"OMG SHET!! MAY CONSERT DITO SI *INSERT BIAS NAME HERE* JUSKO WALA PA KONG PERA!"
"JONGINUH PAPANO TO GOODBYE BIAS NA BA?!"
"SELLING MY ORGANS CONTACT ME IF INTERESTED!!"
Yan ang karaniwang linya ng isang hardcore fangirl pag may paparating na concert ang bias nya. At ang major problema dito ay wala kang pera! Hindi naman pwede yung palalagpasin mo yung concert ni bias dahil bilang isang intl fan na nakatira sa Pilipinas na invisible sa mata ni Lee Soo Man, minsan lang dumadating ang ganitong mga pagkakataon.
Kaya nandito ang iilang tips para makaipon ng pera (may ibang seryoso pero yung iba pangkatatawanan lamang) na sana makatulong sa isang fangirl na may naghihinalong pitaka na katulad mo.
1. MAG-HUNGER STRIKE: Ito ang pinakamabisa pero pinakamahirap na magagawa mong paraan. Mahal na ang pagkaen sa panahon ngayon. Pero alam naman nating lahat na mahirap hindian ang pagkaen lalo na pag paborito mo. Pero kung determinado ka talagang makita si bias, gagawin mo ang paraang ito.
2. BRING BIAS' PICTUER WITH YOU: Malaki ang maitutulong neto sa tip#1. Dahil sa oras na takam na takam ka nang bumili ng pagkain, kunin mo ang picture ni bias (Note: Siguraduhing sizzling hot ang picture ni bias. Mas maganda kung topless at kita ang 6 pack abs) at titigan yun. Isipin mong nagiipon ka para makita sya ng personal at para makita sa malapitan ang abs nya.
3. AS LONG AS POSSIBLE, STAY AT HOME: Kailangan ito para makaiwas ka sa pagbili ng kung ano-ano sa labas. TANDAAN: Nasa labas ang mga tindahan ng masasarap na pagkain at magagandang damit! Mapanganib na makita mo yun baka mapilitan ka pang bumili.
4. MAGPALINAW NG MATA: Tumingin ng mabuti sa paligid! Lumingon-lingon at higit sa lahat tumingin sa sa dinadaanan mo! Aba! Madaming tatanga-tangang tao ang nakakahulog ng pera nila! Pag may nakita ka miski piso man yan, kunin na agad! Every piso counts.
5. SAY GOODBYE TO KPOP MERCH: Ibenta mo na ang mga kpop merch mo! Mas mahalaga ang concert! Aba! Personal mong makikita ang bias mo! WALA NANG COMPUTER SCREEN NA MAGHAHARANG SA MUNDO NYO! Kung mananatili kang masaya sa mga kpop merch mo walang mangyayare sa buhay mo! (Note: Pero kung ang kpop merch mo ay SIGNED, wag mong ibenta yan. Kasing kahalaga yan ng concert! Kaya alagaan ang mga signed kpop merch)
6. WAG MANGUGUTANG: Napakahalaga nito! Wala ka na ngang pera, mangungutang ka pa! Pano kung nakaipon ka na ng sapat na pera pambili ng VIP ticket mo? Tapos siningil ka nug inutangan mo? Kamusta ang VIP ticket mo? Babussh! Bye bias din ang drama mo! Mas maganda yung pagipunan ang pambili mo para walang sisira ng plano mo!
7. HUNTINGIN ANG MAY UTANG SAYO: Aba, it's your time to shine na! Habulin lahat ng may utang sayo! Singilin! At wag tatantanan hanggat' di nag babayad! Aba! Mahalaga ang pera! Di yan ipinamimigay! ipamukha mo sa kanila na di ka tumatae ng pera para palagpasin ang utang nila!
8. NAKAWAN ANG SM (ANY BRANCH WOULD DO): Mainam na paraan din ito. Sino ba ang organizer ng kpop concert na pupuntahan mo? Diba't si HAPPEE SY? Kaninong anak ba si Happee Sy? Diba kay HENRY SY? Kanino mo ibabayad yung perang ninakaw mo sa SM? Diba kay Happee Sy din naman? So anong masama? Wala namang mawawala sa kanila? Nakapanuod ka na ng concert ng bias mo, bumalik pa ang pera nila!
9. MAGING MABUTING BATA: Dapat lang na magpa-good shot ka sa magulang mo. Tandaan: Sila pa din ang mainsource ng pera mo! Kung magiging mabuting bata ka, magugulat ka nalang sila pa ang magaalok sa yo na bibilhin nila ang concert ticket mo!
10. MAG-TRABAHO: Magbihis pulubi ka, maglakad-lakad sa kalye at mamalimos. Siguraduhin mong nakakaawa ang itsura mo para bigyan ka nila ng malaking halaga! O kaya naman, pwede kang mangolekta ng dyaryo bote lata o kung ano pa man na pwedeng ibenta sa junkshop. O kaya mag-tayo ka sa shoe shine shop sa gilid ng kalsada. Kung may alam kang mas mainam na trabaho, GORA! Ang mahalaga may pera!
11. KAIBIGAN: Kunin ang bag ng kaibigan. Sabihin na ikaw ang magbubuhat ng bag nya pero may bayad, 10 per hour. Kung tumanggi sabihin na kailangan nyang magbayad ng 100php para sa declining option. O kung di naman, pag tamad ang kaibigan mo, alukin sya na ikaw na ang gagawa ng assignment nya pero may bayad.
12. WAG MUNANG MAGPALOAD: Sayang lang ang load! Wala ka namang ka-text! Eh kung indinadagdag mo nalang yan sa ipon mo? May Twitter at FB naman! At cellphone ng isang fangirl ay madalas na walang load. Ginagamit lang yan for spazzing purposes.
13. MAGBENTA NG LAMANG LOOB: Effective to! Talamak ngayon ang bentahan ng kidneys, heart, stomach o kung ano mang lamang loob yan. Aba! Sa mahal ng halaga ng mga yan, di lang concert ticket ang mabibili mo! Pati kpop merch at albums!
14. TUMAYA SA LOTTO: Isa ito sa pinakadesperadong paraan. Sa dinami dami ng tao sa pilipinas na tumataya sa lotto, maliit ang chance mo. PERO! Sulit naman pag nanalo ka! Aba! Milyon milyon yun! Di lang kpop needs ang masasagot nyan pati na rin ang buong buhay mo! (Pepito Manaloto inspired haha lol) Note: Sa LOTTO lang kita pinatataya. Hindi sa jueteng o kung ano pa man XD Lotto lang ang legal na sugal sa pinas baka pag hinuli ka ako ang sisihin mo hahaha XD)
15. PALAGING MAG-ONLINE: Bantayan ng maigi ang twitter accounts nina HAPEE SY, SMENT, SM MALLS at OFFICIAL EXO FAN BASES! Aba malay mo magpa-giveaway ng VIP TICKET o kaya naman BACKSTAGE PASS! Aba! Don't miss the chance! Sumali ka ng sumali hanggang merong pagive-away! Try and try until you succeed!!
At ayan nga ang ilan sa mga tips na makakatulong sa isang fangirl na tulad mo para makapagipon ng pera pambili ng concert ticket. Ayun laman at babuuuuussssh *Hides*
-ADA~ <3