GENES for HIRE
by...emzalbino
Chapter 6...Parang kaybigat ng dibdib ni Czarinna nang makita nito sa ganoong sitwasyon si Elly. Gusto naman sana niyang pagbigyan ang hiling ng binata ngunit buo na ang kanyang pasya at may pngamba siyang nararamdaman sa kanyang dibdib.
"I'm so sorry Elly pero hindi ko magagawang pagbigyan ang gusto mo. I know your a good man pero hindi pa kita kilala ng lubusan. Madali kang mahalin at makagaanan ng loob pero ayaw kong manatili ng matagal sa tabi mo dahil baka tuluyang mahulog ang loob ko saiyo at muli na naman akong lumuha. Naka moved on na ako sa unang pagkabigo, naghilom na ang sugat sa puso ko pero ang takot ay nananatiling nandito. Takot na baka muli ko na namang maramdaman ang pagluha, takot na baka muli na naman akong iiwan ng lalaking mamahalin ko at takot na baka luluha na naman akong muli lalo pa at ikaw ang ama ng anak ko. Kung sakali man ay mas masakit ang mararamdaman kong pagkabigo kesa sa una" ani Czarinna sa sarili saka muli na niyang pinatakbo ang kanyang kotse at tumuloy sa bahay ni Lovely.
Gulat na gulat si Lovely ng makita nito na namumugto ang mga mata ni Czarinna kaya agad niyang pinapasok ang kaibigan upang makapag usap sila ng masinsinan.
"Hoy bruha! Ano ba ang nangyari at mugtong mugto ang mga mata mo?" alalang tanong ni Lovely habang nakatitig sa kaibigan.
"Nagkausap na kami at naibigay ko na ang bayad ko sa kanya" kapagkuwa'y sagot ni Czarinna na parang nangingilid ang kanyang mata.
"Eh bakit namaga ang mga mata mo, umiyak kaba?" muling tanong ni Lovely dahil nag aalala siya oara sa kaibigan.
"Biglang nagbago si Elly! He asked me to stay here first hanggang makapanganak daw ako o kaya ay kahit ilang buwan daw para naman makita niya ang tiyan ko o ang bata na lumaki sa tiyan ko" sagot ni Czarinna.
"Then, anong sabi mo?"
"I refused him dahil ayaw kong tumagal pa dito, gusto ko ng umalis as soon as possible!"
"Bakit ka umiyak kung ganoon?" hindi mapigilan ni Lovely ang tanungin si Czarinna dahil naguguluhan siya sa nakikita sa kaibigan.
"Dahil sa kanyang sinabi na ilang pagtulog na daw niyang napapanaginipan na may batang tumatawag sa kanya ng daddy" salaysay ni Czarinna.
"What! Do you mean na parang nagpapahiwatig kay Elly ang ipinagbubuntis mo?!" parang pinangilabutan si Lovely sa narinig nito mula kay Czarinna.
"Ewan ko kung totoo ang sinabi niya but umiyak siya eh! Lumuhod pa siya sa harap ko at niyakap niya ang aking tiyan and he kissed my tummy for many times. Then he says that someday ay magkikita silang ng baby and he promised to my baby na ito daw ang unang baby na kakargahin niya or mayayakap niya. He also says that he will find my baby in the right time" tuluyan ng nalaglag ang mga luha ni Czarinna. Ewan ba niya bakit ganoon ang epekto sa kanya ng mga salita ni Elly, iyon bang parang tumatama sa kanyang puso.
"Nakakaawa naman pala iyong tao! Ano naman ang sinabi mo sa mga sinabi niya?" naluluha naring tanong ni Lovely.
"Nag sorry nalang ako sa kanya at iniwan ko nalang siya doon dahil hindi ko kayang tingnan siya ng matagal sa ganoong sitwasyon" sagot ni Czarinna.
"Is he take the money?" hindi matigil sa katatanong si Lovely dahil gusto niyang alamin kung ano ang dahilan ng pagkakaganon ng kanyang kaibigan.
"Nope! But I insist it at iniwan ko nalang doon. He said that, it seems like he selling the baby if he will take the money" muling sagot ni Czarinna na napatango naman si Lovely.
"Biglang nagbago si Elly na hindi ko alam ang dahilan niya! I don't know why kung bakit niya kailangang gawin iyon eh maliwanag naman ang usapan namin!" may hinanakit na wika ni Czarinna na noon ay napahagulgol dahil hindi maalis sa isip niya ang hitsura ni Elly, ang pagmamakaawa nito sa kanya at higit sa lahat ang sinabi nito sa kanya na I MISS YOU na hindi na niya sinabi pa kay Lovely dahil tiyak na tatangunin siya ng kaibigan at u ungkatin niya ang lahat.