Chapter 2: Si Crush

22 0 0
                                    

"Bhest! Oo nga no?! Eh anong gagawin ko?" sagot ni marj na may halong kaba.

"alam ko na! Itago mo kaya ako sa ilalim ng lamesa?"

"Tange ka lang?! Pano kung magtagal siya dito? Ano yun? Gagapang ka makaalis lang dito? Magisip ka nga! " sagot ni marj.

"Eh wala ng ibang magagawa eh! Kea naman makita na ganito ako kumain? Nakakahiya diba?"

Bago pa man ako makapagtago eh nakarating na si Andrew sa amin. At ano?! Bakit ako natataranta ng ganito?? Simple lang naman... Yung lalaking parating at makikita ako na ganito ay si John Andrew Garcia! Oo crush ko siya mula grade four palang kami. Bakit sa dinamidami ng mga lalake sa sulok ng mundo siya pa?! Ano ba! Isa-isahin ko rason?

1. Hindi siya gaya ng ibang lalake dyan na mayabang!

2. Napaka GENTLEMAN.

3. Sobrang friendly

4. Matangkad

5. Cute

6. Matalino

7. Maputi

8. May sense kausap

9. Sobrang galing maglaro ng tennis!

At napakarami pang iba. Kung iisa-isahin ko lahat baka sa 2015 pa tayo matapos. Ang masakit lang, hindi niya alam yung nararamdaman ko para sa kanya. Kala niya pang friends lang talaga gusto ko. Hay... Sa bagay, ganyan naman lahat ng love story na narinig ko. Malay ko baka magkatotoo. Sana...

"Uy! Hi Wynona! Hi Marjorie!" sabi ni Andrew na may kasamang ngiti.

Ang ganda talaga niya magsmile.... hay.... NAKAKAINLOVE!!!!!!

"So, uhm... Kamusta naman?" sabi ni Andrew sabay upo sa tabi namin.

"Ah... Okay naman.. Hehe... Eto, di pa tayo hagard ngayon! First day ee." sabi ni Marj.

"Ah... Ikaw Wynona? Kamusta naman first day mo?" sabi ni Andrew.

"HAH?! Okay lang din... Masaya... Sobrang MASAYAAAAAAAA!!! Grabe! Whoo000OO!! Ang saya! Diba Marj?" sabi ko na uka naman talagang ewan!

"Mabuti naman kung ganun. Hmm... Okay lang ba kung tatabi ako dito a inyo kumain? Wala na kasi ng upuan eh. Okay lang?" sabi ni Andrew.

"Sure! Okay na Okay! Ikaw pa! Sige lang friend!" sabi ni Marj.

"Uhm... Marj may HW ata tayong gagawin at kailangan natin magconcentrate?" sabi ko sabay siko kay Marj.

"A W W ! ! ! Hindi yan! Ano ka ba... Keribumbum lang yun!" sagot ni Marj.

"Sure kayo? Muka kasing may iba kayong kasama? Nakakahiya naman sa kanila. Bagong friends niyo? Mga transfer students?" tanong ni Andrew.

"Ah... Mer......." sasabihin ko sana na meron nga pero sinapawan ako ni Marj. Pang-asar talaga eh! Yari sa akin to mamaya!

"Huh?! Wala ah! Pano mo naman nasabi yan? Wala kami ng ibang kasama dito." sapaw ni Marj.

"Eh kanino tong mga pakain na to??" tanong ulit ni Andrew.

"Y-yung m-mga p-pagkain n-na y-yan? Ah..... Hindi nga namin alam kung kanino yan eh! Pag-up namin dito nandyan na yan." sagot ko na paran patay malisya lang.

"EHEEEEEEM!!!!" arte ni marj.

"Grabe naman pala yung kumain dito bago kayo umupo ano?! Parang sabik lang kumain? Siguro yung kumain dito sobrang taba na ewan? Hahahaha! Pero loko lang." sabi ni Andrew.

"E H E E E E M ! ! ! whoo!" singit ni Marj.

"HAHA!! Oo nga eh! YUCK! Parang gutom na gutom lang! Sumabak ata sa gera?! Diba marj!?" sabi ko kay marj sabay apak sa paa nito.

"AWWWW!!!! tss!!" sigaw ni marj.

"Oh?! Bakit? Napano ka?!" tanong ni Andrew.

"Ah... Wala.... Hehe! May l-lamok... Oo lamok. Whoo! Grabe sakit kumagat! Uhm, maiba tayo. Ikaw kamusta first day mo? Bakit wala ka sa room namin? Ano ba section mo ngayon?" tanong ni marj.

"Oo nga eh. Di ko kayo kasecion. Late na kasi ako nakapagenroll kaya ayun... naiaba section ko." sagot ni Andrew.

"Kaya pala. Sayang naman. Akala ko pa naman magiging classmates tayo! Biruin mo tatabihan na agad kita nun! Top  nung grade 6?! Hahaha!" sabi ko na tinatago ang lungkot.

"Teka, 10:10 na! Tara na baka malate pa tayo sa next subject natin! 10:15 dapat nasa room na." sabi ni marj.

"Ah ganun ba? Sige una na kayo. Mamaya pa kong 10:30 eh. Iba pala schedule niyo sa akin. ngat kayo. Sagot lagi pag tinanong!" sabi ni Andrew.

Umalis na kami ni Marjorie at pumunta sa room namin. Naisip ko bigla, sayang naman na hindi namin siya classmate. Hay... Nakakainis naman oh... Ang bigat sa loob!

Natapos ang klase ng puro pagpapakilala lang ang nangari. At aaminin ko, MUKA TALAGA AKONG EWAN ngayong araw!

"Uy, bhest, napansin ko lang kanina ka pa tulala. Tama na drama pwede ba yun? Nalulungkot ako sayo ee!" sabi ni marjorie.

"Eh kasi naman!! Bakit ganun?? Iba section niya sa atin.... Pano na yun? Nakakainis lang." sabi ko sabay nguso.

"Section lang yan! Malungkot ka pag iba na school niya sa school mo. Diba? Hmm.... Mabuti pa magpunta nalang tayo sa 7eleven bago tayo umuwi! Alam ko naman icecream lang katapat ng lahat ng yan eh! Tama ako diba?! Madadaanan nadin naman natin yun bago umuwi. Tara..." sabi ni marj sabay hatak sa akin.

"Aray naman! Oo na po sige na... Tara na bago pa tayo malate ng uwi. Lagot nanaman tayo nito gaya nung grade 5 tayo! Hahaha!" sabi ko na kunwaring medyo ok na para di na malungkot si marj.

Nakarating na kami sa 7eleven at bumili ng ice cream.

"Sarap talaga ng chocolate ice cream! Walang makakatalo.. Diba bhest?" sabi ni marj.

"Tama! Ibang-iba nagagawa nito sa mood natin! Hahaha!" sabi ko na nagpapanggap parin.

One ice cream keeps the bad day away! Hahahaha!" patawa ni marj. "Teka, gusto mo bang pumunta muna sa karindirya namin? Papaalam kita kay tita. Palagay mo?" tanong ni marj.

"Hmm... Wag nalang muna siguro? Baka maubos ko tinda ninyo. Alalahanin mo gutom ako! Hahaha!" sagot ko na nagpapalusot. Pano naman kasi, ayoko muna talaga gumala o kung ano ngayon. Ayoko lang mag-alala pa si marj kaya kunwari masaya ako.

"May videoke na kaya kami! Pag ubos na tinda namin kumanta naman tayo ng kumanta! Diba? Masaya yun bhest!" pilit ni marj sa akin.

"Hmmm... Subukan ko. Uuwi muna ko tapos text nalang kita pag nasa mood ako. Mahirap na baka bumagyo pa. Hahaha! May pasok pa tayo bukas!" pabirong sagot ko.

"Sige na nga! Pero sasabihin ko parin kay mama para kung kulang pagkain magluluto pa siya. Sige ka magtatampo yun pag di ka pumunta!" sabi ni marj.

Hay... Ramdam ni marj na malungkot talaga ko. Alam ko ramdam niya. Ilang taon ba naman na kami magkasama at hindi naghihiwalay eh! Pero ayoko talaga ee. Gusto ko lang muna mag-isa.  Kaya hindi nalang ako sumagot ulit para maputol na pag-uusap. Lalo lang ako kukulitin ni marj. Tss.... Bakit ba kasi ganito nararamdaman ko? Crush parin ba to o mahal ko na?

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon