"Jheck,pwede ka bang makaputan sa JS namin?"tanong ni Rayzel ang nakakatandang kapatid ni Jheckay.
"Ha!kailan ba 'yan ate?Baka kasi may laro kami niyan."
"Sa Feb 14 Jheck."
"At ano naman ang gagawin ko doon?"
"Ikaw ang tagakuha nang shot sa akin.."
"Ano!wow naman ate,gagawin mo pa akong kodaker!"
"Jheck,sige na please....."
"Sige subukan ko pagwala kaming laro.."
"Anong subukan!'Wag mong subukan gawin mo Jheck.Minsan lang naman ito eh.At 'yang paglalaro mo lagi naman niyan.Sige na please...."
"Eh may magagawa pa ba ako?Kung makapaglambing ka wagas....!"
"Salamat mahal kong kapatid....."
Wala nang nagawa si Jheck kung 'di ang mapa "Oo,"sa kakulitan ng kanyang ate.Pareho lang sila high school student at parehong school ang kanilang pinasukan.Pero walang pakialam si Jheck sa mga programa na nagaganap sa kanilang campus. Dahil palagi itong busy sa training nang basketball.
Nasa 2nd year high school si Jheck at ang kanyang ate ay nasa 3rd year.Lumaki si Jheck na pag-umasta lalaki,manamit panlalaki,mula elementarya nasanayan na ito ni Jheck.Lahat ng mga kaibigan at kaklase talagang Jheckoy na ang dating nito.Pero para kay Jheck babaeng babae siya,at puso niya ay babae talaga.'Yan ang lagi niyang sinasabi sa mga kaibigan..
Ang oras at araw ni Jheck ay nakatutok lagi sa training, laro at pag-aaral.Dahil basketball varsity siya sa kanilang school.
Feb 14,1996."Jheck,tapos kana ba?Tayo na baka mahuli pa ako.."
"Oo,anjan na....."
"Jheck!Ano ba 'yang suot mo?"
"Bakit ate?Ano ba ang suot ko?"Jheck,ang badoy ng suot mo,magpasexy kana man ng kunti para may nating..."
"Naku ate ha!pinipintasan mo yata ang suot ko,bakit ate kailan mo ba ako nakita na nagsusuot ng mga sexy?Parang hindi kana nasanay sa akin.."
"Kung ganyan lagi ang mga pinagsusuot mo paano ka magustuhan ng mga lalaki?"
"Eh bakit ate?Sino bang may sabi sayo na magpaligaw na ako?Ano!gusto mong hindi na ako sasama sayo?Sige magbihis nalang ako nang pambahay!Ikaw nalang ang magshot-shot sa sarili mo...!"
"Okay na'yan, tayo na Jheck,nagbibiro lang ako.."
Sa Campus...
"Jheck,maiwan muna kita dito saglit ha, punta lang ako sa room namin.."
Sige ate, dito lang ako mag hintay..."
"'Wag kang aalis ha.."
"Oo,"dito nga lang ako....!"
Naiwang mag-isa si Jheck sa rotunda."Ano ba 'to nakakainip naman,kung nasa gym lang sana ako siguradong nalilibang at nag- enjoy pa ako.Hindi naman ako makapunta sa room,baka hanapin pa ako ng ate,hhhhssssttt...!"Pagmamaktol ni Jheck sa sarili.....
"Hoy!Jheckoy,mag-isa ka lang?"tanong nang pinsan ni Jheck na si Susan habang papalapit sa kanya...
"Eh- - satingin mo may kasama ba ako?"
"Ang suplado ng bakla!Saan ba ang mga tropa mo?"
"Nandoon sa gym nag-insayo."
"Ikaw bakit nandito ka?"
"Ito kasi si ate nangulit!Ginawa pa akong kodaker...!"
"Ay!Pareho pala tayo,kasi ako din ang kukuha sa ate ko..."Si Susan pinsan ni Jheck.Kaklase niya ito grade one hanggang grade six.Nagkahiwalay lang sila pagdating ng high school dahil ibang section na ito.
BINABASA MO ANG
UNANG TIBOK
Teen FictionGenre:Romances Author:Jhyne Juntilla wattpad:ellen_jhy81 Pag-ibig na pinaglalayo nang mahabang panahon.At muling pinagtagtagpo ng tadhana para ipagpatuloy ang naudlot na pagmamahal..