Sebastian's PoV
"Anung nangyare kay Ma'am Aemie?" Bulong ni Lee saakin. tinampal ko ang kamal nyang dumudukot sa kinakain kong piatos."Wag kang paraparaan Dre." Sabi k. Takteng to! makikikain lang dinadahilan pa ako ng kalokohan.
"Sebastian!" Tawag ni Miss Aemie.
"Yo Miss Aemie" Tumayo Agad ako at lumapit sa kanya. "Nasabi ba ni Zeke kung anong oras sya babalik?"
Putek! nasabi ba ni bossong kung aning oras sya babalik? "Maya-maya siguro nandyan na 'yun Miss ---"
"Ano ba naman 'yan si Zeke! Sabi ko bilisan eh."
Sinubo ko ang kanina ko pa hawak na Piatos ng hindi inaalis ang tungin kay Miss Aemie. Kanina pa sya palakad-lakad at mukang inip na inip na.
"Yo Aemie gusto mo bang maglaro ng pusoy?" Singit ni Lampe.
Tumigil si Miss Aemie sa paglalakad at tinignan ng masama si Lampe "Muka bang gusto kong maglaro ng pusoy?"
"Boom basag!"
"Whoa chill!" Nakataas pa ang kamay ni Lamoe na umaatras kaya natawa ako. maging sila Lee at boul ay natawa din "Pakyu" he mouthed kaya lalo kaming nagtawanan
"vash"
Muntik pang matapon ang beer in can na hawak ni Boul dahil sa gulat nung bigla syang tawagin ni Miss Aemie. Pfft. Wengya! Ano nga kayang nangyari kay Miss Aemie? Nag-away ba sila ni ?Bossing? O baka naman. shit! Hindi kaya alam nya 'yung tungkol duon sa babae?
"M-miss Aemie." Nauutal na sagut ni Boul.
Napahilamos ako ng muka dahil sa naisip ko.
"Mag-usap nga tayo Vash."
Nag-aalangan pang tumayo si Boul pero mabilis pa sa alas kwatro syang tumayo at sumunod kay Miss Aemie.nung tignan sya ng masama.
"Sabi ko sa'yo may kakaiba kay Ma'am Aemie eh." Saad ni Lee
"Anak ng! Nagulat ako sa isinagot sa'kin ah."
"basag ka tol no?" Natatawang asar ko
"Muka mo kayang basagin ko Lerwick?"
Humawak ako sa dibdib ko na kunwaring nasasaktan "Aww battered baby ba ako sa'yo baby Lampe."
"ulul! Tigilan mo ako Lerwick. Gwapo kong 'to papatol sa bakla?" Pfft. Ang sarap gaguhin nito ni Lampe eh. "Aww baby Lampe, ganyanan na ba tayo? Matapos mong angkinin at pagsawaan ang murang katawan ko?" Umarte akong nasasaktan kaya binatukan ako ni Lampe.
"Mura ko gusto mo?" tanong nya
"Hahahah dre. Kalma. Alam mo namang hindi ako pumapatol sa pangit"
**
Vash's PoV
"Miss Aemie." I gulped. Nakatalikod lang sya saakin at hindi nagsasalita kaya naghintay ako ng ilang saglit.
"Third party ba ang dahilan ng paghihiwalay nyo ni Calleigh?" Hindi ko inakalan dideretsyuhin nya ako ng tanong. Aish. "Hindi po."
Mabilis na humarap saakin si Miss Aemie at tinignan ako ng mata sa mata. "Kung hindi third party, ano?" Seryosong tanung nya
Ang totoo nyan hindi ko din alam kung aniong isasahot ko Nakakampucha! "Hinsi ko din alam ano ang dahilan Miss Aemie dahuil bigla nalang nakipaghiwalay sa'kin si Calliegh" At yun ang totoo. Gugustuhin ko mang itanung sa kanya ang dahilan hindi ko magawa dahil hindi nya ako kinakausap.
Humarap si Ma'am Aemie sa akin na nakacross-arms habang malalim ang iniisip. "Ganun ba?" tanong nya.
"Ganun nga po Ma'am Aemie." I am staring at her pero pakiramdam ko si boss ang kausap ko.
BINABASA MO ANG
My Husband is a Mafia Boss (MHIAMB 18)
Fanfictionjust to help those who cannot find chapter 18 of MHIAMB