Pssstt .. tapos ka na ba makipa-text sa crush mo? Anong oras na ba? Baka pwede tignan mo 'yung orasan niyo.
Hala! 12:30 am pasado na. Nag good night na si Crush kaya malamang tulog na 'yun.
Mag isa ka lang ba?
O may kasama ka?
may kasama ka nga ngunit pikit na ang mata at tulog na ang diwa.
OOPPPSS ... ang dilim ng kwarto niyo ah.
Tanging liwanag na dilaw na bumbilya ng Lamp Shades ang nagbibigay ilaw sa kabuuan ng kwarto niyo.
Papatayin mo na ba yung Lamp Shades?
Baka pwede sumulyap ka muna sa bintana niyo. Ayun oh bukas!
May nakita ka ba?
Yung KAPRENG nakadungaw sa'yo. Kanina pa 'yan. Pansinin mo naman atbaka dalhin ka niya sa MUNDO nila.
Kung ayaw mo, 'dun na lang sa BATANG DUGUAN ANG MUKHA na may dalang kutsilyo papunta sa kapatid mo. Ayan lang siya oh, kamustahin mo naman at baka magtampo yan. Kawawa naman kapatid mo bahala ka!
OH BAKIT! Hindi mo na papatayin 'yung Lamp Shades? Hihiga ka na!? Tingin ka naman sa uluhan mo, andun kasi 'yung LALAKING PUTOK ANG MATA at PUNIT ANG MGA BALAT SA MUKHA. Ingat ka baka matuluan ka ng dugo galing sa ilong niya.
Huwag ka na tumili.
Ano pang dahilan ng pagtatakip ng kumot kung 'yung CHANAK ay pilit na pumapatong sa katawan mo! Huwag mo siya paalisin kundi tatalon yan sa mukha mo.
Ingat sa pagkalabit sa katabi mo, baka magkamali ka. Eh yung makalabit mo, 'yung MATANDANG LUMULUHA NG DUGO at SABOG ANG MGA LABI.
Tignan mo yung pintuan, parang may sumisilip na WHITE LADY 'dun.
WOW! ang swerte mo naman! Tingin ka sa harapan mo! NGAYON NA! Itigil mo ang pagbabasa nito!! Dumalaw 'yung matinik na DEMONIYO sa bahay niyo. TINGIN KA SA MATA NIYA. NANLILISIK SA SOBRANG GALIT!!!
Huwag ka na daw matulog dahil at dadalhin ka niya sa IMPYERNO!!!!!!!!!!
GOODNITE BA?
BINABASA MO ANG
Good Nite Ba?
HorrorAng kwentong ito ay magbibigay sayo ng mgandang alaala bago ka matulog. Try mo :)