PBK 5: Hangul (Korean Language)

58 4 3
                                    







PBK 6: Hangul (Korean Language)



 Yeah. Hangul 한글 Sino bang hindi alam 'to? Halos lahat ata ng KPOP fans alam kung paano magbasa at sumulat ng Hangul. 



 Halimbawa: 종대 


Sinong alam ang basahin yan? TAAS KAMAY! Hoho. 



Saka isa pa.. kapag may nakikita kang Hangul na nakasulat sa mga damit, merch, etc., agad agad mong binabasa yun. At kapag nabasa mo na at naitranslate mo, para kang nakaperfect sa quiz ang feeling mo. More like parang "IM THE BOSS!" dahil nabasa mo yun. Pangiti ngiti ka pa nga minsan. 



May naexperienced ako. Habang nakasakay kami sa tricycle, nakapwesto kami sa likod ni Kuya Driver. Tapos napansin ko yung para blazer(?) niya may nakasulat na Hangul pero pakupas na kaya yung ibang letter hindi ko na madetermine. Habang nasa likod ako binabasa ko yun. Oo binabasa ko.. ng malakas. Malakas talaga, kasama ko pa yung bestfriend ko nun na binabasa yung mga letters. Tawa lang ako ng tawa kasi hindi ko maintindihan yung tinatranslate ko. Nagbibilang pa nga ako sa kamay ko nun kung pang-ilang syllable na ako. Tapos biglang nagsalita si Kuya na 'asdfghjkl UNIVERSITY' (hindi ko na matandaan kung anong sinabi niya basta university). Syempre nagulat ako, kasi biglang sumagot yung driver. Naawa siguro sakin kasi hirap na hirap akong basahin.  



Back to the topic, so yun nga. XD Saan na ba tayo? Ayun, pangiti ngiti ka pa. Then, kapag nanghihiram ka ng phone(android) ng bestfriend mo, tinitingnan mo yung keyboard niya kung may KOREAN ba siya dun, tapos kapag wala pumupunta ka sa settings at binabago yun pero hindi naman actually binabago. Dinadagdagan mo lang ng Korean na language. Tapos kapag tapos na, ngiting aso ka, dun ka kasi magpapractice kung paano ba magsulat/magtype ng hangul. Minsan nga naamaze ka kasi nagdidikit dikit yung mga letters. Like 방탄소년단 (Bangtan Sonyeondan), na try niyo na ba? Kung hindi pa itry niyo. Hahaha! Atsaka, halata niyo ba? Lahat ng KPOPPER ang gamit na keyboard ay GoKeyboard dahil dun talaga may makikitang Hangul alphabets diba? 😆😆



RELATE KA BA? COMMENT KA PO NG MGA EXPERIENCES MO SA BABA. I'LL APPRECIATE IT.




  --- Hi kay Kuya ArjhayTabios .. Nanosebleed po ako sa lalim ng tagalog niyo sa comment boxes. Pero kamsa~ Thank you po sa pagpapalakas ng loob (kung pagpapalakas ng loob nga yun) dahil sa inyo nag-update ako. More power po!

Perks of Being a KPOPPERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon