Chapter one
Home sweet home. Iyun ang nasa isip niya habang pababa sa eroplano.
Anim na taon na rin kasi ang nakakalipas mula noong umalis siya. Sixteen lamang siya noon,at katatapos lang ng high school graduation niya.Kahit papaano ay nakapagmartsa naman siya and delivered her valedictory address.
Her father was the town's vice mayor, and along the way,he made some enemies.Masyado kasi itong straight,black and white,and no shades of gray when it comes to politics.Kaya marahil para bigyan ito ng leksiyon,siya,ang napagdiskitahan ng mga kaaway nito.Tinangka siyang kidnapin,mabuti na lamang at amateur ang kidnapper niya o baka gusto lang siyang takutin,dahil nagawa niyang matakasan ito.Hanggang ngayon,unsolved pa rin ang kasong iyun,dahil kahit may suspect ang kanyang ama at ang mga imbestigador,wala naman silang matibay na ebidensiya,lalo't nakatakas din ang kidnapper.
Nang araw ding iyun ay inuluwas siya ng kanyang ama sa Maynila,at doon inayos kaagad nito ang kanyang mga papeles para makaalis na siya ng bansa.Nag-iisa siyang anak,at naiintindihan kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan nitong mailayo siya.Her mother died six years before that,and according to him,hindi na nito kakayanin pa kung pati siya ay mawawala.Mas kakayanin pa raw nito na magkalayo sila,basta't nasisigurong ligtas siya.At upang hindi na ito masyadong mag-alala,naging sunod-sunuran na lamang siya.
Isang taon din siyang nakipisan muna sa isang kamag-anak,bago kinausap ang ama na sa isang apartment malapit sa campus na siya titira.Noong una ay tutol ang kanyang ama,ngunit nang malaman nito na ang kanyang makaka-share sa flat ay anak ng isang taga-doon din sa kanilang bayan,napanatag na ang loob nito.
Kung sa bahay nila dati ay senyorita siya,doon ay natuto siya sa mga gawaing bahay.Doon ay naranasan din niyang namasukan bilang waitress at babysitter,tuwing weekends at school breaks .Iniipon niya ang mga iyun,dahil gusto niyang magbakasyon sa Pilipinas,at para hindi na siya humingi sa kanyang daddy ng pamasahe,ngunit matigas ang pasya ng kanyang ama.She could have defied her father's wishes when she turned eighteen,ngunit mas naging abala na siya sa kanyang pag-aaral.Imbes ay nagbibiyahe dalawang beses sa isang taon ang kanyang ama para magkasama sila.Ngunit wala nang nagawa ito noong maka-graduate siya,and that was two weeks ago.Pero may mga kondinsyunes ito upang payagan siya.Na bakasyon lamang ang pag-uwi niya at hindi for good,at kailangan may bodyguards siyang kasama,dahil natatakot pa rin ito na may magtangka na namang kidnapin siya.
Maliit lamang ang Gabu International Airport,kaya madali niyang nakuha ang kanyang mga bagahe,at madali din niyang namataan ang kanyang sundo.Sabay silang nagbiyahe pauwi ng Pilipinas ng kanyang ama,na dumalo sa kanyang graduation,ngunit sa Manila ito bumaba dahil may mga aayusin pa raw ito sa siyudad,samantalang siya ay kumuha na ng connecting flight patungo sa probinsiya.Excited na siyang umuwi.Nasabihan na niya ang mga kaibigan niya.Kahit naman hindi siya umuwi ng ilang taon,hindi naputol ang communication niya sa kanyang dalawang matalik na kaibigan noong high school.Tapos na rin sa pag-aaral ang mga ito,at mas piniling bumalik sa probinsiya.Carrie is now teaching social studies sa alma mater nila,at si Annie na isang pharmacist,nagtatrabaho naman sa nag-iisang parmasya ng bayan nila.
Napangiti siya ng mamataan ang dalawa.Katabi ng mga ito ang dalawang bodyguards na itinalaga ng kanyang ama para sa kanya.NApangiti uli siya nang makilala ang mga ito.Dave and Morgan,the same reliable men na naging kasa-kasama niya sa Maynila pagkatapos nang kidnapping incident noon.Buwan din kasi ang binilang bago naayos lahat ang mga papeles niya para makaalis siya noon.Kaya naman nakagaanan na niya ng loob ang mga ito.Parang kuya na niya si Dave,na sampung taon ang tanda sa kanya.Mas seryoso naman si Morgan,at mukhang unapproachable,mukha lang naman,dahil kapag nakilala at naging ka-close mo na ito,pasaway din ito katulad ni Dave.Besides,Morgan is her bestfriend Carrie's uncle,kaya parang uncle na rin niya ito.
BINABASA MO ANG
The Pretend Girlfriend
RomanceAnd the story of the Villa Roman cousins continues...this time yung story naman nina Kensi at Ronny. ***book cover by Maria Olivia TEASER 1: Kung yung iba ay may high school sweetheart,siya naman ay may high school enemy.Unang araw pa lamang nila...