa. I'm… I'm so sorry, Suho." sabi ni Krystal hanggang sa tuluyan na itong umiyak. Suho comforted her. Niyakap siya ni Suho habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"I know na hindi mo gusto ito. Naiintindihan ko. Pinapatawad na kita. We can now start a new beginning." sabi ni Suho.

"Thank you so much,Suho. Thank you for trusting me again."

"It's nothing, as I said, we need a new beginning. Kailangan maayos na lahat bago lumabas sa mundong 'to ang magiging anak natin."

"Suho, can I ask you a favor?"

"Yes. What is it?"

"After I give birth, pwede ba tayong bumalik sa Pilipinas?"

Natigil sandali si Suho sa narinig niyang sinabi ni Krystal.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya rito.

"I want to apologize to Angelou. Alam kong sobrang laki ng galit niya sakin dahil sa mga ginawa ko." sagot nito.

"If that's what you want." sabi niyo at tsaka hinalikan si Krystal sa noo.

××

Sa kabilang dako, si Angelou ay nag-resign sa kumpanya nina Suho at pumunta sa South Korea. At first, vacation lang talaga ang gagawin niya, pero natanggap siya para magtrabaho sa isang kumpanya dito bilang Sales Manager. Noong una ay nag-aalinlangan pa siya pero naisip niya na baka ito na ang paraan para makalimutan niya ang kung anumang nangyari sa Pilipinas, upang makalimutan na niya si Suho.

Nabalitaan ni Krystal na wala na sa Pilipinas si Angelou. Kinausap niya si Suho tungkol dito.

"Saan natin siya hahanapin? I really want to talk to her." sabi nito. Niyakap siya ni Suho bago ito nagsalita, "I will ask her friends."

Ilang minuto pagkatapos ng pag-uusap na ito, Suho suddenly open a topic, "Krystal, next month manganganak ka na. Lalabas na sa mundong ito ang bago nating prinsesa. What name do you want to give her?"

Nagbigay ng isang matamis na ngiti si Krystal at tsaka nagsalita, "Angela."

"Angela? Bakit iyon?" tanong naman ni Suho.

"I want it kasi malapit sa pangalan ni Angelou. Gusto kong lagi natin siyang maalala by the name of our child. In case hindi niya ako patawarin, atleast kahit konti may nagawa ako, yun ay ang ipaalam sa magiging anak natin na isinunod ko ang pangalan niya sa isang espesyal na babae sa buhay ng daddy niya." paliwanag nito.

Natawa na lamang si Suho sa narinig kay Krystal.

××

August 23

Ang araw ng panganganak ni Krystal. (22 kasi b-day ni Suho tapos si Stal ay 24. Wala akong maisip kaya 23 na lang ^_^v)

"Sir, your wife is in critical case right now." sabi ng doktor kay Suho.

"Please save her, and also my child, Doc." pagmamakaawa ni Suho.

"We'll do everything we can, sir." sagot nito at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Hawak ni Suho ang kamay ni Krystal habang nanganganak ito. Bakas sa mukha niya ang kaba at takot dahil nanganganib ang dalawa, si Krystal at ang magiging anak nila.

"You can do this, Krystal." sabi nito kay Krystal.

Ilang minuto rin ang itinagal ng panganganak ni Krystal at naging maayos naman ito. Ngunit hindi pa gaanong maayos ang lagay ni Krystal.

Inabot na ng doktor kay Suho ang anak nito, isang magandang anghel na regalo ng langit sa kanilang dalawa. Nilapit niya ito kay Krystal.

"Here's Angela, Krystal. She's so pretty like you." sabi ni Suho.

Kahit nahihirapan ay ngumiti pa rin si Krystal habang tinitignan ang anak. "Take care of her, Suho." mahinang sabi nito, halata na sobrang nanghihina ito.

"What are you saying? Aalagaan natin siya, Krystal."

"Hindi ko na kaya. Wag mo siyang papabayaan ha? And also…"

"Krystal, kayanin mo, please. We need you." sabi ng naiiyak nang si Suho.

"Tell Angelou that I am so sorry for all those things I did. Look for her, Suho. She will be a good mom for Angela. And si Minho, pakisabi na pinapatawad ko na siya. I love you, Suho. I love you, Angela. I love---" huling sabi ni Krystal at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

"Krystal! Krystal! Wake up! Doc!!!" tawag ni Suho at tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.

"I'm sorry, sir, but she already gave up." malungkot na sabi ng doctor kay Suho.

Wala nang nagawa si Suho kundi ang umiyak sa tabi ni Krystal. Krystal was already gone and all he can do is to fulfill all those things that Krystal told her.

"I promise, Krystal, I will take care of her. I will look for Angelou and Minho. I love you, we love you." huling sabi ni Suho.

××

Isang taon matapos ang pagkamatay ni Krystal, bumalik si Suho kasama ang anak niyang si Angela sa Pilipinas.

Pagdating ni Suho dito, inayos niya ang lahat ng mga bagay na kanyang naiwan. Suho and his dad talked to Minho and his cousin, Yuri. Napag-alaman ng daddy ni Suho ang dahilan kung bakit gustong maghiganti ni Minho kaya para maayos ito, humingi ito ng tawad at nag-offer ng trabaho sa kumpanya nila para sa mag-pinsan. Sakto namang wala nang trabaho ang dalawa dahil nagsara ang kumpanyang pinapasukan nila sa di malamang kadahilanan.

"Minho, she's gone. But I want you to know na pinatawad ka na niya bago siya mamatay." sabi ni Suho kay Minho. Natahimik ito sa isang tabi bago nagsalita, "It's all my fault. I'm so sorry." huling sabi nito.

--

A/N: tapos na ang pagiging makata. Pagpasensyahan ang kababawan xD I love you all :*
@Queen_Raella hindi siya special chapter, EXTRA lang hahaha sensya na, wala akong magawa eh. ㄟ(≧◇≦)ㄏ

Yah!!! Chingus! Pupunta kayo sa #EXOluXionInManila?

My Angel's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon