Ctrl+Z

123 2 0
                                    

Author's Note: Heyyyyiiie. Sa mga classmates ko, if ever mabasa nyo 'to, fictional lang ito at walang kinalaman sa buhay ko or kung kaninong nilalang sa school. Kung sakaling tumugma sa story ng kung sino man na kakilala natin, coincidence lang 'yun..

Prologue 

(Girl Protagonist's POV, not the author's)

Hindi ako yung tipikal na babae sa mga kwento sa wattpad.

Ako 'yung tipong laging hindi naka-crush'an ng crush ko, kumbaga laging mouth wide open (NGA NGA). Hindi ako maganda, pero hindi ako panget. Hindi ako matalino, pero hindi ako bobo. Hindi ako mayaman, pero hindi ako mahirap. Hindi ako mabait, pero hindi ako masama. I'm an 'in between' type of girl. 

Ang tawag nila sa akin hopeless Romantic, bitter chu chu cheberr, whatever! Normal lang naman sa mga ka-age ko ang gustong magka-MU, magka-bf/gf kaso nalalandian lang talaga ako sa mga ganun.

By the way, ano ba kailangan kong isulat dito sa prologue? Dramatic ba dapat? 'Yung parang reflection ng story ko?? Ano ba dapat? Okay so ganito.

Though alam kong unique ang story ko, kahit papaano magiging cliché 'to. I'm not a professional writer but I just want to share my story. Pero I don't want to be a bad influence sa mga kabataan ngayon. Kasi karamihan dyan eh naka-baby bra pa lang...kumikiringking na! Well, alam kong kalandian type ang story na ito. Crush, obsession, love, pag-aagawan, pagiging kontrabida sa story na dapat ikaw ang bida. Iyan ang story ko. Very common, naging a+mazing lang dahil ako yung protagonist. \m/ *insert #vain here

Ah, and by the way, if you're expecting na maganda ang plot ng story ko, wag na kayong mag-expect. Kahit ako naiirita din ako sa kwento ko pero si God ang gumawa nito so I know he just want the best for me kaya nagkaganito. 

"Someday...may magmamahal din sa'yo." sabi sa akin ng best friend ko. Sana nga...

#Segue.

“You know you're in love when you can't fall asleep because reality is finally better than your dreams.” 

― Dr. Seuss

Pero I don't freakin' believe that quote. Alam mo 'yung feeling na sana forever ka na lang nasa panaginip mo kasi in reality, ang sakit...sakit...sakit magmahal.

Sana sa life pwede mong i-undo yung mga decisions mo pero hindi eh. Hindi naman 'yan parang computer na kapag pinindot mo 'yung Ctrl+Z eh ma-u-undo na lahat ng ginawa mo, lahat ng pagkakamali mo.

Pero hindi eh..So hanggang dito na lang muna. :)

A/N: Pasensya na sa maiksi at walang kwentang prologue. Busy ako eh huehue. I-r-revise ko 'toh pag may time. Ugggh

Ctrl+ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon