Chapter 01

28 0 0
                                    

Chapter 01

-4 months ago-

"Geuraeyo na-neol saranghae~"

Nandito ako ngayon gabi sa Seoul. Tumutugtog, para makalakap ng donasyon para sa Orphanage na tinutulungan ko. Ito lagi ang ginagawa ko tuwing wala akong pasok para matulungan ang bahay ampunang pinanggalingan ko.

Ako si Kang Jisoo. Isang 17 year old girl na nangangarap maging isang sikat na artist. Ayon ang pangarap ko simula nung bata pa ako. Kaya naman isa sa mga sponsor ng ampunan ang natuwa at pinag-aral ako sa isang art school. Pero, nahihirapan akong pumasok dun dahil sa mga puna nila saken. Hinahayaan ko na lang basta nag-aaral ako.

Habang tumutugtog ako, napapansin kong paunti na nang paunti ang mga manonood kumpara nung mga ilang araw. Nakakapagtaka. Sa tuwing tutugtog ako sa pwestong 'to ang daming nanonood at nagdo-donate eh. Pero bakit ngayon?

Tinapos ko lang yung isang kanta at saka ako nagligpit ng gamit. Inayos ko na 'tong keyboard at saka ko isinakbit sa balikat ko. Ang bigat. Pero para naman 'to kina sister Dayong. At sa papa ko.

Habang naglalakad ako pauwi, napansin ko dun sa kantong nadaanan ko, marami ang nagtutumpukang tao. Lumapit ako para makita ang pinagkakaumpukan nila.

"Dorawajyeo~~"

Napakinggan kong may kumakantang lalaki kaya nakipagsiksikan ako para makita yung kumakanta.

Nakita ko ang pinag-uumpukan nila at isang lalaking nagigitara.

At siya pala ang dahilan kung bakit kakaunti ang nanood saken.

Pinanood ko sya hanggang sa matapos sya. Marami ang nagbigay sa kanya ng donasyon.

"Neomu kamsahamnida!"-bow sya ng bow matapos nyang maipon yung bigay sa kanya ng mga nanood.

Umalis na ang maraming nanonood. Pero hindi pa rin ako umaalis, pinagmamasdan ko pa rin sya. Parang pamilyar sya saken eh.

Habang nakatayo ako, napansin nya ako.

"Oh. Ikaw yung tumutugtog sa kabilang kanto di ba? Annyeong?"-sya.

"Tss. At ikaw pala ang dahilan ng pagkaubos ng manonood ko no."-inis kong sabi.

"Huh? Pagkaubos? Naku. Hindi ko sinasadya. Mianhae."-sya.

"Alam mo, kung ayaw mo akong magalit sayo, umalis ka dito. Inaagawan mo ako ng manonood eh."-utos ko sabay alis.

-kinabukasan-

Nandito na ulit ako. Tumutugtog pero wala na. Wala nang namamansin sa aking manonood. Kaya naman umalis na ako at saka nagpunta dun sa kabilang kanto dala ang bag at keyboard ko.

At hindi ako nagkamali ng akala. Nandun na naman yung asungot na nanunulot ng manonood. (embe rhyme eh)

Nakipagsiksikan ulit ako para makapunta sa unahan. Napansin nya ako kaya biglang nanlaki ang mata nya sa gulat.

Inilapag ko yung keyboard ko dun sa dala kong stand. At saka naupo. Napatigil sya sa pagkanta ng gawin ko yun. Syempre, nagtaka din yung mga nanonood.

"Annyeonghaseyo. Ako po si Kang Jisoo. Pasensya po. Nalate po ako ng dating. Ako po yung kasama nya sa pagtugtog."-paliwanag ko.

Pansin ko ang pagtataka at gulat sa mukha niya.

Nagsimula na akong tumugtog at kumanta. Sinabayan nya na lang ng gitara yung pagkanta ko. Mali mali pa ang inilalapat na chords.

Natapos kaming tumugtog. Madaming nagbigay. Binibilang ko yung perang nakuha namin mula dun sa bigay ng mga nanood.

"Ya. Akin na yan."-pagtatangka nyang hanggitin yung mga pera.

Treasure Of My Past [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon