Nate's POV
Naayos na niya ang gulo at bumaling naman siya sa dalaga na kanina pa niya napapansing nakatitig sa kanya.
"Mariko are you okay?", tanong niya sa dalaga.
Nakatitig lang ito sa kanya na para bang nakakita ng multo. Inulit niya ang tanong niya at nilakasan ng kaunti ang kanyang boses. At saka pa lamang natauhan ito.
Nagbago naman ang tingin ng dalaga sa kanya na para bang nagtataka. Marahil dahil sa pagkakatawag niyang Mariko dito. Kaya muli niyang inulit ang kanyang tanong.
"Mary Choleen Rivamonte right? Are you okay?", buong pangalan na ng dalaga ang kanyang sinabi dahil baka di siya nito tanda.
"Nathan Romeo Navarro, remember? Classmates tayo nung high school at schoolmates naman nung college. I hope you still remember me.", dagdag pa niya sa dalaga at mukhang mas okay naman na ang itsura nito kaysa kanina.
Agad naman itong sumagot at inalok pa siya na saluhan siya sa pagkain. Agad naman siyang pumayag. Sayang naman ang pagpunta niya sa restaurant kaya pumayag na rin siya.
Mary's POV
He's so sexy. Ghadd!! Kahit buong magdamag ko siyang titigan ayos lang.
Natigil siya sa pagtitig kay Nate ng marinig niya itong nagsasalita.
Mariko? Sino si mariko? Nakakaloka naman akala ko pa naman tanda niya ako.
Nagulat siya ng banggitin ni Nate ang buo niyang pangalan. Tanda pa pala siya nito. Sobrang galak ang kanyang nararamdaman ngayon pero siyempre bawal magpahalata.
"Oo naman okay lang ako. Natatandaan mo pa pala ako. At ikaw natatandaan kita noh paano ba naman kita malilimutan eh...(crush kita).", muntik na niyang masabi na crush niya ang binata buti na lang at nakaisip siya ng palusot.
"Ah salamat pala ah. Sorry naabala ka pa. Pauwi ka na ba? I hope you don't mind if I'll invite you for a drink?", pormal na tanong niya. Buti pala umorder siya ng red wine. Laking tuwa na naman niya ng pumayag ito.
Kroo...kroo...kroo...Namamayani ang katahimikan sa kanilang dalawa.
Ang awkward sh*t. Ano bang itatanong ko? Mag isip ka nga Mary. Dapat maging maganda ang impression niya sayo. Dito nakasalalay ang future mo! Ang future niyo!
"So, anong pinagkaka abalahan mo ngayon?", tanong niya kay Nate.
Kinuwento naman nito ang tungkol sa football career nito. Naikwento din nito ang nangyari noong isang linggo kanya at sa kanyang mga teammates. Kaya pala ito nagtaxi at mukhang pinagbagsakan ng langit un pala ang dahilan.
Nate's POV
"Sa totoo niyan inaasikaso ko na ang mga papers ko para makaalis na sa team na yon. Meron kasing oportunity sa Spain. Kinukuha nila ako bilang isa sa mga potential players ng isang sikat na team doon. Ittrain daw nila ako ng mabuti at saka isasabak sa paglalaro. Ikaw ba? Anong pinagkaka abalahan mo ngayon?", pag eeksplika niya.
"Eto busy palagi sa trabaho. Tuwing weekends naman ay umuuwi ako sa amin. Medyo malaki kasi ang sahod ko kaya kahit di ko gaano kagusto ang aking trabaho ay tinatiyaga ko na rin. Balak kong mag resign after a year at binabalak ko rin na sa ibang bansa na magtrabaho para mas mabilis akong makaipon.", sagot ni mary sa kanya.
Nawala na ang awkward na atmosphere sa pagitan nilang dalawa hindi nila namamalayan ang oras. Nakakatatlong bote na rin sila ng red wine at mukhang may tama na ang dalaga.
Hindi na niya makausap ng matino si Mary at sa bawat tanong na binabato niya ay kung ano ano na ang sinasagot nito. Tipsy na ang dalaga. Muntik pa nga itong matumbak ng subukang pumunta sa banyo mag isa kaya minarapat na niyang alalalayan ito.
Lasing si Mary, oo. Pero bakit parang mas gumaganda ito sa kanyang paningin. He finds mary's drunk attitude sexy. Hindi niya alam kung bakit. Nawweirdohan na rin siya sa talbo ng kanyang pag-iisip.
Mary's POV
Unang lagok pa lang sa alak ay di agad niya ito gusto. Napakatapang nito para sa kanya. 13% ang alcohol content ng red wine na kanyang ininom. Gusto niyang isuka ang ininom na alak pero hindi pwede. Ayaw niyang mapahiya sa harapan ni Nate.
Okay lang yan Mary. Posture. Okay. Be a lady. Ikaw ang nagyaya sa kanyang mag inom kaya umayos ka jan. Jusko Ben bakit ba ang tapang ng alak na ibinigay mo?
Nakalimutan niyang sabihin na 5% alcohol content na red wine ang iserve sa kanya. Hindi siya sanay uminom kaya naman ganon na lamang ang reaction ng kanyang katawan.
Mahaba na ang gabi. Marami na siyang nainom. Di na niya alam ang kanyang mga sinasabi. Nahihilo na siya.
"Sorry Nate. You know i'm drunk. I love english very much. So please be kind to me. Love is patient. Love is kind. Yeahhh!! Wooo!!!", sabi niya sa binata. Lasing na nga siya. Kung ano ano na ang lumalabas aa bibig niya. Gusto na niyang umuwi pero paano. Hilong hilo na siya.
"You know what lasing ka na Mariko. Let me take you home.", narinig niyang sabi ni Nate sa kanya.
"No! Di ako lasing. Drunk lang. Hahahaha!!", sagot niya sabay tawa ng pagkalakas lakas.
Mariko? Tinawag niya talaga akong Mariko? Ah baka naman pinasama niya lang ung first name ko.
Di na niya napigilan ang sarili, dala na rin ng hilo, iginiya niya ang kanyang ulo sa lamesa at nakatulog na siya. Di na niya alam ang sumunod na nangyari.
Hiningi ni Nate ang bill mula sa isang waiter na may nametag at may nakalagay na pangalan ay Ben. Agad naman naglabas ng pera mula sa wallet si Nate.
Napansin ni Nate na nakatitig ang waiter kay Mary at tinanong kung kakilala ba niya ang dalaga. Agad naman itong sumagot. Mukhang alalang alala ang mukha ni Ben. Kakaiba ang titig nito sa dalaga. Hindi basta pangkaibigan ang titig nito. Alam ni Nate ito dahil isa rin siyang lalaki. Alam niya na may gusto si Ben kay Mary.
"You know what I'll take care of her. I'll take her home.", sabi ni Nate sa waiter at mas nagmukhang nabawasan na ang pag aalala sa mukha nito.
"Okay sir. Thank you po. Please take care of her. She's a good friend of mine.", agad namang sagot ni Ben kay Nate.
BINABASA MO ANG
Undeniably Love [Ongoing]
RomanceCrush, according to Merriam Webster dictionary, is a strong feeling of romantic love for someone that is usually not expressed and does not last a long time. Sino nga ba ang walang crush dba? Lahat naman siguro meron. Yun ung taong hinahangaan mo. Y...