December 18, 2015
9:25 AM
Last week sa facebook ko, binabasa ko ang mga last conversation ng mga friends ko. Nakakawala ng stress ang messages, may nakakatawa, weird conversation, at yung iba parang ewan lang, gaya nito..
Her: psssstt
Me: Kkkkkkkkkkcccccccccc!
Her: Muyyyyaaahhhhtt!
Me: Hahahahaha wai klaci teh ?
Her: Wala man..hahaha
Me: Unya unsai balita dha ? :
Her: Okay rmann tee.....wa nman ka paramdam oieee
Me: haahahaahah
Her: hahahahha
Me: (smiley face)
Parang ewan lang mga pinag-uusapan pero nagkakaintindihan parin. Isa yan sa mga close friend ko, bukod sa roommate ko siya sa loob ng dalawang taon, classmate ko rin siya noon sa mga minor subjects ko, kasama sa mga kalokohan, kausap tungkol sa CRUSH topics, at ka-vibes sa food trip.
Pero hindi para sa kanya ang chapter nato. (love you kiccie).
Para to sa isang kaibigan na naiwanan ko noon kagaya ng iba.
Mae Ann,
Kumusta kana?
Ang tagal na rin simula noong araw na yun, katulad nila 11 years na rin noong biglaang pag-alis ko. Hindi ko pa rin kayo makalimutan kaya hinanap kita, at dahil improve na tayo ngayon ay madali kitang nakita through FACEBOOK. Ang tagal na pero cute ka parin parang noon lang. Ini-add friend kita and good thing you still remember an old friend like me. Nagkumustahan tayo sa chat, tinanong mo kung may lovelife na ako syempre wala. Tumawa ka kasi akala mo strict parin si mama, at masaya ako kasi masaya ka sa buhay mo, may boyfriend kana, may trabaho at parang kontento kana sa buhay mo.
Tinanong kita tungkol sa kanila... sabi mo okey lang sila
Tinanong kita tungkol kay Princess... pero hindi kayo close.
Tinanong kita tungkol sa Kanya...
pero sabi mo wala na sila dyan.
Nakakalungkot naman, sayang hindi mo alam kung nasaan sila. Pero okey lang hindi mo naman siguro alam ang nangyari noon.
Kaya gusto kong balikan yung mga nakaraan, kung saan masaya tayo, walang problema iniisip, laro lang ng laro. Kung kailan mga sugat lang natin sa tuhod ang problema natin. Gusto kong balikan ang lahat noong nagpakilala ka sa akin.
16 years ago
Bagong lipat kami noon, natatandaan ko pa gabi kami lumipat, kaya walang masyadong taong nakakita. Maliit lang yun apartment pero okey ang kasi apat lang naman kami sa pamilya.Kinaumagahan, siyempre bata pa tayo kaya lumabas ako para makipaglaro, pero hanggang gate lang ako kasi nakalimutan ko na wala nga pala akong kaibigan dahil bago lang kami. Nasa gate lang ako noon nakatanaw sa inyo habang kayo nagtatakbuhan at naglalaro.
BINABASA MO ANG
Sudden Memories
Kurgu OlmayanSa mga taong nakilala ko noon... Sa mga taong naging kaibigan at nagbigay ng kulay sa buhay ko... Sa mga taong naging kontrabida ng storya ko... Sa mga taong hindi ako iniwan noong mga panahong iyon... Sa mga taong naging parte ng buhay ko... Sa tao...