CHAPTER IV

21 3 0
                                    

AJ's POV

Pagkalabas na pagkalabas nga nung walang hiyang Collin na yun sa bahay agad kong tinignan ang paligid. Baka lang kasi may nawawala. Ayos naman ang bahay malinis, maayos at.. at at at may PAGKAIN. Wait nagluto siya? Eh walang pagkain dito ah. Bumili kaya yun? Nung una nagdadalawang isip pakong kumain pero in the end HINDI ako kumain. Baka kasi mamaya may kapalit to eh.

Napatingin ako sa oras it's 2:30pm. Wait what!? male-late nako. Nagmadali naman akong magbihis ng damit pangtrabaho ko at kinuha ang mga gamit bago kumaripas ng takbo papunta sa restaurant.

---

"AJ, late ka ah."

"Miss Rhian. Pa-pasensya napo nakaligtaan ko po kasi yung oras eh." napakamot pako sa ulo. Nakakahiya kasi mismong anak pa ng boss ko ang nakakita saakin.

"Tanggaling mo na yung word na "miss" Halos magka edad lang naman tayo eh." then she smiled. Ang cute talaga. :)

"Ah sige po magtatrabaho nako."

It's monday kaya, kaunti lang ang mga costumer. Hay... di rin ako mapapagod. Nung matapos na yung trabaho nagmadali nakong umuwi ng bahay mukang uulan nanaman kasi. Sana lang wala na yung Collin na yun pag-uwi ko kung hindi tatawag na talaga ako ng pulis.

Pagdating ko sa bahay may nagbukas ng pinto para sakin.

o . o <-- ako

O _ O <-- siya.

"Oh AJ andyan kana pala. Bilis at pumasok ka may sasabihin ako sayo."

"Tita Jen. May problema po ba?" Oo nga pala si tita Jen ang may-ari nitong bahay na inuupahan ko.

"May importante lang sana akong sasabihin tungkol dito sa upa mo sa bahay."

"Po? Ano po ba yun? Nakahanap na po ba kayo ng magrerenta dito? Kailangan ko na po bang umalis?" Yung upa ko po dito eh temporary lang. Pag nakahanap na si tita ng uupa dito eh kailangan ko ng umalis dahil mababa lang naman ang binabayad ko dito.

"Sa katunayan AJ meron na.." Hindi ko na pinatapos si tita at nagsimula nakong lumakad papuntang kwarto ko.

"Si-sige tita iimpake napo ako. Salamat na lang po sa saglit na pagpapatira niyo sakin dito."

"Hija saglit lang."

Sinarhan ko na yung pinto ng kwarto at nag-umpisang mag impake. Matagal-tagal din akong tumira dito. Mga 3 months din, pero ganun talaga ang buhay. Nung matapos akong mag impake lumabas nako ng kwarto ko. Este ng kwarto di na kasi akin to eh.

Pagkababa ko ng hagdan nakita ko si tita na nakaupo pa rin sa sofa. Pero may kausap siya si... Si COLLIN. Anak ng pagong naman oh bakit andito pa rin tong tanga na toh. Agad din naman akong nakita ni tita.

"Hija, halika muna dito."

"Tita kilala mo po ba siya?" sabay tiro ko kay Collin.

"Ayun nga AJ, siya yung bagong makakasama mo dito sa bahay. Siya yung uupa dito."

"Po!? Siya yung uupa? Teka teka makakasama? Di ko po kailangang umalis?"

"Kakasabi nga lang diba?" sarcastic na sabi ni Collin.

"Oo AJ. Ang sabi niya kalahati ng upa dito sa bahay eh babayaran niya. Pati pagkain niyo sasagutin niya kaya naman pumayag ako. Alam ko namang nahihirapan kang magtrabaho para sa sarili mo."

"Pero tita sigarado ba kayong patitirahin niyo yan dito. Baka mamaya manyak o rapist yan. Naku naku mapapatay ko yan tita." bigla namang kumunot ang noo nung Collin si tita naman nagtaas ng kilay.

"Hindi naman ako rapist o manyak Mrs. Fortez. Di naman ako nanghuhubad ng tulog o kaya eh naninilip sa naliligo." Te-teka ako ba yung sinasabi niya?

"Hoy lalaki hinubaran lang naman kita dahil basa kana at nilalagnat pasalamat ka nga at binihisan kita eh."

"AJ. Hinubaran mo si Collin?" Sigurado akong iba na ang tumatakbo sa utak nitong si tita.

"Hay.. bahala nga kayo diyan." sabay walk out ko pabalik sa kwarto ko. Oo akin na ulit to diba. Nung paakyat nako narinig ko namang nagtawanan sila tita at Collin. Ah ewan magsama sila basta ako di ko na iiwan itong kwarto ko.

Living with my FoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon