ANG HULING LUHA NI JUDAS

12 0 0
                                    

Sino ba sa atin ang hindi pa nakakakilala Kay Judas?

Meron pa ba?

Kung meron pa, ipapaliwanag ko sa inyo kung sino ba si Judas.

Si Judas, siya yung kapitbahay namin na hindi marunong magpatulog sa Gabi! Ang ingay ingay! Kaya tawag sa kanya ng nanay ko e "JUDAS!"

Siya rin yung palaging bida sa mga jeep.
"God knows JUDAS not pay!"

O diba?! Sino pa bang hindi makakakilala dyang Kay Judas?

E ang pinagtataka ko lang, bakit ata nagkalat sila?

Minsan kasi habang bumibili ako sa tindahan ni aling sharon e narinig ko lang naman, hindi naman ako chismoso, medyo medyo lang naman. Ang dalawang mag Ina na akala mo'y extension ng bahay nila ang kalsada. Sabi ba naman ng Ina, "Ikaw na bata ka! Kelan ka ba magtitino? Sabi ko hugasan mo ang pinagkainan! E ano to? Naglalaro ka na naman! Jusme! JUDAS ka talagang bata ka!" O kitams? Isipin mo yun? Pati pala babae pwedeng pangalanang Judas! Pero teka? Jasmine ang pangalan nun e, ang layo naman sa Judas, pero ano bang magagawa ko, bumibili lang naman ako ng candy Kay aling Sharon, alangan namang pabago ko pa ang palayaw ng batang babae. Judas na kung judas. Wag ng baguhin.

Pero kung meron pa sa inyong hindi nakakakilala Kay Judas, tingin ko dapat din kayong lumabas ng bahay, o di kaya'y manood ng balita sa telebisyon ng makilala nyo si Judas.

Di ko alam kung kumpare ng tatay ko yun, pero pag nababalita na ang mga politikong kinasuhan dahil sa pangungurakot, e otomatikong bumubukas ang bibig na tatay ko saka sasabihing "Makulong sana kayo sa bilangguan! Mga Judas!"

Huwag kayong mag alala, minsan nalilito din ako kung sino ba talaga yang si Judas na yan. Pano ba naman, sandamakmak na ata binigyan ng mga magulang nila ng pangalang judas. Minsan na rin akong tinawag ng nanay ko ng ganyan, si judas daw ako. Tinanong ko sya, "Nay! Yun hu ba palayaw ko?" Nagtatanong lang naman ako, di ko alam bat ako binatukan.

Pero hayaan nyo. Makikilala nyo rin yang si Judas. Katunayan nga, target ko sya e.

Ako kasi mismo, nagtataka. Ang daming magandang pangalan diyan, bakit judas pa ang pinangalan sa kanya? Siguro hindi nagbabayad sa jeep nanay nya nung pinagbubuntis sya? Siguro nga!

Pero aba! Sikat sya, masyadong gamit na ang pangalan nya.

Judas!

Sino ka ba talaga? Ang gulo ng Mundo! Hahaha.

Naalala ko, pahabol bago ako matulog. Gabi na kasi e. Kasintahan siguro noon ni lady gaga yang judas na yan. Akalain mo't naging bida pa sa isang kanta nya e.

Makita ko lang talaga yang judas na yan. Nako sya sakin! Akala nya ah!

Papapicture ako sa kanya. Naging kasintahan ni lady gaga e. Malay mo close pa sila, pakita nya picture namin baka sakaling magwapuhan si lady gaga sakin kunin pa Kong artista sa Hollywood! Teka! Singer si lady gaga diba?

Bahala na nga

Ang Huling Luha Ni JUDASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon