Napamura si Corvan. Ganoon din ako. Bakit may leon dito? Naligaw ba ito? O may nag-aalaga nito rito?
Mabagal ang lakad nito habang palapit sa amin. Medyo nakababa ang ulo at matalim ang tingin sa amin. Malaki ito. Kayang-kaya kaming lapain na dalawa!
"Don't panic, Daphne. Stay calm," sabi ni Corvan habang umaatras.
Nanigas naman ako ng kinauupuan ko. Dahan-dahan ang pagsampa ni Corvan sa kabayo. Sa unahan ko siya umupo ngayon. Umusod ako habang hindi inaalis ang paningin ko roon sa leon. Mabagal pa rin ang lakad nito.
Mahinang napaungol si Odin. Nararamdaman din niya ang panganib. Hinaplos ko siya. Hindi naman siya tumatakbo kahit halata na ang takot sa kanya. He's really a well-trained horse.
Noong nakasakay na si Corvan, malakas siyang pumalakpak at nagsalita. Medyo natigilan iyong leon.
Ginamit ni Corvan ang pagkakataon na iyon para hilahin ang tali ni Odin. Paatras na naglakad si Odin mula palabas nitong kagubatan. Mabuti na lang talaga at malapit lang kami sa bukana.
"Patakbuhin mo na si Odin palabas!" sabi ko kay Corvan.
The lion growled when they heard my voice. Nanigas ulit ako sa kinauupuan.
"No. We cannot suddenly turn our back. It will attack us," sabi ni Corvan at malakas ulit na sumigaw habang pumapalakpak.
Patuloy kami sa pag-atras. Ganoon pa rin iyong leon. Mabagal ang lakad habang hindi inaalis ang tingin sa amin.
"Put your arms around my waist, Daphne," sabi ni Corvan na sinunod ko agad.
Noong nakalabas na kami ng kagubatan, mabilis na tinabig ni Corvan si Odin paharap at mabilis na pinatakbo. Napatalon ang puso ko noong marinig ko ang malakas na angil noong leon. Sinilip ko ito at nakitang hinahabol kami!
"Hinahabol tayo, Corvan!" malakas kong sinabi.
"Hold onto me tightly."
Yumakap na ako sa kanya. Mas mabilis niyang pinatakbo si Odin. Naririnig ko pa rin iyong yabag ng leon at pag-angil nito.
"Bilis! Bilis, Corvan!" sabi ko.
Nasulyapan ko ang seryosong mukha ni Corvan. Medyo tensyonado rin siya, ramdam ko sa pagkakayakap ko sa kanya. Namamangha akong hindi niya pa ako sinisigawan ngayon dahil sa pagtataranta ko.
Sinilip ko iyong leon. Hinahabol pa rin kami pero malayo na ang agwat nito sa amin. Hindi ko alam kung mabilis lang talaga si Odin o bumagal iyong takbo ng leon.
"Hinahabol pa rin tayo!" natatawa kong sinabi.
Hindi ko alam kung bakit ako biglang natawa. Nawala na iyong pangamba ko kanina.
Nilingon ko ulit iyong leon at nakitang huminto na ito. Nakatayo na lang habang pinapanood kami.
"Hindi na tayo hinahabol," sabi ko.
Medyo bumagal ang takbo ni Odin pero mabilis pa rin ito. Niluwagan ko ang yakap kay Corvan. Tinignan ko ulit iyong leon at nakitang wala na ito roon sa pwesto niya. Bumalik na ata sa loob ng kagubatan.
Hindi ako makapaniwalang may leon doon. Nakakawala ba iyon? O may nagmamay-ari roon? Pero sino ang mag-aalaga ng isang leon?!
"That lion must've escaped from somewhere. Wala naman iyan noon diyan," sabi ni Corvan.
"Natakot ka ba?" tumatawang tanong ko kay Corvan.
Kahit mapanganib iyong nangyari, hindi ko pa rin maiwasan tumawa nang tumawa. Ito na ata ang kauna-unahang beses na tumawa ako ng sobra.
BINABASA MO ANG
Beyond The Darkness (Levrés Series #5)
General FictionBata pa lang si Claudia Daphne Alejo ay marami na siyang hirap na naranasan. Paghihirap sa magulang, paghihirap sa ibang tao, at paghihirap para sa sarili. Daig pa niya ang bulag dahil puro kadiliman na lang ang nakikita niya. Pero lahat ng paghihir...