Uunahan na kita . .
Wag ka mag expect nang mala fairytale na love story.Kathang isip lang yan naku ..
Pero sa isang banda naniniwala pa din ako diyan. Ganun naman talaga siguro kapag bookworm ka diba?
Yung gusto mo kung ano nababasa mo sa mga romance stories ayun din mararanasan mo sa buhay mo.
Naranasan ko naman maging prinsesa ..
Hindi naman literal..
Yung tipong ipaparamdam sayo kung gaano ka kahalaga.
Nakilala ko yung taong unang nagparamdam sakin nang salitang special
Kaklase ko siya nung highschool. Isa siya sa pinaka mayabang kong kaklase pero bakit ganun ..
Hindi mo talaga matuturuan ang puso mo kung sino ang dapat mahalin.
Hindi naman kami super close eh pero naging magkatextmate kami.
Friends lang kumbaga
In turned out na ako ang hiningian niya nang tulong para ligawan ang bestfriend ko. At first syempre maghehesitate ako pero naramdaman ko naman sincerity niya. Kaya naman tinulungan ko siya. Siguro kaya niya hiningi ang tulong ko dahil nga maganda ang bestfriend ko at head turner talaga. Ang dami nga nanliligaw dun eh. Pero siya ang may lakas nang loob na lumapit sakin.
Paano kasi dahil magkaklase kami. Pinilit ko naman bestfriend ko sa kanya pero may iba na pala itong gusto. At nalaman ko na lang na may boyfriend na din.
Nasaktan siya . . .
Ako ang nandun nung nasaktan siya dahil ako naman ang hiningian niya nang tulong diba?
Mas lalo kaming naging close dahil dun ..
Dahil ako ang nandyan nung oras na feeling niya pinagsakluban siya nang langit at lupa.
Niligawan niya ko ..
Nalaman nang bestfriend ko yun at masaya siya para sa akin.
Siya kasi ang unang nakapansin sa akin. Pero naisip ko baka naman panakip butas lang ako?
Yung ako ang naging option niya nung hindi siya nagtagumpay sa bestfriend ko.
Pero anong magagawa ko?
Nahulog na ko eh ..
Mahilig siya gumawa ng tula kaya naman everytime na klase namin sa Filipino palaging para sakin ang tula niya . Isa sa mga tulang ginawa niya ang title ay Prinsesa ayun na din kasi ang naging tawag niya sakin sa tex . Callsign namin ay prinsepe at prinsesa.
Ang corny nga eh? Pero kapag pala nasa ganung sitwasyon kana puro kilig na lang mararamdaman mo.Hanggang sa nalaman nang mga teachers namin na nililigawan niya ko dahil kada activity ay parang patungkol sakin lagi ang ginagawa niya. Syempre sobra kong naapreciate yun.
Isang araw nagpunta siya sa bahay namin. Bumabagyo nga nun pero di nag paawat. Tinex niya ko nun
" Prinsesa labas ka andito ako "
Syempre lumabas ako nang bahay kahit malakas ang ulan nun nag effort siya na puntahan ako.
Nakita ko siya may dalang teddy bear.
Syempre napangiti ako hindi mo maiaalis sakin ang makaramdam ng kilig. Tinanong niya ko.
" Prinsesa pwede ba kitang maging girlfriend? "
Tinitigan ko lang siya nun. Kasabay nang malakas na ulan ang malakas na tibok ng puso ko.
" Prinsesa? " pagtawag niya pa sakin.
Napangiti ako nang malawak at sumagot ng
" yes .. "
" Talaga? "
" Oo "
Niyakap niya ko nang mahigpit at halata ko ang sobrang saya niya.
Masaya ang relasyon namin. Palagi magkausap sa cp tuwing gabi at magkatextmate. Sa school naman alam na din nila lahat nga sila nag Congrats pati na din ang mga teacher namin.
Isang araw nung pauwi na kami nang bestfriend ko nagtanong siya sakin.
"Bes bat di ka hinahatid ni Rick?"
Natigilan ako dun.
Oo nga . Boyfriend ko siya pero ni isang beses hindi niya ko hinatid kahit nung nililigawan pa lang niya ko. Lagi niya kasi kasabay ang barkada niya sa paguwi kaya hinahayaan ko lang. Para sakin di naman big deal yun.
Hinayaan ko na lang ang bagay na yun. Pinaliwanag ko sa bestfriend ko na naintindihan kita. Hanggang sa ngdaan pa ang mga araw nawala na yung pagiging sweet niya sakin. Minsan na lang din siya magtex.
Nagpakatanga ako.
Pilit kong inintindi baka busy lang siya sabi ko sa sarili ko. Pero bakit ganun? Girlfriend niya ko diba? Bakit pakiramdam ko isa na lang akong stranger sa buhay niya na para bang di ako part ng pagkatao niya.
Nagkaroon ng event sa school namin. Buwan ng wika yun eh. At kasama siya sa Sabayang Pagbigkas kalaban ng school namin ang iba pang mga highschool student na nanggaling sa ibat ibang lugar sa Caloocan.
Nasa bleachers ako nun masaya akong pinapanood siya sa malayo , bawat galaw niya ultimo mo pagkurap ng mata at pagngiti ay pansin na pansin ko. Natapos silang magperform nang mga kaklase namin. Ang galing galing nga nila eh. Proud ako sa kanya.
Gusto ko nga siyang lapitan nun para purihin siya at punasan yung pawis niya. Pero natigilan ako.
Lumapit siya sa isang babae.
Naalarma ako nun. Kahit pa parang kaibigan niya lang yun. Pero habang nakatitig ako sa kanila parang unti unting nadudurog ang puso ko.
The way he smiles..
The way he stared at her..
Hindi ko nakita na naging ganun siya sakin. Sobrang bigat nang pakiramdam ko nung araw na yun. Ramdam ko naman na cold na siya sakin di katulad nang dati kaya naglakas na ko nang loob na tanungin siya kung anong nangyayare sa amin. Kung anong problema. May nagawa ba kong kasalanan sa kanya?
Alam mo ba ang dahilan niya?
"Hindi pa ko handa"
Ayan ang main thought nang mahabang dialouge niya sakin. Asan na yung pangako niya na ako lang ang Prinsesa nang buhay niya? Na ako lang yung aalagaan niya at mamahalin niya? Nung gabi ding yun natapos ang lahat. Pakiramdam ko iniwan ako sa ere. Pakiramdam ko pampalipas oras lang ako. Pakiramdam ko ako napaglaruan ako.
Sabi niya yung babae na yun kaibigan niya lang daw pero alam mo mas masakit? After a week nalaman ko sa kabarkada niya na ayun na ang bago niyang girlfriend.
Ganun ba ko katanga? Pinakita at pinaramdam ko pa nga sa kanya na hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Ni hindi ako makakain dahil sa sobrang depressed ko pero wala na talga.
Hindi na niya ko mahal
Hindi na siya mag aalala kahit pa hindi na ko kumaen
Wala na siyang pakialam kahit pa umiyak man ako nang ilang araw
Hindi siya mag aabala na maglambing
Hindi na siya mag aabala na tumawag sakin gabi gabi
Dahil iba na ang Mahal niya. Iba na ang nagpapasaya sa kanya.
I'm once his Princess..
My prince turn away.. leave me hanging and dying inside.
End.
